Chapter 21

4.4K 100 0
                                    

-- MATHEW --

Ngayon ang mall show namin ni Sophie at nandito kami sa backstage ngayon. Naiinis ako, Lagi na lang kasi minamadali yung scheadule ko. Parang after ng mall show, photoshoot o kaya shooting for t.v commercial. Naiirita ako kasi hindi man lang kaya ayusin ng manager ko yung tamang oras para mas magawa ko ng maayos yung mga nakapilang trabaho sa akin hindi yung lagi na lang nagmamadali.

Minsan ireready ako, Tapos pag okay na maghihintay pa rin pala. Yung ganun, nagpapahinga tapos ireready then paghihintayin rin naman pala. Mahal ko at gusto ko ang trabaho ko, kaya ayoko ng minamadali. Naiirita ako sa totoo lang. Katulad na lang ng mall show na ito. Tama na raw ang kalahating oras para mag stay, Dahil guest lang naman kami. At marami pang guesting ang nakapila. Nagmamadali? Tss.

"Sige na Mat. Standby na please kayo na ang next dyan and be ready." Bulong ni Tita Grey habang inaayusan ako.

Nakita kong dumaan na si Sophie kaya tumayo na rin ako at lumapit sa kanya.

"Ready ka na? Smile Mat come on."
Si Sophie at humawak na sa kamay ko.

Paglabas pa lang namin ay grabe na ang sigawan lalo ng kumanta kami ni Sophie. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito maraming taong nakasuporta sayo. Kaya nakakawala ng pagod minsan kapag ganito kawild ang mga fans sa totoo lang.


"Ayan na nga, Medyo matagal na tong katanungan na to,  Maraming naghihintay ng sagot kung kayo na daw ba?"

"Malalaman ba ng mga taong nandito ngayon ang kasagutan sa matagal ng tanong nila."

Nagulat ako sa tanong ng host. Ewan ko pero hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Gia.


Ano ba Mathew, Hindi pwedeng nasasama sa trabaho mo si Gia. She's only the mother of your child. But not your wife." Pilit kong sinisiksik sa utak ko.

"Siguro the answer is on the way na."
Parang gusto ko mahimasmasan sa sagot ko, Bakit biglang ganun na lang. Pwedeng pwede ko naman sabihin na malapit na.

"Yeah. We need to wait na lang guys, I think naman if that happen, kayo ang unang makakaalam."
Narinig kong dugtong ni Sophie At nagsigawan ang mga tao.

Nilibang ko ang sarili ko at nagkaka kaway sa tao. Nagulat ako ng nagsisigawan sila ng kiss. Hindi naman na bago ito gagawin ko na sana ng matanaw ko si Gia.



Anong ginagawa niya dito?! Kasama niya yung bestfriend niya at yung isa niyang kaibigan. Lalong lumakas ang sigawan ng kiss.


Shit. Natetense ako. Bakit ganun? Bakit ganito.

"Maybe next time, Kapag dumating na si forever."
Sagot ko, Nagulat ako bigla sa sagot ko. Kahit naman pwedeng pwede ko ikiss si Sophie. Bakit mas pinili ko na huwag na lang dahil ba alam kong nanonood si Gia.

"Hindi lang kiss yan promise guys."
Dugtong ni Sophie. Bakit kailangang dugtungan pa ni Sophie baka mamaya marinig pa ni Gia yun.

Tss! Ano naman kung marinig nun. Hindi ako pwedeng magkaroon ng pakialam sa kanya.


Gabi na ng makauwi ako, Dahil galing pa kami photoshoot ni Sophie para sa magazine na kami ang cover.

Pagdating ko ng bahay alam kong may ibang tao pa dahil may ibang sasakyan na nakapark. Nakita ko si Gia pagpasok ko pero hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kwarto.

Tss. Bakit kailangang sinasalubong niya pa ako sa tuwing uuwi ako. Kung ilang months na yung tyan niya ganun katagal na rin niyang ginagawa yung paghihintay sakin, Ipagluto ako ng paulit ulit kahit hindi ko naman kinakain. Kapag talagang gutom ako dun ko lang nakakain yung mga niluluto niya.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now