Chapter 46

3.6K 78 3
                                    

"Hindi totoong hindi ka niya maalala."
Napatigil ako.

"Akala niyo maniniwala ako? Alam kong sinasabi niyo lang yan para tigilan ko na si Mathew."

"Look Gia, Bakit ka namin lolokohin? Anong mapapala namin?
Si Annie.

"Kung sa tingin niyo maniniwala ako, Sorry! I've been there for almost two weeks at kahit isang bakas na naaalala niya ko hindi ko naramdama-..

''Wala kang naramdaman, kasi alam niyang makakahalata ka!
Nang gigil na si Chris, kulang na lang eh tirisin niya ko. Pinipilit kong huwag paniwalain yung sarili ko pero heto sila at pinagduduldulan sakin na hindi sila nagsisinungaling.

"Guys, Enough hindi ako naniniwala sa inyo unless si Tita Grey ang magsabi sakin.''

"It's come from Tita Grey. She came here! At nakiusap siya sa amin na alalayan ka dahil alam niyang hindi ka titigil hangga't hindi ka naaalala ni Mathew! Nakiusap siya na huwag sabihin sayo pero Gia naman hindi ka naman namin matitiis!"

Pakiramdam ko tinutusok na naman yung puso ko. Bakit ganun, Hindi na nawalan ng kadramahan yung buhay ko. Gusto kong maiyak sa harapan nila pero pinigilan ko mabilis akong umakyat sa kwarto ko.

Hinabol nila ko pero hindi ko sila pinagbuksan ng pinto. Nagpunta ko ng banyo at tyaka binuksan yung shower para hindi nila marinig yung pag iyak ko.

Halos manakit ang dibdib ko sa pag iyak ko. Bakit kailangan na namang gawin ni Mathew yun! Gumaganti ba siya kasi sinaktan ko siya. Oh nakikipaglaro siya!

Bigla akong napatigil. Pinatay ko ang shower at mabilis na bumaba ulit. Basang basa at lumapit kila Annie at Chris.

Tinititigan nila ko, Gusto nila kong yakapin pero pinigilan ko sila.

"Nakikipaglaro siya? Pwes makikipaglaro din ako sa kanya."
Napatingin sila sakin. Mabilis na kumuha ng towel si Annie at ibinalot sakin.

"Gia tama na please. Mas mabuti pa siguro kung umuwi ka na muna kila Tita."

"Hindi niyo sasabihin kay Tita Grey na alam ko na guys please. Hayaan niyo kong makipaglaro sa kanya!"

"You know what Gia nababaliw ka na dahil sa pagmamahal mo kay Mathew! Kung hindi sapat yung binibigay mong pagmamahal kay Mathew, Just give up please."

"Stop hurting your self."
Dugtong ni Chris pero hindi ko siya pinakinggan.

"Tignan natin kung hindi niya ko maalala sa mga gagawin ko."
Sabi ko. Tumayo ako at kumuha ng alak sa ref. Inagaw ni Chris yun pero kinuha ko ulit. Imbes na pigilan nila ko eh wala silang nagawa kundi damayan ako.

Nakatulog pala ko sa kalasingan ko. Nakita kong tulog na tulog si Annie at Chris. Tss! Mas mukha pa silang nalasing sakin.

Naalala ko na naman si Mathew! Nag ayos ako ng sarili ko at nagpunta kay Tita Grey.

Nagulat siya pero pinapasok niya ko sa bahay niya.
"Gia..

"Sorry Tita, Alam ko this is too much but please sabihin mo kay Mathew na dati niya talaga kong E.A at nakastay in sa kanya bago pa siya maaksidente.

"Teka Gia, Hindi ko maintindihan.. Pero bakit?"

"Para makapag stay ako ulit sa tabi niya Tita, Para mas mabilis niya ko maalala..
Pagsisinungaling ko.

"Pero kasi ..

"Please Tita, Akala ko ba you want to help me..

"Okay, But please don't do anything. Don't force him para maaalala ka niya agad okay?
Mabilis naman akong tumango. Inantay ko lang siya matapos magbreakfast ay umalis na kami.


Nagulat pa si Mathew ng makita niyang kasama ako ni Tita Grey.

"Since wala ka pa namang pasok, Dito muna siya okay?
Napatingin si Mathew kay Tita Grey, Halatang nag aalangan siya.

"But for what Tita?
Tanong niya.

"Look Mat. I know you're not going to believe me but Gia is your executive assistant bago ka pa maaksidente."
Tiningnan ako ni Mathew.

Magsasalita pa sana siya pero mabilis akong pumasok sa kwarto niya at kinuha yung gamit ko.

"It's true sir, Look this is my things."
Gagawin ko ang lahat huwag ka lang makatanggi na hindi ako magstay dito sa bahay mo. Tignan natin kung sinong matatalo sa pagpapanggap.

"Okay, Naniniwala na ko. Pero wala pa naman akong trabaho sa ngayon so I don't need executive assistant for now."

"Pero Mat, Kailangan mo ng magbabantay sayo habang nagpapahinga ka."

"Tita, Andyan naman si Sophie. Sila mommy sigurado naman akong pupuntahan nila ko.

"But not all the time Mat, Sige na maiwan ko na kayo. Mag aasikaso pa ko sa station."
Hahabulin pa sana niya si Tita Grey pero napatigil siya ng magsalita ako.

"Huwag kang mag alala, Hindi ko naman kayo guguluhin ni Sophie. I just need this job for my husband."

"It's not all about guguluhin, I want privacy!
Malamig na sabi niya. Napatigil ako privacy o natatakot kang malaman kong hindi totoong hindi mo ko naaalala.

"Privacy? You can have it. Lalabas lang naman ako ng kwarto ko kapag kailang-..

"Hindi kita kailangan! So please leave..
Sabi niya. Gusto ko na naman maiyak pero pinigilan ko alam kong ginagawa niya lang yan para mapaalis niya ko.

"But I need you!
Napatigil siya sa sinabi ko. Kahit ako ay nabigla.

"I mean I need this job. So please! Hayaan mo na ko magtrabaho para sayo."

"Tss! Una nag pakilala kang asawa kita sa ospital, Sunod naging caretaker kita. Ngayon naman executive assistant yung totoo ini-scam mo ba si Tita Grey?
Halos matawa ko sa sinabi niya. Pero pinigilan ko at ayokong mahalata niya na alam kong nagpapanggap lang siya.

"Scam? You're being rude."
Sabi ko, natahimik siya pero hinayaan ko na siya. Pumasok na ko sa kwarto niya at kinuha yung gamit ko.

Lumipat ako sa kabila at doon nagmukmok. Tss! Siya naman talaga yung natutulog dito dati ee. Hays naalala ko na naman yung anghel ko sa kwartong ito.

Naramdaman kong tahimik na sa sala niya kaya lumabas ako, Nakaramdam ako ng uhaw kaya kumuha muna ko ng tubig. Nagulat naman ako ng makita ko siyang umiinom ng gatas.

"Sana tinawag mo na lang ako para ako na nagtimpla nyan..
Sabi ko.

Babalik na sana ko sa kwarto ko ng magsalita siya.

"Sorry."
Sabi niya napatingin ako.

"For what?

"For being rude.
Sabi niya. Tss! Hindi ko na siya pinansin at bumalik na sa kwarto.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon