Chapter 33

4.2K 90 2
                                    

"Salamat nga pala kagabi."
Napahinto si Mathew ng magsalita ako.

"Ginawa ko lang yun dahil ayokong mawalan ng alalay ngayon!"
Malamig niyang sabi habang kumakain ng almusal.

"Wala naman akong sinabing ginawa mo yun para sakin!!

"Well that's good to know."
Sabi niya ulit.

Tss! Sabi ko na nga ba pakitang tao lang yung ginawa niyang pag aalaga sa nararamdaman ko kagabi. Hindi naman kasi siya marunong mag alaga ng galing sa puso hindi pa ba ko nasanay.

Hinayaan ko na muna siyang mag almusal at inihanda ang gamit niya.

Mabuti na lang at medyo nawala na yung sakit ng puson ko. Napakalaking event pa naman ang meron siya ngayon.

Alam kong concert niya ngayon, At ayoko sanang sumama dahil baka magkamali mali ako at sigaw sigawan niya lang pero inunahan niya na ko.

"Hindi pwedeng hindi ka sumama, Alam mong nakakapagod mamaya yung concert ko at kailangang nandoon ka!"
Sabi niya.

Sadyang malakas siyang makiramdam na nag aalangan ako sumama at inunahan na ko bago pa ko makapag paalam sa kanya.

Nagulat naman ako ng tawagan ako ni Annie kaya mabilis kong sinagot yun.

"Are you with him?
Bungad ni Annie.

"Ofcourse, Ano pa bang inaasahan mo?!"

"Concert niya mamaya right? Bessy pupunta ako. Alam mo?

"Hindi ko alam! Pero alam ko namang hindi ka magpapahuli."

"Pero Gen ad lang yung ticket ng fansclub niya. Bessy sabihin mo kay Mathew kahit isa lang sa vip oh."

"Tumigil ka nga Annie. Makutento ka kung anong meron lang ako nga sa back stage lang haha."
Natatawa kong sabi.

Nagulat ako ng biglang agawin ni Mathew yung phone ko at kinausap si Annie.

"Give me your email, Isesend ko na lang yung ticket  for Vip good for five person lang sorry."
Narinig kong sabi niya at ibinalik sakin yung phone tyaka ko iniwan dito sa kwarto niya.

"Bessy, Thank you talaga! Wait for my email pakita mo kay Mathew. See you bessy."

"See you ka dyan? Sinabi ko naman sayo sa back stage lang ako. Isa pa nagsasawa na ko sa mukha niya! Tss.

Mabilis namang ibinaba ni Annie yung tawag at sinend yung email niya. Pagkatapos kong iready yung gamit niya ay pumunta ko sa kanya para ipakita sa kanya yung email ni Annie.

"What?
Sabi niya.

"Email ni Annie."

"Alam ko, Bakit mo binibigay sakin?
Sabi niya ulit.

"Kanino ko ibibigay? Sa kaluluwa mo?
Naiirita ko ng sagot dahil nangangalay na ko.

"Bakit marunong bang mag email yun?
Natatawa niyang sabi habang may sinusulat sa scratch paper.

"Kung ayaw mo naman palang isend bakit sinabi mo pa kay Annie?

"Here.
Nagulat ako ng iabot niya sakin yung papel na kaninang sinusulatan niya.

"Anong gagawin ko dito?
Sabi ko ng hindi tinitignan kung anong nakasulat dun.

"That's all my social media account. Also my email, Your allowed to access all of that at ikaw na rin ang magsent sa kaibigan mo nung ticket!"
Sabi niya at iniwan na ko dito, Halos matulala naman ako ng makita kong naghubad siya ng damit niya at dumiretso sa cr.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now