Chapter 28

4.2K 101 1
                                    

Mathew's POV

Let's file an annulments."
Biglang kumirot yung puso ko.

Kung alam lang niya kung gaano ko sinisisi yung sarili ko dahil sa kapabayaan ko sa kanila. Kaya nga nilulunod ko yung sarili ko sa trabaho dahil paulit ulit lang akong inuusig ng konsensya ko.

Lalo na kapag nakikita ko siya, Ang sakit sakit. Halos wala akong maiharap na mukha sa kanya. Dahil alam kong kasalanan ko. Hindi siguro mangyayari yun sa anak namin kung naalagaan ko siya ng maayos.

Pero ni minsan hindi ko naisip na wala ng dahilan para magsama kami. Alam kong napakaimposible ng gusto kong mangyari pero gusto ko sanang magumpisa kami ulit, Hindi pa nga lang ngayon dahil hanggang ngayon naririnig ko yung anak ko na umiiyak at alam kong sinisisi niya ko kaya nawala siya.

"Asikasuhin na natin Mat, Alam kong wala kang oras pero wala ng dahilan para magsama pa ta-..

"Okay. Tommorow I'll meet my lawyer."
Bigla kong sabi at umalis na.

Kahit na gusto kong sabihin na ayoko, Pero pakiramdam ko wala kong karapatan na umayaw.

Nasa kotse na ko  pero bago pa ko makaalis ay natanaw kong umiiyak siya. At paulit ulit na pinupukpok yung dibdib niya. Hindi ko alam kung okay lang ba siya pero bumaba ako at bumalik sa loob.

"Enough, Alam kong nahihirapan ka na, Don't worry mamadaliin ko na yung hinihiling mo." Sabi ko at niyakap siya.

Nagulat ako ng itulak niya ko.
"Mabuti naman kung ganun, Alam ko namang matagal mo ng gusto gawin ito di ba? Sabi niya at pumasok na siya sa kwarto niya.

Imbes na dumiretso ako sa guesting ko ay nakipagkita ko sa abogado ko. Hindi siya makapaniwalang kasal na ko, Nagulat nga siya bakit daw ako nagfifile ng annulment. Eh hindi naman daw nabalitang kinasal ako.

Sinabi niyang mahihirapan kami, Pero gagawin daw niya lahat para mapabilis yung proseso. Tawag na ng tawag si tita Grey pero hindi pa rin ako dumiretso sa station.

"Sir. Ang aga niyo po yata."
"Para maagang malasing..
Sabi ko sa crew ng bar na iniinuman ko. Nakakadami na ko ng nainom at alam kong marami ng paparazzi ang pakalat kalat.

Nagulat naman ako ng nasa harapan ko na si tita Grey at hinila ko pasakay sa sasakyan ko.

"Ano bang nangyayari Mat? Nag iinom ka ng wala man lang nakatakip sayo."

"Yung annulment tita..
Lasing na yata ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ko.

Nagulat si tita Grey.
"Anong annulment? Don't tell me nakikipaghiwalay na si Gia?

"Kasalanan ko naman kaya dapat lang na makipaghiwalay siya."

"Alam mo Mat, You need to take a break. Aasikasuhin ko yung scheadule mo. Hindi ka makakapagtrabaho ng maayos kung ganyan ka."

Tumahimik na ko ng marinig ko yun, ang tagal kong hinintay na pagpahingahin ako. Nakahinga ko ng maluwag ng marinig ko yun.

Inalalayan akong ibaba ni tita Grey papasok sa bahay at iniwan na ko. Wala yatang sumalubong sakin, everytime naman na iuuwi ako ng lasing andyan si Gia agad.

Mabilis akong nagpunta sa kwarto niya. Nakita kong wala ng laman yung mga cabinet niya at wala na rin siyang gamit na naiwan sa kwarto niya.

Halos magdugo yung kamay ko ng suntukin ko yung pader. Bakit naman kailangang agad agad. Bakit hindi man lang siya nagpaalam ng maayos.

Napansin kong may sulat na nakaipit kaya agad kong binasa yun.

Mathew,

Alam kong lahat ng nangyari satin isang malaking pagkakamali. Kaya siguro pati yung anak natin sumuko. Siguro ayaw niyang mabuhay sa isang pamilyang nabuo dahil lang sa pagkakamali.

Wala ng dahilan para magsama pa tayo Mat, And I'm sorry kung nasira ko yung buhay mo.

Pinapalaya na kita, Konting panahon na lang naman siguro para sa annulment pero alam ko magiging malaya ka na.

Hindi muna kailangang magpanggap pa sa mga tao.

Pwede ka ng magmahal ng taong mahal mo talaga ng hindi ako iniisip. And I'm so happy for you na magagawa mo na yan.

- Gia

Halos madurog yung puso ko sa nakasulat. Bakit kailangang ganito. Bakit naman kung kailan handa na kong mahalin siya. Kinakarma na ba ako dahil sa nagawa ko sa kanya.

Wala kong nagawa para pigilan siya. Bakit ba hindi ko naramdaman kanina na yun na pala yung huli naming magsasama dito sa bahay. Halos lunurin ko yung sarili ko sa alak para mawala kahit konti yung sakit pero parang kahit yung alak hindi kayang alisin yung sakit na nararamdaman ko.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang