Chapter 25

4.4K 103 0
                                    

GIA'S POV

Bakit naman ganun na lang yun kung mag alala sakin. Nagbago na ba talaga siya? Pakiramdam ko magkakasakit na ako sa puso sa sobrang kilig.

Wala lang naman sakin yung napanood ko kagabi sa presscon niya kung yun yung iniisip niya. Hindi ko lang maiwasang hindi masaktan kapag tinatanggi niya ko. Aish!

Aalis na lang lahat lahat kikiss pa ko sa forehead. Baka hanap hanapin ko yun hindi na niya kaya gawin araw araw. Pabago bago ng mood eh, minsan masungit minsan mabait.

Nagulat ako ng may bumangon sa couch. Muntik na kong mapaanak sa gulat. Oo nga pala dito pala natulog si Annie. Bakit ba nakalimutan ko.

"Goodmorning bessy."
Bungad ni Annie pagbangon niya.

"Saan ka ba nagsususuot. Bakit hindi kita napansin kanina dyan?

"Nandito nakatalukbong. Paano mo ko mapapansin kung kinikilig ka kanina pa? Pang aasar ni Annie.

"Paano mo nalamang kinikilig ako?
Tanong ko. Pero tinatawanan lang ako ni Annie.

"Bakit ka tumatawa? Eh sa kinilig ako kanina."
Tanong ko ulit.

Nagulat ako ng ngumunguso siya na parang may tinuturo sa likuran ko.

Paglingon ko hindi sinasadyang nahalikan sa labi si Mathew dahil sobrang lapit niya pala sa likod ko na lalong nagpatawa kay Annie.

"Tss! Magbihis ka. Isasama na lang kita then diretso na tayo kila mommy."
Pagsusungit nanaman niya.

"Ha? Ako isasama mo? Sa guesting mo? Hindi na dito na lang ako. Okay lang ako nandito naman si Ann-..

"Basta magbihis ka. Aantayin kita dito.
Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.

"Papa..ano si Annie?
Tanong ko.

"Ihahatid natin siya bago tayo magpupunta sa studio. Tss ang daming tanong!"

Naligo at nagbihis lang ako, Ayos ng konti then lumabas na ng kwarto. Tapos na rin si Annie mag asikaso.

Nagulat ako nang alalayan ako ni Mathew habang naglalakad papunta sa sasakyan niya.

Pero ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko, Nakita kong napangiti si Annie.

Sa backseat sana ako uupo pero si Annie lang pinaupo niya dun.

"Talaga ba? Katabi muna ko tuwing sasakay sa kotse mo?"
Pang aasar ko.

"Tss! Baka lang manganak ka kasi ng di oras."
Sagot niya pero nakita kong ngumisi siya.

"Katabi ko naman si Annie ah? Sigurado naman akong hindi ako pababayaan niyan."
Pagdadaldal ko habang nagmamaneho siya.

"Enough Gia okay. Daldal mo eh!
Pagsusungit nanaman niya.

Pagkatapos ihatid si Annie ay dumiretso na kami sa guesting niya. Ang akala ko iiwanan niya ko sa sasakyan tulad ng ginagawa niya dati pero hindi niya ginawa yun.

Sinama niya ko hanggang backstage.
Nagulat nga mga kateam niya na sinama ako ni Mathew.

"Wow. Finally! Welcome to the family Gia."
Bungad ni tita Grey pagkakita niya sakin.

Ngumiti lang ako. At pinaupo ni Mathew sa side.

Buti naman at isinama mo na si Gia dito Mat." Sabi naman ng make up artist niya.

Ngumiti lang ako habang tinititigan si Mathew na inaayusan.

Ang dami nilang kwento sakin. Masaya raw sila na finally natatauhan na daw ata si Mathew.

"Sir Mathew five minutes daw po mag uumpisa na."
Sigaw nung isa pa sa kamasa nila.

Lumapit siya sakin at bumulong.
"You stay here okay? Andyan naman sila and mapapanood mo rin ako dyan. Sandali lang ako."

Tumango lang ako. Nagulat ako ng ikiss nanaman niya ko sa forehead. Nagtawanan yung mga kateam niya.

"Confirm. Tao na siya Grey! Tumitibok na puso."
Pang aasar ni Vins na make up artist niya.

"Tss! Halika na. Napakadaldal mo rin para kang si Gia."
Sabi ni Mathew pero nakatawa.

After ng show niya eh. Mabilis siyang bumalik ng back stage at tinitigan ako.

Halos bumilis naman yung tibok ng puso ko.
Nagbihis lang siya then nagpaalam na kay tita Grey.

Mabilis siyang nagdrive papunta sa bahay ng family niya.

Nasa gate pa lang kami tuwang tuwa na yung mommy niya nang makilala yung sasakyan ni Mathew.

"Buti naman anak at dumalaw kayo. Namimis ka na namin." Bungad ng mommy niya nagmano ako at pati sa daddy niya.

Inalalayan ako ng ate niya papasok sa bahay nila. Malaki na kasi yung tyan ko at araw na lang talaga hinihintay sa panganganak ko.

"Kamusta naman Jade yung baby? Tanong ni ate kay Mathew.

Medyo kinabahan ako. Wala naman alam si Mathew sa bata eh.

"He's okay ate. Junior Jade is okay..
Nagulat ako sa sagot ni Mathew. Akala ko hindi niya alam, akala ko hindi niya binuklat yung ultrasound nung nag away kami.

"Ha? You mean is a baby boy?
Sigaw ng mommy ni Mathew na sobrang excited.

Niyakap ako ng mommy niya.
"Salamat talaga iha. At binigyan mo kami ng apo. Tuwang tuwang sabi ng mommy niya.

Pati ng daddy niya. Halata sa kanya na masaya sila sa magiging apo nila.

"Gagabihin kayo sa pag uwi Jade. Bukas na kayo magbyahe. Baka mapaano pa si Gia." Biglang singit ng daddy niya habang kumakain kami.

"Oo nga iho. Pinalinis ko naman na yung kwarto mo. Dahil alam kong dadating ka.

Gustuhin ko mang tumanggi pero wala akong magagawa. Ibig sabihin magkasama kaming matutulog ni Mathew? Bigla kong nahiya sa naisip ko.

Pagkatapos akong libangin ni ate sa mga pinamili niya para sa baby ay pinauna na niya ko umakyat sa kwarto ni Mathew.

Dahil nag iinom pa daw sila ng daddy niya.

"Pero ate. Hihintayin ko sana si Ma-..

Umakyat ka na. Doon mo na lang siya hintayin hindi maganda sayong napupuyat.

Bigla akong kinabahan pagpasok ko ng kwarto ni Mathew.

My god. Anong nangyayari. Bakit ako nasa kwarto ni Mathew.

Naupo ako sa couch. At dun nagpahinga.
Ayoko naman unahan siya sa paghiga sa kama niya.

Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Nagulat lang ako ng gisingin ako ni Mathew.

"Sa kama ka na. It's okay! Bulong niya. Halata sa kanya na nakainom siya.

"Hindi, Sige na dito na lang ako okay lang ako Mat-..

Stop calling me Mathew, Jade okay?
Sabi niya. Hindi ko alam kung lasing lang siya pero masaya ko na nagpapatawag na siya ng Jade sakin.

Nagulat ako ng alalayan ako ni Mathew papunta sa kama niya. At tyaka pinahiga.

Pero mas nagulat ako ng bigla niya kong halikan sa labi.

Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko.
Lalo na ng hindi siya bumitaw sa halik niya hangga't hindi niya nararamdamang sinasagot ko yung halik niya.

"Mat, magpahing-..

"Kiss me back Gia please..
I think I'm falling inlove with you."
Bulong niya ng magsalita ako.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now