Chapter 32

4.1K 93 0
                                    

"Nalate lang, stay in na agad ang gusto mo?"

"Oo bakit? Hindi sa lahat ng oras pwede ka naming hintayin!"


"Parang isang beses pa lang akong nalalate, Bakit ba napakalaki na ng problema mo?"
Medyo naiirita ko ng sagot.

"Problema ko o problema mo? Kasi kung sasabihin mong ayaw mo so be it, leave my office."

"Pero kasi hindi naman ganun kadali yun sir."

"Ayaw mo? Madali lang maghanap ng kapalit mo, Pwede naman kitang kasuhan kapag umalis ka dahil may pinirmahan kang kontrata sakin. "


Tinititigan lang kami ni Tita Grey habang nagmamaneho si Mathew ng sasakyan.

"Kapalit agad? Kaso agad? Anong kaso naman?! Nalate lang ng isang beses ganun, Grabe talaga."
Sabi ko, nakita kong napangisi siya at si tita Grey sa sinabi ko pero seryoso akong nagrereklamo dahil sa gusto niyang mangyari.

"One is enough, At ayoko ng maulit pa yan."

"Hindi na nga mauulit."
Sagot ko ulit.

"Talagang hindi na! Tita Grey samahan mo si Gia mag impake sa kanila mamaya after ng guesting ko."

Napatingin ako sa kanya, Gusto ko pa sana magreklamo pero mukhang wala akong choice. Kung tatanggihan ko naman yung gusto niya eh siguradong mawawalan ako ng trabaho. Wala na ngang kinita magkakakaso pa ko.

Nagulat naman si Annie ng makita niyang kasama ko si Tita Grey.

"Kailangan ko mag stay in sa bahay ni Mathew bessy."

"Ha? Bakit biglaan naman yata..
Gulat na gulat na reaksyon ni Annie habang inaayos ko ang gamit ko.

"Gusto mo ito di ba!?"
Tinaas ko ang kilay ko at tinitigan si Annie.

"Pero bessy bakit naman pumayag ka? Sigurado ka bang okay ka lang dun!?

"May choice ba ako Annie?
"Hindi ko naman alam na aabot sa ganito bessy, sorry na."

"Huli na bessy!"
Naiinis kong sagot at tyaka lumabas na ng kwarto hila hila ang luggage ko.

Mabilis namang kinuha ni Tita Grey yun para tulungan ako. Palabas na sana ko ng habulin ako ni Annie at niyakap ako.

"Mamimiss na naman kita, Aish!"
"Dadalawin naman kita bessy ano ka ba, Nga pala huwag mong sabihin kila nanay yung tungkol dito ah."

Lumabas na kami ni Tita Grey. Dahil kanina pa raw tumatawag si Mathew at tinatanong kung nasaan na kami.

Bago ko pa maihakbang ang mga paa ko papasok sa bahay ni Mathew ay huminga ko ng malalim. Para kila nanay, I need this work at gagawin ko lahat para makatulong ulit sa kanila.

Dinaanan lang ako ng tingin ni Mathew. Nilagay ni Tita Grey yung maleta ko sa side at nagpaalam na kay Mathew. Sumenyas naman siya sakin na uuwi na daw siya kaya tumango lang ako.

Napadaan yung mata ko sa kwarto sana nung magiging anak namin, bigla akong nakaramdam ng kirot at iniwas ko ang tingin dun. Naalala ko na naman yung munting anghel ko.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Mathew papasok sa kwarto niya.

"Anong gagawin mo? Bakit dito mo ko dinala?"

"Ano ba sa tingin mo?
Sabi niya. Lumapit siya sakin at halos maamoy ko na yung mabangong hininga niya.

Tinulak ko siya at lumabas ulit ng kwarto.

"Sir, pwede bang ituro mo na lang kung saan yung kwarto ko para makapagpahin---..

Hindi ko natapos yung sinasabi ko dahil hinila na naman niya ko papasok sa kwarto niya.

"Magpahinga ka na."
Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Nagtataka ko, hindi ko alam kung bakit dito niya ko pinagpapahinga pero hinayaan ko na lang. Hindi na ko nag abalang lumabas pa ng kwarto dahil inaantok at napapagod na rin ako.

Nilabas ko lang sa maleta ko ang gagamitin kong pantulog at tyaka nilinis ko ang sarili ko.

