Chapter 62

2.5K 74 0
                                    


"Hijo, Bakit hindi ka tumawag na darating ka napasundo sana kita."
Gulat na gulat si mommy ng makita niyang nasa gate na ako.

Agad hinanap ng mata ko si Gia na napansin nila mommy at ate.

"Si Gia hinahanap mo?
"Yes mom, Tulog pa ba siya?
Naglakad ako papasok sa kwarto ko pero wala siya.

"Umalis kagabi eh, Sabi niya kay Annie raw muna siya matutu-...
Hindi ko na pinatapos pa si mommy sa pagsasalita.

Nagdrive ako agad papunta kila Annie.
Nakita ko yung kotse niyang nakapark dun, Tss! Tigas talaga ng ulo nagmamaneho pa rin.

Napatayo si Annie ng makita niya ko sa pintuan niya.
"Mat-..
"Asan si Gia?

"Tulog pa nasa kwarto niya."

Naglakad ako papunta sa kwarto niya. Tulog na tulog, Ewan ko pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng makita kong yung baby bump niyang maliit, Ibig sabihin lang nun ay totoong magiging daddy na ko.

Hinalikan ko siya sa labi kahit tulog pa siya dahilan para magising siya.
Hindi siya halos makapaniwala na nasa harapan niya na ko.

"Sabi ni mommy, Umalis ka raw kagabi. Halika na uwi na tayo."
Bulong ko sa kanya pero tinalikuran lang niya ko.

Seriously anong problema nito. Ibabangon ko na sana siya ng ipakita niya sakin yung phone niya.

Bigla kong napabitiw sa kanya, Picture lang naman namin ni Sophie at yun yung nangyari nung last day namin sa Italy.

"Gia, Let me explain."

"Expalin again?
Bumangon si Gia, lalabas na sana siya ng kwarto pero pinigilan ko siya.

"Anong again? Hindi mo pa nga ko napapakinggan eh."

"Bat naman pakikinggan pa kita? Ang linaw linaw ng litrato niyo. Nag eenjoy kang kasama yang kaloveteam mo!"

"Kung nag eenjoy akong kasama yan, Bakit ako uuwi agad dito kahit halos three weeks pa bago kami mag two months sa Italy?"

"Eh bakit nga ba umuwi ka agad? Kaya nga siguro hindi ka natawag dahil busy ka sa Sophie na yan!"

"So you're not happy that I'm here?

"Dito na muna ko, Baka makaabala pa ko sa inyo ni Sophie."

"Love naman, Hindi naman masasabi ng picture na yan kung ano talagang nangyari that time!"
Pagpapaliwanag ko, Ito na nga ba yung sinasabi ko eh at ito yung iniiwasan kong mangyari.

"Then why are you kissing her?
Sigaw niya, Halos mamaos siya. Bigla kong nag aalala dahil alam kong bawal siya mastress.

"She kissed me.
"Then you kissed her back ganun?

"I push her.
"Tss! You expect me to believe that?

"Yes, Dahil wala naman talaga kong ginagawa. The reason kung bakit nasa Italy ako yun ay dahil gusto ko ng matapos yung movie with her so we can start a new life love."

"Tss! New life? Sinungaling."
Mahinang sagot ni Gia at lumabas ng kwarto, Sinundan ko siya at niyakap.

"Hindi mo alam kung gaano kita namiss, And all I want is to be with you!"
Nagulat ako ng tanggalin niya yung mga kamay ko at pumasok siya ulit sa kwarto.

Tinitignan lang ako ni Annie.
"I'm sorry Annie, But I have to do this."

Pumasok ako ulit sa kwarto, Nakita kong nakatalukbong siya ng kumot. Dahan dahan ko siyang binuhat at inilabas ng kwarto, Kahit pa nagpipilit siya na ibaba ko ay hindi ko pinakinggan, Hinayaan lang ako ni Annie.

Lumabas ako ay isinakay ko siya sa kotse ko, Mabuti na lang at maaga pa kaya walang nakakita sakin dito. Nakasimangot at hindi ako kinakausap ni Gia.

Nagdrive ako papunta sa bahay ko, Alam kong mas magiging komportable siya kung kaming dalawa lang ang magkasama.

Hindi niya ko tinitignan habang nagmamaneho ako, Hinayaan ko na lang muna at nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho.

-------

Gia's POV

Hindi ko maintindihan, Alam kong naipaliwanag na ni Tita Grey yung nasa picture pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magalit.

Nung gabing may nagsend sakin nung picture ay agad kong tinanong si Tita Grey. Naniniwala naman ako na iniwasan talaga ni Jade si Sophie pero naiinis pa rin akong isipin na nahalikan na naman siya nung babaeng yun.

At mas lalo lang nadagdagan yung galit ko ng makita ko si Mat. Since nabanggit naman ni Tita Grey na mapapaaga yung uwi nila eh hindi ako naexcite. Mas naeexcite pa akong awayin ang mokong.

Nagulat ako ng sa bahay niya kami dumiretso, Pero hindi ko pa rin siya kinakausap. Alam kong wala naman akong magagawa dahil binuhat niya ko at isinama pauwi dito.

Ewan ko ba, Mainit ang dugo ko kay Jade!
Dumiretso ako sa kwarto niya at hinayaan siyang magayos ng gamit niya.

Narinig kong kausap niya si Tita Grey, Pero sandali lang yun at ibinaba niya na.
Nagulat ako ng pumasok siya ng kwarto kaya nagtulog tulugan ako.

"Love, Halika na let's eat."
Lumapit siya sakin, Hindi ko pa rin siya pinapansin.

Nagulat ako ng halikan niya ko sa labi.
"Gia, Bumangon ka na dahil kanina pa ko nag iinit sayo baka kung anong magawa ko sayo."

"Bakit nagagalit ka? Kasi totoo di ba? Anong kung ano pa magawa mo? Ikaw pa talaga galit."
Bumangon ako at hindi siya pinansin.

"Anong nagagalit? Hindi ako nagagalit. Sino nagsabing nagagalit ako?

"Eh bakit sabi mo nag iinit ka sakin? Baka gusto mo rin mag init ang dugo ko say-..
Hindi ako natapos dahil natawa siya, Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Nag iinit sabi ko, Pero hindi ko sinabing nagagalit ako Gia! Gusto mong ipaliwanag ko kung anong init yun Gia?"
Hinalikan niya ko sa labi, Ang lalim ng halik na yun. Pero agad ko siyang tinulak. Muntik na kong bumigay my god!"

"Akala mo madadaan mo ko sa paganyan ganyan mo!"
Lumabas na ko ng kwarto at naupo sa lamesa. Sumunod siya at tinabihan ako sa pagkain.

"Bakit hindi ba Gia?
Hinubad niya yung t-shirt niya at halos mabulunan ako sa kinakain ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora