Chapter 35

4.2K 95 2
                                    

Isinandal ako ni Mathew sa pintuan, Hahalikan pa niya sana ko pero umiwas ako.

"Stop doing this Mat please."

"I miss you, at nararamdaman kong parehas tayo ng nararamdaman ngayon."

"Pero---..
Hindi ako nakapagsalita dahil hinalikan na naman niya ko. Sobrang lalim ng halik na yun pero tinulak ko lang siya at lumabas na ng dressing room.

Nasalubong ko si tita Grey pero hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik ako kung saan kami nakaupo ni Tita Grey kanina, gustuhin ko mang umuwi na pero hindi pa pwede dahil hindi pa tapos ang concert ni Mathew.

Bakit ganito pa rin tibok ng puso ko? Alam kong kapag hindi ako lumabas ng dressing room na yun baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko at ayokong magkamali na naman dahil nagpapadala ko sa nararamdaman ko.

Halos hindi ako mapakali ng tawagin na ulit si Mathew sa stage. Pakiramdam ko nahihiya kong titigan siya dahil sa pagsagot ko sa halik niya kanina.

Ngingiti ngiti naman akong tinabihan ni Tita Grey ng mag umpisa na ulit kumanta si Mathew.

"Tell me, anong nangya---..
"Wala, Kung ano man yung nakita mo, nadala lang siya ng pagod niya."
Pagpuputol ko sa pagsasalita ni Tita Grey.

Tinatawanan pa rin niya ko.
"Dapat pala palaging pagod yun."
Napatingin ako sa kanya.

"Seriously? Tita tignan mo nga kung gaano na siya
ka-succesful nung nawala ako sa buhay niya. Ayoko ng sirain pa kung ano man yung pinag---..

Napatigil ako ng magsigawan ang mga tao, At halos kumirot yung puso ko ng makita ko sa monitor si Sophie, at isa siya ngayon sa nanonood ng concert ni Mathew na halos ikabaliw ng fans nila dahil kinikilig.

Halos sampalin ko yung sarili ko sa isip ko, Ano pa nga bang aasahan ko malamang susuportahan siya ng taong mahalaga sa kanya.

"Tss! Don't be so affected, Scripted yan at pinalabas lang na hindi alam ni Mat na manonood siya.
Napatingin ako kay Tita Grey. Nakita kong tinititigan niya ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Mauuna na ko sa dressing room Tita."
Pagpapaalam ko kay Tita Grey at naglakad na papasok sa dressing room.

"Oh? Hindi pa tapos ah, Sawa ka na sa mukha ng asawa mo?
Pang aasar ng make up artist ni Mathew.

"Ah eh.. Hindi medyo sumakit lang yung ulo ko."
Pagdadahilan ko.

"Uhm, I think I know the reason.
Nagulat ako ng pumasok na rin si Tita Grey at binuksan ang malaking tv sa loob ng dressing room. Tinuro ng nguso niya yung nangyayari sa labas ng stage.

"Tss! That's not genuine Gia, Scripted yan."
Sabi ni Calvin.

Hindi na ko nagsalita pa, Hinanda ko yung tubig at towel ni Mathew. Hindi ko sila pinapansin kahit na kanina pa nila ko inaasar na malapit ng matapos si Mathew at salubungin ko na raw.

Habang hinihintay kong matapos eh nangalikot na lang ako sa cellphone ko, Tss! Langyang Annie to, kulang na lang eh ipangalandakan sa buong mundo na nasa vip seat siya sa concert ni Mathew. Ni hindi nga napapansin na wala na ko sa tabi niya kanina pa.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero biglang nagtayuan ung ibang kateam ni Mathew at pilit na tinatakpan yung monitor kung saan napapanood din namin si Mathew at nagtatawanan na parang baliw.

Tumayo ako at lumapit sa kanila, pinipigilan pa ko ni Tita Grey pero sumingit lang ako sa gitna nila para makita ko kung anong tinatakpan nila sa monitor. Nakita kong bumababa si Mathew sa stage habang kumakanta at sinusundo si Sophie para iakyat sa stage.

"Akala ko ba scripted? Ba't tinatakpan niyo pa, tyaka isa pa sanay na ko dyan guys."
Sabi ko. Kahit na deep inside eh gusto ko ng mag walk out at umuwi na lang muna dahil pakiramdam ko tinotortured ako sa loob ng dressing room na ito habang pinapanood ang dalawa sa monitor na halos ikabaliw ng mga taong nakakakita sa kanila.