Napagod ata ako, biglang sumakit yung likod ko. Alam ko na kapag ganitong pakiramdam, at hindi ko na hihintayin pang datnan ako ng walang stock na napkin.

Mabilis akong lumabas ng kwarto, nakita ko siyang nanonood ng tv kaya dinaanan ko lang siya.

Bubuksan ko pa lang sana yung pinto ng ilock niya yun gamit ang remote niya. Oo nga pala nakalimutan kong deremote na pala yung bahay niya. Bigtime na siya agad nung nawala ako sa buhay niya.

"Saan ka pupunta!?"
Halos mapatalon ako ng marinig ko yung boses niya nasa likuran ko na pala siya.

"May bibilin lang sana ako sa convenience store na pinakamalapit dito."
Sabi ko habang pinupukpok yung balakang ko dahil sa sakit.

Nakita kong napatingin siya sa ginagawa ko kaya tinigil ko.

"No, Hindi ka lalabas baka mamaya hindi ka na bumalik."

"Bibili lang ako, bakit naman kita tatakasan? Ano ko preso?"

"Basta hindi ka lalabas. Ako na lang bibili."
Natawa ko, iniisip ko pa lang na bibili siya ng napkin eh ang sagwa na lalo na't artista siya.

"Sigurado ka?
Tanong ko, nagtaka ko hindi ko pa nga sinasabi kung anong bibilin niya eh naglagay na ng mask sa mukha at sumbrero pagkatapos ay lumayas na sa harap ko.

Sinubukan kong tawagan siya pero narinig ko lang na nagring dito. Tss! Iniwan niya yung cellphone niya. Paano ko masasabi kung anong bibilin niya.

Dahil hindi ko na kaya yung cramps na nararamdaman ko eh bumalik muna ko sa kwarto niya at dumapa. Tyaka pinatungan ng medyo mabigat yung balakang ko habang nakadapa.

Bigla naman akong napatayo ng hagisan niya ko ng tatlong balot ng napkin. Paano niya nalamang napkin ang kailangan ko eh hindi naman niya alam meron ako o wala dahil nung magkasama kami dati ay wala naman siyang pakialam. Nakita kong tinititigan niya yung pagkakahawak ko sa puson ko.

"Paano mo nalamang napkin kailangan ko aber?

"Tss! That's not important anyway. Pagkatapos mong maglinis lumabas ka sandali aantayin kita."
Pagsusungit niya at lumabas na ng kwarto.

Mabilis lang naman akong nagayos ng sarili ko at lumabas na. Huwag niyang sabihin may taping na naman siya. Hindi pa ko nakakapagpahinga, at ang sakit pa naman ng puson ko.

Nagpunta muna ko sa kusina para uminom ng malamig na tubig, pero nagulat ako ng agawin niya yun at pinalitan ng half cold at half hot water tyaka niya pinainom sakin.

Parang pakiramdam ko kinikilig ako, Aish! Nasampal ko na sa isip ko yung pisngi ko para magising. Tss!

Nakita kong umupo na siya sa couch kaya sumunod ako. Ilang beses kong pinagdadasal na sana hindi taping ang sasabihin niya dahil gusto ko talagang ipahinga yung nararamdaman ko. Bakit naman kasi ngayon pa ko nagkaroon, nakakainis.

"Higa."
Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya habang inaayos yung unan sa couch.

"Ha?
Nagtataka kong tanong at niyakap yung sarili ko.

"Sabi ko higa."
"Ayoko nga! Baka mamaya ano pang gawi---..

Napatigil ako ng itaas na niya yung dalawang paa ko sa couch at nilagyan ako ng unan sa likod para makahiga.

Babangon pa sana ko pero tinutulak lang ng thumb ni Jade yung noo ko para hindi ako makabangon.

Nagulat ako umupo siya sa bandang paanan ko at nilagyan niya ng heating pad yung puson ko. Paulit ulit niyang nirurub yung palad niya sa ibabaw ng heating pad. And I feel so relieved dahil dun sa heating pad na nilagay niya. Kahit na gusto kong itulak yung kamay niya eh mas pinili ko na wag na lang dahil sobrang nakatulong talaga para mawala kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko.

"Okay ka na ba?
Tanong niya pero hindi niya ko tinitignan.

"Hindi ko alam na marunong ka pala nito."

"What do you mean?
Tanong niya.

"Nothing."
Sagot ko at ipinikit ko na lang yung mata ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon