Chapter 48

3.7K 89 9
                                    


"Ano bang sinasabi mo Gia!"

"Sinasabi ko? alam kong nagpapanggap ka lang na hindi mo ako maalala. Kaya please lang Mathew tigilan mo na."

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Mabuti pa umuwi ka na muna."

"My god Jad hindi ka pa talaga aamin? Paninindigan mo talaga yan?!"

Pumasok siya sa kwarto niya pero hinabol ko siya, Sinubukan kong yakapin siya. Pero tinanggal lang niya yung kamay ko.

"Hindi magandang maabutan tayo ng ganito ni Sop-..

Hindi siya natapos sa pagsasalita dahil hinalikan ko siya, Pakiramdam ko yung sakit na nararamdaman ko simula nung maaksidente siya nawash out lalo ng maramdaman kong sinagot niya yung halik ko.

Pero mabilis lang yun at itinulak niya ko.
Binuksan niya yung pintuan niya at alam kong sinasabi niyang lumabas na ko. Pero matigas ang ulo ko sinubukan ko ulit siyang yakapin.



"Hindi ka ba napapagod? Simula umpisa hanggang ngayon ganito yung sitwasyon natin. Ayaw mo ba ng maayos na buhay kasama ko Jade?
Umiiyak na pala ko, Mabilis kong pinunasan yung luha ko.

"I'm sorry hindi ko talaga alam kung anong sinasabi mo!"
Tinanggal ni Mathew yung mga kamay ko, pumasok siya sa kwarto niya at malakas niyang sinara yun.

Bakit ang sakit na naman ng dibdib ko, Pakiramdam ko ginawa ko ng lahat para maging okay kami pero kulang pa rin.

Pumasok ako sa kabilang kwarto para ayusin ang gamit ko, Sa tingin ko wala ng dahilan para mag stay pa ko dito. Dahil kahit naman sinabi ko na sa kanya na alam ko ang tungkol sa pagpapanggap niya ay wala naman siyang ginawa.

Baka ito na yung time para itigil na namin parehas. Huwag na naming ipilit kay destiny yung sa aming dalawa dahil kahit anong gawin namin palaging may hadlang.

Dahan dahan kong sinara yung pinto ng kwarto at tyaka lumabas ng bahay niya.



"Oh? Anong nangyari?
Tanong ni Annie pagpasok ko sa bahay.

"It's done. Please huwag na nating pag usapan."


"Anong It's done?


"Huwag kang mag alala mawawalan ka na ng problema, Uuwi muna ko kila nanay bukas."


"Alam mo ikaw Gia, Ang sarap mong isilid dyan sa maleta mo. I'm asking kung anong nangyari pero hindi mo nam-..


"Magpapahinga na ko."
Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.

Naisip ko na naman si Mathew, Hindi ko alam kung anong dahilan niya para magmatigas ng ganun pero isa lang siguro ang ibig sabihin nun. Ang mag give up kami sa isa't isa para hindi na kami mahirapan parehas.

Hindi na ko nagpaalam pa kay Annie, Pag gising na pag gising ko ay nagdrive ako pauwi kila nanay gamit yung kotse ko. Mabuti na lang at gumagana pa yun sa tagal ng hindi nagamit.


Masama ang tingin sakin ni Ate pero hindi ko yun pinansin, Dumiretso ako kay nanay at tyaka yumakap sa kanya. Alam kong masama ang loob nila sakin pero hindi ko napigilang hindi mapaiyak lalo na ng yakapin rin ako ni tatay.

Alam kong nararamdaman nilang hindi ako okay kaya ganun na lang yung reaksyon nila ng makita nila ko.

"Mabuti naman anak at umuwi ka na, Hindi mo na kailangang magpaliwanag anak mahalaga nandito ka."

"Sorry po."
Humihikbi pa rin ako.



"Tss! Baka pinagtabuyan na naman ni Mathew yan kaya nandito!"
Singit ni ate.


"Tama na yan, Importante nandito na yung kapatid mo."
Inalalayan ako ni tatay papasok sa kwarto ko.


"Alam kong napagod ka sa byahe kaya magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag kakain na tayo."
Iniwan ako ni tatay, Hindi ko alam na sumunod pala si nanay.

Hinawakan ni nanay yung mga kamay ko at tyaka nagsalita.
"Kamusta anak? Anong nangyari at napauwi ka ng di oras dito?

Mabilis namang nagtuluan yung mga luha ko. Umiling lang ako bilang sagot.

"Bakit ganun nay, Binigay ko naman lahat para bumawi at mabawi siya pero wala pa rin nangyari..

"Siguro napagod siya at pakiramdam niya kulang pa lahat ng ginawa mo kaya ganun, Pero hayaan mo na anak mas mabuti sigurong magpahinga ka muna masyado ka ng madaming sakripisyo. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ka sumabak ulit."
Seryoso si nanay, Inabutan niya ko ng tissue dahil halos magsabay sa pagtulo ang luha ko at sipon ko.

Pero napatigil ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko, Kahit si nanay ay nagulat.

"Maiwan ko na muna kayo anak."
Pipigilan ko sanang lumabas si nanay pero mabilis lang siyang nakalabas ng kwarto ko.




"Anong ginagawa mo dito?
Tanong ko.

"Sinusundo ka.

"Akala ko ba hindi mo ko naaalala!? Hindi mo ko kilala?!

"Please let's go home, I'm sorry akala ko kapag ginawa ko yun hindi mo na ko iiwanan at ang sakit isiping iniwan mo pa rin ako ng ganung kadali lang."

"Jade hindi ka ba napapagod?! Sa sitwasyon natin, sa paulit ulit na pag alis ko at pagsundo mo."

"Bakit naman ako mapapagod? Hindi naman ako katulad mo na mahirapan lang ng konti sumusuko na agad."

"Ako sumusuko agad? Bakit ano bang ginawa ko nung nalaman kong nagpapanggap ka lang? Iniwan ba kita? Hindi naman di ba? Sinakyan ko pa nga yung pagpapanggap mo!"

"Anong tawag mo sa pag uwi mo dito? Hindi ba pang iiwan na naman!?

"Kasi pinagtulakan mo ko palayo, Ikaw ang nagtulak para gawi-..

"Hindi kita pinagtulakan, Sadyang ugali mo lang mang iwan kapag nahihirapan ka na!"




Halos pagduldulan niya sakin yung sinasabi niya. Mabuti na lang at hindi kami naririnig sa labas dahil semento yung pader dahil kung naririnig lang nila nanay at tatay yung sagutan namin aakalain nilang nagkakasakitan na kaming dalawa.

"Alam mong kahit iniiwan kita hindi nawawala yung pagmamahal ko, Lahat ng ginawa kong pang iiwan para sa ikabubuti mo yun Mathew!


"Sa ikabubuti ko? Kahit minsan ba tinanong mo ko kung anong mas makabubuti sakin? Kung anong mas makakapagpasaya sakin? Hindi naman di ba? Dahil wala kang ibang solusyon kundi ang iwan ako.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Bakit ganun, bakit siya pa yung galit? Bakit tumatagos lahat yung sinasabi niya sakin. Dahil ba totoo yung mga sinasabi niya. Halos hindi ako makahinga sa paghikbi, Hindi ko alam kung anong isasagot ko.



"Ngayon Gia, Tanungin mo ko kung bakit ko nagawang magpanggap?
Tinitigan niya ko, Gustong gusto niyang yakapin ako lalo na ng marinig niya ang sunod sunod na paghikbi ko pero pinipigilan ko siya.



"Hindi ka makasagot? Sasabihin ko sayo, Dahil gusto kong malaman kung hanggang saan mo ko kaya paglaban Gia. And I'm not surprise, ofcourse sumuko ka na naman."
Dugtong niya. Lumapit siya uli sakin, sinubukan niya kong yakapin uli. This time hindi ko kinaya yung higpit ng yakap niya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.


"Mat, Please kung nagpunta ka dito para ipamukha sakin lahat ng kasalanan ko. Go home! Hindi ko naman alam na nakakasakit na pala yung sobrang pagmamahal ko sayo at pag aalala na huwag kang mapaha- ..






"Let's get married again Gia."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now