Chapter 68

2.6K 65 0
                                    


"Tss! Huwag ka ngang kabahan. Hindi naman kakagatin ng family ko yung pamilya mo."

"Natatakot lang ako na baka mawala na naman si tatay sa wisyo, At ibungad na namang buntis ako."
Natawa si Jade sa sinabi ko.

Alam kong nangyari na ito dati, Pero iba ngayon. Kung dati sapilitan ngayon buong puso yung pagpapakasal na gusto ni Jade. Naisip ko na family ko na lang ang magpunta sa family niya. Isa pa gusto kong bumawi sa pamilya ko kahit isang araw lang with them.

"Eh ano naman, Buntis ka naman talaga."
Natatawa niyang sabi. Hinawakan niya yung kamay ko. Nataranta ko bigla ng makita ko na sila nanay, tatay at ate palapit samin ni Jade.

"Gia, Alam ko hindi ito ang unang pagkakataon na gagawin natin ito, Pero gusto namin ng nanay mo na maging maayos lahat bago ang kasal mo sa pangalawang pagkakataon."

"Salamat po, Pero tatay relax lang po mamaya ha."
Natatawa kong sabi at niyakap nila ko.

"Nandito na po pala kayo, Masaya ko na nakarating po kayo."
Lumabas yung mommy at daddy ni Jade para salubungin ang pamilya ko.

"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa ho, Nandito kami dahil-..

"Tay, relax lang please."
Bulong ko pero hindi ako pinapansin.

"Ah halika na po kayo, Pasok na po tayo sa loob. Maraming salamat po na nakapunta kayo."
Nakita kong nagmano si Jade kay nanay at tatay bago pa kami makapasok sa loob ng bahay nila Jade.

Hindi ko alam pero nanginginig ako sa kaba, Bakit kasi kailangan pa ng ganito bago ikasal. Tss! Habang masayang nag uusap yung family namin ay hinawakan ni Jade yung kamay ko.

"It's okay, Hindi naman na ako magwawalkout Gia."
Natatawang bulong niya. Talagang natatawa pa siya eh no? Tss!

Bigla naman kami nagkatinginan ni Jade ng maset na nila yung date ng kasal namin, Alam kong tuwa-tuwa si Jade dahil halos isang buwan lang ang paghahandang gagawin namin para sa kasal.

"Huwag na po sana kayong mag alala para sa mga regalo sa dalawa, Ako ng bahala."

"Right Gia? Isa pa. Nakahanda na yung bahay na para sa inyo. Pwede na kayong lumipat kahit wala pa ang kasal.
Tumango lang ako, Nginitian ako ng ate ni Jade.

"And pwede na rin natin palitan yung kotse mo since luma na once na kasal na kayo ni Jade iha."

"I'm sorry ma, Pero ayoko po ng ganitong klase ng kasal."
Napatingin silang lahat sakin, Pati si Jade ay tinititigan ako.

"What's wrong iha? May nagawa na naman ba si Jade sayo?
Tanong ng daddy ni Jade.

"Gusto ko pong malaman niyo na hindi po ako magpapakasal kay Jade dahil artista siya or sikat na tao or dahil mayaman siya. Magpapakasal po ko kay Jade dahil mahal ko po siya."

"Alam na namin lahat yan Gia, And hindi naman kami against with that..

"Pero ayoko po ng bonggang regalo, Like yung bahay o kotse. Gusto ko po paghirapan namin ni Jade parehas yung magiging samin after the wedding. May ipon po kami and I think that would be enough to buy anything after the wedding."
Tinignan ako ni Jade, Alam niyang hindi ako komportable. At alam niyang ayokong inaasa lahat sa family niya.

"Tss! mom, You've nothing to be worry. I can take care my future wife."
Nginitian ko si Jade. Alam kong naiintindihan niya ko.

"Oh, I'm sorry. Masyado lang akong naexcite maalagaan si Gia. That's why I'm being like this."

"It's all set, Blessing na lang po ng both side family ang iniintay namin ni Jade."
Nakangiti kong sabi. Ngitian din ako ng family ni Jade.

"Mukhang napakswerte ng anak namin sa anak niyo."
Daddy ni Jade.

"Matagal ng swerte si Jade kay Gia."
Napatingin ako kay nanay. Ngayon lang siya nagsalita. Seryoso at nakatingin samin ni Jade.

"Iho, Sana this time totoo na. Masyado na kayong maraming pinagdaanan para dagdagan pa ng hindi magandang pangyayar-..

"Huwag po kayong mag alala nay, Poprotektahan ko po si Gia kahit anong mangyari."

Pagkatapos nila mag usap usap ay nag paalam na sila nanay, Masaya ko na may date na yung kasal namin ni Jade at hindi na ko makakapaghintay na dumating yung araw na yun.

Nakita ko si Jade na abala sa pakikipag usap sa cellphone kaya nilapitan ko siya.

"Tita naman, Can you please cancel it?
Naririnig kong sabi niya sa kausap niya. Niyakap niya ko habang may kausap siya, Hindi ko na naman maiwasang hindi kiligin.

"Okay, Wala naman akong choice.
Narinig kong sabi niya.

"What? May problema ba love?
"May guesting ako bukas.
"Akala ko nakaleave ka na?
"Yes, Pero hindi ako pwedeng tumanggi sa guesting at photoshoot love sorry."
Hinalikan niya ko sa noo.

"Okay lang naman, Mahaba pa ang one month."

"Tss! Hindi naman kasi ganun dapat yung plano love..

"Pwede naman sa ibang araw yun Jade."

"Isang buwan lang ang preparation natin Gia, Mahaba ang one month? Tingin mo kakayanin natin?

"Nag aalala ka ba na maadjust yung date?!"

"Ofcourse not, I just want to make sure na hindi tayo magkakaproblema sa wedding love."

"After ng guesting mo na lang Jade, Isa pa may pasok pa ko."

"Hindi ka pa nakakapagleave?

"Three days pa bago ang leave ko love."

"Tapos sasabihin mo after ng guesting ko, Tss!
Lumabas na kami ng bahay nila. Kailangan ko kasi umuwi ngayon dahil nasa bahay namin ni Annie sila nanay at wala silang kasama ngayon dun.

"Saan ba kasi tayo dapat pupunta?
"The dress fitting is tomorrow, Nakalimutan mo na?

Oo nga pala, Naset na pala namin yun bago pa mag usap usap yung family namin. Hindi ko naaalala sa sobrang dami ng iniisip ko.

"After ng shift ko na lang, Then after ng guesting mo. Pa adjust mo lang yung oras Jade."

"Make sure na makakapunta ka love, At hindi natin pwede palagpasin yun Gia."
Sabi niya habang nagmamaneho siya para ihatid ako sa bahay namin ni Annie. Nagulat siya ng halikan ko siya sa pisngi habang nagdadrive siya.

"Promise, Para maiwasan natin ang pagwalk out mo ulit Jade."
Nakangisi kong sabi na nagpangiti naman sa kanya.

"Tss! Enough with walk out things Gia, Niloloko lang kita kanina."
"Nagwalk out ka naman talaga dati di ba? Kasi ayaw mong magpakas-..

Nilagay niya yung kamay niya sa labi ko at bumulong.
"Kapag tinuloy mo yang sasabihin mo, Didiretso tayo sa bahay ko at makakapaghoneymoon tayo ng maaga Gia."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant