Chapter 22

4.4K 104 0
                                    


GIA'S POV

Kinabukasan nagulat ako paglabas ko ng kwarto may kausap sila nanay at tatay. Nang makilala ko kung sino mabilis akong naglakad pabalik sa kwarto ko.

Anong ginagawa niya dito? Posible namang sinusundo niya ko malamang siguro dinala yung mga naiwan kong gamit sa bahay niya. Napakasama talaga ng ugali niya hindi na nga niya ko sinundan kagabi tapos ngayon naman isasauli niya na ko kila nanay.

"Gia..
Nagulat ako ng tawagin niya ko at sino naman may sabing pumasok siya dito.

"Alam ko, Tanggap ko na. Lapag mo na lang ang mga gamit ko dyan, Salamat at sinosoli muna ko sa magulang ko. Alam ko namang-..

"Let's go home, Hahanapin ka nila mommy kapag hindi ka nila nakita sa bahay."

"So nandito ka sinusundo ako dahil natatakot ka na baka malaman ng pamilya mo na umalis ako dahil iniisip mo na problema lang yung bat-..

"I need you! Happy?
Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.

"Enough Gia please. Umuwi na tayo."
Dugtong niya.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o hindi sa sinabi niyang kailangan niya ko. Kailangan niya ko pero galit pa siya. Pero mas nagulat ako ng siya na mismo ang nag ayos ng gamit ko at nilagay ulit sa bag. Dahan dahan niya kong hinila palabas ng kwarto.

"Iuuwi ko na po si Gia. I'm sorry po sa nangyari. And hindi na po mauulit ito." Pagpapaalam niya sa magulang ko at mabilis na lumabas kami ng bahay.

Hindi na ininda pa ni Mathew ang dami ng tao importante ay lumabas siyang nakamask at nakacap para hindi siya makilala. Nagpaalam siya ng maayos kay ate at tyaka nagdrive na paalis.

Tahimik lang ako sa backseat habang nagmamaneho siya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero masaya ko na sinundo niya ko. Buong akala ko hahayaan na lang niya mawalan ng tatay ang anak ko.

"Dadaan lang ako saglit sa station, Then uuwi na tayo."
Sabi niya.

"Pero Mat, Ang daming nakakita sayo sa labas ng bahay, How can you expla-..

"Ako ng bahala tyaka nakamask naman ako hindi naman siguro nila ko nakilala. Pero kung may nakakita man hindi ko maipapangakong masasabi ko yung totoo. It defends to my manager decision."

"Pero..

"Enough, Just relax here. Babalik ako sandali lang naman ako dun." Pagpapaalam niya at bumaba na ng sasakyan.

Buti na lang at thinted yung sasakyan niya, Dahil kahit sa parking lot ay may mga fans na nag aabang sa kanya.

Mag iisang oras na si Mathew pero hindi pa siya nalabas, Nakaramdam ako ng antok kaya hindi ko namalayang nakatulog ako.

MATHEW'S POV

Nakagaan kahit papano ng loob ng makausap ko ng maayos ang family ni Gia. Una ayaw na nilang mangialam dahil desisyon daw ni Gia kung sasama siya sakin pabalik. Mabuti na lang at napakiusapan ko at pinaintindi sa kanila ang sitwasyon namin.

Kahit kay Annie ay nagpapasalamat ako, Kahit na galit siya sakin ay tinuro niya pa rin kung saan ko pwedeng hanapin si Gia.

"Mat. Ang location ng shooting bukas ay Bikol, So you need to be here at eight o'clock in the morning okay? Dahan dahang sinasabi ni Tita Helen ang scheadule ko bukas.

Tumango lang ako at hindi mapakali sa upuan dahil alam kong iniwan ko lang sa baba si Gia.

"One thing Mat, You have a prescon tommorow after the taping with Sophie. Maraming kumakalat na blind photo mo with your wife, And I'm sorry you need to deny it! Push the loveteam between you in Sophie clear?"

Wala akong magawa kundi tumango, Buhay ng career ko ang nakasalalay dito. Kailangan ko ingatan at kailangan ingatan ng mga taong nakapaligid sakin dito sa showbiz dahil na rin sa kontratang pinirmahan ko.

Bigla tuloy ako nakonsensiya, Hindi pa nga kami masyadong okay ni Gia, Mapapasama ko na naman ang loob niya bukas ng dahil sa presscon.

Pagkatapos ng meeting ay nagmamadali akong bumaba at nagpaalam na kay tita Grey na siya na ang bahala at balitaan na lang ako kung ano pa ang ibibilin ni Tita Helen.

Nagulat ako pagbukas ko ng sasakyan tulog na si Gia, Ngayon ko lang nagawang titigan siya. Napakaamo ng mukha at halata sa kanya ang pagkastressed sakin. Dahan dahan akong nagmaneho at binuhat siya paakyat sa bahay namin.

Nagising lang siya ng ibaba ko siya sa kama niya.

"Ano-.. Nasaa-..
Teka pagluluto kita kakain ka ba. Sandal-..
Napatigil siya ng hawakan ko siya sa kamay at ibalik sa kwarto niya.

"Matulog ka na okay? You need to rest Gia."
Sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Bago ko matulog ay uminom ako ng tubig, Hindi lang ako makapaniwala na ang gaan ng pakiramdam ko na alam kong nandito lang si Gia, Ngayon alam ko na mahal ko na siya at hindi ako pwedeng magkamali.

Iniisip ko lang kung paano ko na naman ipapaliwanag sa kanya ang presscon bukas.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