Chapter 52

3.3K 73 0
                                    

Gia's POV

Mabilis kong binuksan ang gripo sa banyo bago mapagbuksan ni Mat ng pintuan ang mommy niya.

Parang bigla kong nahimasmasan sa pinag gagawa naming dalawa. Parang gusto ko sabunutan yung sarili ko sa kaharutan ko.

Nang marinig kong nagsara na ulit yung pinto ay lumabas na ko ng banyo. Pero wala na si Mathew kaya lumabas ako ng kwarto.

Nakita ko si ate na natataranta rin katatawag sa telephone. Ano bang nangyayari, Ultimo daddy niya ay hindi mapakali.

Nang mapansin ako ni ate ay nilapitan niya ko.
"Ano pong nangyayari ate? Nasaan po si Jade?

Pinakita sakin ni ate yung cellphone niya at halos hindi ako makapaniwala sa napanood kong video na pinakita ni ate.

"She loves Jade so much to do this."
Sabi ni ate.

Hindi ko alam kung paanong ginawa ni Sophie to pero sana hindi na lang.

Isang video lang naman na nakikipagsex siya sa tatlong lalaki at paulit ulit niyang sinasabi na kumuha siya ng tatlong lalaki para mahigitan ang isang Jade Mathew dahil niloko raw siya ni Mat at ginamit.

"Tumawag ang mommy ni Sophie at hinahanap siya dahil hindi pa raw umuuwi tatlong araw na at yun yung mga araw na nasa inyo si Jade."

"Kaya po umalis si Jade para hanapin siya?

"No iha, Nakita na si Sophie. Umalis si Jade para kuhanin siya dahil siya ang tinawagan ng taong nakakita kay Sophie.
Daddy ni Mat at umupo sa tabi ni ate.

"Thanks God she's okay.
Sabi ko. Pero pinutol lang ulit ng mommy ni Mat yung pagsasalita ko.

"No iha, She's not okay. Sophie try to kill her self."
Halos mapaluhod ako sa sinabi ng mommy ni Mat.


"Pero bakit po? Anong nangyari? Nasaan siya?


"Sa station.. Kaya mabilis na nagpunta si Mat dun."
Paliwanag nila.

Gusto ko sanang sumunod pero wag na lang. At alam kong hindi ako makakatulong.

Mga ilang minuto lang naman ay tumawag si Mat sakin.

"Gia, Please. Stop being worried. Alam kong nag aalala ka na naman sa nangyayari pero ako ng bahalang umayos nito okay. Matulog ka na and don't wait for me.

"Pero Jade. How's Sophie?

"She's under observation.

"Pero magging okay naman siya di ba?
Nag aalala kong tanong. Kahit naman marami na kaming napagdaanan niyan eh mas gugustuhin ko pa ring maging ligtas siya.

"Hello Jade? Hello..

"May media nang papunta Mat. Please umiwas ka na muna. Narinig kong sabi sa kanya kaya siguro hindi na siya nakasagot pa sakin at ibinaba na ang tawag niya.

Hindi pa rin ako mapakali. Kahit ang family ni Mat. Sinubukan kong magbukas ng mga social media account ko, Viral ang video ni Sophie at halos mamanhid ako sa mga comments sa video.

Wala akong ibang nabasa kundi sisihin ako, Ang babaeng sumira daw sa loveteam nung dalawa. Na ako ang dahilan kung bakit ginawa ni Sophie yun.

Halos maghang na naman ang cellphone ko sa sobrang dami ng notification.

Nagulat ako ng agawin ni ate sa akin yun.
"Huwag munang dagdagan pa yang stressed mo Gia. Hindi mo kasalanan at walang kang ginawang masama okay?
Nakita kasi ni ate na umiiyak na naman ako sa mga nababasa ko.

"Mabuti pa iha, Magpahinga ka na huwag munang hintayin pa si Jade."

"Pero gusto ko pong malaman kung okay na si Sophie..
Sabi ko.

Napahinto sila ng tumawag si Jade sa ate niya.
Nakaloudspeak yun kaya rinig na rinig ko rin.

"Sophie is okay ate. Thanks god! You can now all rest, ako ng bahala umayos nito. Please si Gia ate kayo munang bahala."




Dahil dun nakahinga kami ng maluwag lahat, Sinamahan na ko ni ate bumalik sa kwarto ni Mat pero hindi niya na rin binalik ang cellphone ko at baka mag open na naman daw ako ng social media accounts ko.



"Gia, Sana habaan mo pa yung pasensiya mo, Jade is one of the best leading men in showbiz kaya ganyan siya kaingay once na may isyu sa kanya. Kapag hindi ka sanay sa trabaho niya susukuan mo siyang talaga for sure."


"Ang tagal ko na pong kasama si Jade kaya nasanay na rin po ako and don't worry, Hindi ko na po susukuan si Mat what ever happens ate."
Niyakap ako ni ate at nagpapasalamat dahil nasa tabi ako ni Mathew.




Umaga na ng maramdaman kong may humalik sakin, Si Mathew. Ang laki ng eyebag at halatang pagod na pagod.



"Be ready Gia, You're going with me later."
Bulong niya habang yakap yakap ako.



"Ha? Saan tayo pupunta? How's Sophie?


"She's okay, and ginawan ko na rin ng paraan para madelete yung video.
Napipikit pikit na siya habang nagsasalita.


"Thanks god. Pero saan tayo pupunta?
Pangungulit ko kahit alam kong gusto niya ng magpahinga.



"Stop asking okay? Just be with me later."
Hinalikan niya ko sa labi at tyaka natulog. Hinayaan ko munang matulog siya.

Lumabas ako ng kwarto pero wala na ang mommy at daddy ni Mat. Kahit ang ate niya ay wala na rin.



Ang aga naman ata nilang umalis Tss! Dahil wala akong magawa ay nagluto ako ng breakfast. Ngayon ko na lang ulit siya mapagluluto, Namiss kong pagsilbihan siya.



Nagulat ako ng biglang may yumakap sa likuran ko.
"You ready?
Bulong niya sa tenga ko habang yakap yakap ako.


Humarap ako sa kanya.
"For what? Stop teasing me. Kinakabahan ako sa paganyan ganyan mo.



"Basta, After breakfast aalis tayo."
Sabi niya at tyaka umupo sa lamesa.

Ang lakas ng tibok ng puso ko, Kinakain niya na yung hinahanda ko sa kanya. Pero kahit na ang saya ko hindi ko pa rin maiwasang hindi mag alala kay Sophie.


"Pero Jade, Okay na ba talaga si Sophie?
Napatingin siya sakin.


"Kung ano mang ginawa ni Sophie wala kang kasalanan dun okay, Nakapag usap na kami and yes she's very okay now."



"Talaga? Masaya ko na nakapag usap na kayo. Sana maging okay na talaga siya.



"Tss! Stop being worried okay? She's very okay, and she want's to talk to you once na makarecover siya.
Hinalikan ako sa forehead ni Mat. After magbreakfast ay hinila niya ko pabalik sa kwarto.



"Magbihis ka na at aalis tayo."



"Pero saan nga tayo pupunta kasi?




"Stop asking, Just be with me today."

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now