Naisip ko na lumabas na muna ng HTP complex, Masyado na kong pinagtitripan ng team ni Mathew at hindi ako makahinga. Tss!

Sa sobrang tagal ko sa labas eh hindi ko namalayan yung oras. Nalaman ko lang na tapos na yung concert nung maglabasan na yung mga tao. Mabilis akong naglakad pabalik ng dressing room.

Pero napahinto ako ng makita kong nasa loob din si Sophie at kausap sila Mathew pati na rin ang team nila.

"So, this is your new E.A Mat?
Sabi ni Sophie pagpasok ko.

Nakita kong tumango si Jade.
"Come on sop, I know your tired, Ihahatid na kita."
Tumayo si Mathew at inaya na palabas si Sophie.

"Pero Mat mas pagod ka, Ako na maghahatid kay Sop---..

"No Tita, Ako na."
Sabi ni Mathew at hinila na palabas si Sophie.

Alam kong kahit hindi ko sabihin ay nakakaramdam ako ng selos, humihiling na sana naging okay kami dati edi sana wala siyang ibang babaeng hinahatid ngayon at hindi niya ko iniiwan dito sa mga kateam niya. I sighed.

"So guys, Pack up na tayo!!
Sigaw ni Tita Grey. Niligpit ko na agad yung gamit ni Mathew at hindi na nagpahalata pa kay Tita Grey na apektado ko.

"Gia, Mauna ka na sa kotse sabay mo na si Calvin."
Napatingin pa ko kay Tita Grey bago ko lumabas. Nakita kong tumango siya kaya lumabas na ko at sumabay na kay Calvin.

Tss! Ang daming taong nakaabang sa kotse ni Mathew hindi namin alam kung paano makakalapit. Nanghingi pa kami ng assistance sa guard bago kami makalapit sa kotse.

"Look at the crowded Gia, lahat yan nangangarap na makasama o makita si Mathew. Kung ako sayo don't let other people steal your husband."

"Tss! Enough Cal, Masaya na si Mat and I know he doesn't need me anymore."
Isinaksak ko ang earphone ko at sumandal sa backseat katabi ni Calvin.

Kinukulit niya ko pero hindi ko siya pinapansin. Pagdatingn nila Tita Grey ay lumipat na ng kotse si Calvin at nagmadaling umalis.

Si Tita Grey ang driver ko ngayon. Ang daming daldal ni Tita Grey pero ni isa dun wala akong naintindihan dahil nakaheadset nga ko.

Mabilis lang naman kaming nakauwi, Ipinasok lang ni Tita Grey yung kotse at nagpaalam ng uuwi na. Ako na lang daw ang magsabi kay Mathew na umuwi na siya.

Tss! As if naman nandito na yun. Malamang nagdate pa sila ng girlfriend niya.

Nagulat naman ako pagpasok ko ng makita ko si Mathew na nakaupo sa couch, nag iinom at kainuman si Calvin. Papaanong nauna si Calvin dito? Tss! Lumipad ganun? Kaya pala nagmamadali. Hindi pa siya sumabay samin dito lang din pala yung punta niya.

Mukha naman hindi nila ko napansin na dumating kaya dumiretso na ko sa kwarto niya kung saan ako natutulog.

Pero dahil nauuhaw ako ay lumabas ako pero napahinto ako ng marinig kong nag uusap si Mathew at Calvin.


"Alam mo naman Cal, How much I love Gia right? Pero bakit ganun? Feeling ko ang lamig lamig niya sakin.

"Lamig lamig? Ano patay lang? Korni mo. Mahal mo pa pala, bakit hindi mo siya balikan."

"Balikan? Tss! You know her."
Matigas na sagot ni Mathew.

"Ang labo mo rin eh no, okay naman na yung career mo so I think it's time naman for your own happiness."
Sagot ni Calvin.

"My own happiness? Is to make Gia fall in love with me again."
Halos ikabilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko yung sinabi ni Mathew. Matutuwa na sana ko pero narinig kong nagtanong uli si Calvin.

"Then what?
Tanong ulit ni Calvin.

"Dahil kapag mahal niya na ko ulit, I'm going to break up with her."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon