Chapter 20

4.4K 97 0
                                    

GIA'S POV

Late na pero wala pa si Mathew. Kahit na ubod ng sungit nun hinihintay ko pa rin ang pag uwi nun dahil nilulutuan ko pa rin siya at umaasang kakainin niya ang niluto ko. Kahit na alam kong hindi naman ay hindi pa rin ako napapagod na ipagluto siya.

Ewan ko pero nakaidlip pala ako sa couch habang hinihintay siya. Nagulat ako ng pumasok si Mathew at halos matumba sa paglalakad.

Sinalubong ko agad siya at inalalayan pero iniwasan niya ko kaya halos magbagsakan yung mga gamit dahil nasasagi sa paglalakad niya.

Binigyan ko siya ng tubig.
"Okay lang ako, I dont need you!"
Malamig niyang sagot.

Pero pinilit ko pa rin siya.
"Sinabing okay lang ako please."
Sigaw niya at tinabig yung baso kaya nabasag.

Naglakad siya papasok sa kwarto niya pero natumba siya at hindi umabot sa kama yung bagsak niya.

Nataranta ako at napatakbo sa kwarto niya, Sa tinagal tagal na namin magkasama ngayon lang ako nakapasok sa kwarto niya.

Pinilit kong makatayo siya at iniayos sa kama niya, mabilis akong kumuha ng towel at warm water para punasan siya.

Ewan ko pero kailangan ko siya palitan ng damit, mabuti na lang at may sando siyang nakahanger kaya yun ang ibinihis ko sa kanya. Eh bakit ba ngayon ko lang nalaman na may abs siya, Jusko."

Pagkatapos ko siyang linisan ay nilinis ko ang sala, Kahit na medyo nahihirapan na ako sa tyan ko ay tiniis ko.

Pagkatapos nun ay binalikan ko siya at pinunas punasan ng towel para mawala yung lasing niya. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako.

Kainabukasan nagising lang ako ng maramdaman kong tumayo siya.

Hindi niya ko pinansin at dumiretso lang siya sa banyo. Mabilis akong tumayo at pinagluto siya ng almusal. Dahil alam ko namang magtatrabaho siya.

Nakita ko siyang lumabas na ng kwarto at nakabihis na.

"Kumain ka muna bago ka umali-..

"Sa shoot na lang!"

Pero matigas ang ulo ko at sinubukan ko siyang hilahin papunta sa table pero mabilis niyang iniwasan yung kamay ko.

"Pinagluto kita para makakain ka para sana magkaroon ng konting laman yang sikmura mo."

"Hindi ko sinabing ipagluto mo ako okay?! Enough Gia please..

"Huwag na tayo maglokohan dito, Your here because of that damn baby pero walang tayo, Mag asawa lang tayo sa papel. So please stop pretending that you are my lovely wife in this house."

"Isa ka lang namang babaeng disgrasyada na ginawa ang lahat makuha lang ako right?!"
Hindi niya natapos dahil nasampal ko siya, Nagulat siya pero tinitigan niya ko. Hindi ko napigilang hindi mapaiyak.

"Hindi ko ginusto yung mga nangyari. At huwag na huwag mo isisi sakin lahat na parang ako lang ang may kasalanan kung bakit nangyari ito."

"Isa pa kung problema ang tingin mo sa batang ito hindi ko hahayaang maramdaman ng magiging anak ko yun. Kaya ko ng wala ka at mas lalong kaya kong buhayin mag isa ito!" Dugtong ko at naglakad na papasok sa kwarto.

Nakita ko sa ibabaw ng kama ko yung result ng ultra sound na balak ko sana ipakita sa kanya. Kinuha ko yun at lumabas ng kwarto.

Nakita ko siyang umiinom ng tubig.

"Oh, Baka sakaling matauhan ka kapag nakita mo yan pwede rin naman itapon mo na lang dahil alam ko namang hindi ka interesado dyan."
Sabi ko at nilapag yung papel sa ibabaw ng table.

Nag impake ako ng damit at tyaka lumabas ng kwarto.

"Gia! Wait I'm sorry,
Hindi ko sinasadya yung mga ..

"Yung mga sinabi mo? Halos isumpa mo kaming dalawa ng baby tapos ngayon sasabihin mo hindi mo sinasadya?

"Gia please, Just listen to me."

"Listen to your what?! Don't worry ngayon hindi ka na mamomoblema about your career, Kaya kong palakihin ang anak ko ng wala ka." Sagot ko at sumakay na sa sasakyan ko.

Nagulat si Annie kung bakit bigla akong napadpad sa kanya.

"Nangyari bessy?"

Tanong niya pero bigla lang akong yumakap sa kanya at nag iiyak.

"Uuwi muna ko kila nanay bessy! I can't be with him." Humihikbi kong sabi kay Annie.

"Ano bang nangyari? Sinaktan ka ba niya?
Natatarantang tanong ni Annie.

Umiiyak lang ako, Hinayaan ako pumasok ni Annie sa dati kong kwarto. Inayos ko lang yung mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.

"Sigurado ka ba dyan?
Tumango ako at tyaka nagsalita.

Alam ko namang hindi ako pababayaan nila nanay. Lumabas na ko ng bahay at nakita kong sumunod si Annie.

"Kaya mo pa bang magdrive? Gusto mo ba ihati-..

"No, Hindi na. Kaya ko pa naman."
Pagputol ko sa pagsasalita niya at sumakay na ko sa sasakyan ko.

Nagulat sila nanay ng makita nilang ako lang mag isa bumaba ng kotse. Pinipigilan kong hindi maiyak, Dahil sigurado akong tatanungin nila ko kung bakit at anong nangyari.

"Biglaan yata ang uwi mo Gia? Tanong ni ate.

Hindi ako sumagot at dumiretso lang muna sa kwarto ko habang nakasunod si nanay at ate.

"Nag away kayo ng asawa mo anak?
Tumango ako bilang sagot at hindi napigilan ng luha ko na hindi tumulo.

"Pwede bang dito na lang ako? Ayoko na po doon."
Humihikbi kong sagot.

"Yan na nga ba yung sinasabi ko sayo, Hindi lalambot ang puso ng lalaking yun sayo." Galit na naman si ate.

"Sige anak kung yan ang gusto mo, Nandito lang naman kami lagi para sayo." Si nanay at niyakap ako.

Mabuti na lang daw at wala si tatay, Dahil kapag naabutan niya kong umiiyak ay hindi na naman mapapakali yun. Nasa bukid at binabantayan ang mga nagtatanim.

Nakita kong naglabas ng unan at kumot si ate sa sala.

"Sa kwarto ka na matulog mamayang gabi, Bawal ka malamigan makakasama kay baby." Sabi ni ate.

Dati kasi hati kami dun sa kwarto nung wala pa akong asawa. Ewan ko ba sa kanya simula ng magka asawa ako ay ayaw niya ng hinahatian ako sa kwarto.

Nagpaalam muna ako kay nanay para magpahinga, Medyo napagod kasi ako sa pagmamaneho kanina. Feeling ko nga masakit ang tyan ko. Pero ilang days pa naman bago ako manganak. Kaya imposibleng manganganak na ako.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon