Chapter 70

2.4K 54 4
                                    

Masaya ko na kahit papano tanggap na ng fans ni Jade yung tungkol samin, Nasa headlines nga ng news yung wedding. Maraming natuwa pero marami ding hindi natuwa at si Sophie ang gusto nilang makatuluyan ni Jade.

"Sorry love, Hindi pwedeng walang ibang artista bukas, Karamihan ng naimbita ko kaibigan ko sa showbiz love."
"Hindi naman ako galit na maiimbita mo silang lahat, Nahihiya lang ako pero masaya ko na masaya sila para sayo Jade."
"And will going to have media tommorow love."
"Tss! Napagusapan na natin yan Jade, At alam kong hindi naman mawawala yan sa katulad mong sikat na artista."

"Ofcourse, Your famous hot husband."
Natatawa niyang biro at nilagay sa abs niya yung kamay ko, Nagulat siya ng hampasin ko siya.

"Kayong dalawa hindi na talaga nagsawa sa kaharutan."
Naiiritang sabi ni Tita Grey habang nainom kami ng wine kasama ang team ni Jade. Pampalakas daw ng loob para bukas. Tuwang tuwa ako sa paginom habang si Jade ay tinititigan ako.

"Tss, Hindi ka na nasanay sa dalawang yan."
Si Calvin at binato ng tissue si Jade.

"Pack up na tayo guys, Hindi kami pwedeng malasing baka mapaaga ang honeymoon namin."
Tawa ng tawa si Jade, Halos batuhin siya nila Tita Grey sa kalokohan niya. Hinila na niya ko palabas at isinakay sa kotse niya.

"Hindi ko naman sinabing uminom ka rin ng wine Gia."
"Konti lang yun love, I think hindi naman nagalit si baby."
"Tss! Your not being careful."
Malamig niyang sabi habang nagdadrive. Kaya pala tingin siya ng tingin sakin habang nainom ng wine kanina. Hindi lang pala siya makatanggi sa kateam niya kaya hindi niya ko masaway kanina.
"So galit ang famous hot husband ko?
Sinundot ko yung bewang niya, Napangisi siya sa sinabi ko.
"Hindi naman ako galit love, Gusto ko lang doblehin mo yung ingat mo just to make sure na kakapit si baby hanggang paglabas niya."
Hinalikan niya ko sa noo habang nagmamaneho siya. Hindi na ko sumagot pa dahil alam ko namang nagiging sobrang confident na naman ako sa kapit ni baby.

Marami na kaming natapos gawin ni Jade Invitations, Cake tasting and anything na kailangan before the wedding.

It's all set, At bukas na ang hinihintay naming araw.
"I'm so happy na hindi ako naaabala ng guesting at photoshoot ko, Ang dami nating natapos love."

"Akalain mong ganito pala kahirap mag asikaso, Bakit naman nung una sandali lang."
Sabi ko.

"Dahil hindi naman tayo yung nag asikaso dati. Isa pa iba yun sa ngayon."
Naiirita niyang sabi. Ayaw na ayaw na kasi niyang napag uusapan yung dating nangyari saming dalawa.

"Hindi kaya, Kasal din yun. Kasal ngayon."
Pang aasar ko ulit.
"Hindi pa natin mahal ang isa't isa nun Gia."

"At ngayon mahal na mahal ko na kayo ng magiging anak natin."
Dugtong ni Jade at niyakap ako.

"So this is our last day before the wedding right?

"Yes and doon muna ako sa bahay namin ni Annie."

"Pero love, Pwede naman siguro tayong magkasama bago ang wedding."
"Tradisyon nila nanay at tatay na sa pamilya magstay bago ikasal."
"Pakiramdam ko hindi ako makakatulog Gia."

"Enjoy your last day for being single with your family Love."
Hinatid na ko ni Jade sa bahay namin ni Annie, Nakita pa siya nila nanay at tatay.

Papakainin pa sana nila pero pinauuwi ko na si Jade, Kailangan din niyang mag stay sa family niya since hindi namin nagawa to nung unang kasal namin.

"Uuwi na siya nay, Baka mapainom pa sila ni tatay."
"Iinom nga kami."
Nagulat ako ng hilahin ni tatay si Jade papasok sa bahay ulit. Tinignan lang ako ni Jade.

"Tumigil ka nga tatay, Baka malasing yang si Mathew hindi makasipot sa simbahan."
Natatawang nagsalita si ate at binigyan sila tatay ng maiinom.

"Ate, Baka malasing si Jade."
"Tss! Hayaan mo na. Tag isang bote lang naman sila then pauuwiin na ni tatay yan."
"Kapag ako hindi sinipot nyan ate..

"Magpahinga ka na. At mahaba ang araw mo bukas Gia."
Hinila na ko ni nanay sa kwarto, Nakita ko pang lumapit din para maginom si Annie at ate.

Talagang ngayong araw pa sila nag inom kung kelan bukas na ang kasal. Napatingin ako kay nanay ng makapasok na kaming dalawa ng kwarto.

"Bakit umiiyak ka nay?
"Wala, Masaya lang ako kasi sa pangalawang pagkakataon ikakasal ka ulit at mahal ka na ng taong pakakasalan mo."
Lumapit ako kay nanay at pinunasan yung luha niya.

"Salamat nanay, Pasensiya ka na kung hindi ako masyadong nakatulong sa inyo ni tatay."
"Huwag mo ng isipin yun Gia, Importante ikaw at ang magiging apo ko.
Nagulat ako ng yakapin ako ni nanay.

"Alagaan mo ang asawa at ang magiging apo ko Gia."
Bulong niya. Tumango lang ako at hindi ko rin mapigilang hindi mapaiyak.

Siguro mga alas otso na ng gabi ng maramdaman kong tinabihan ako ni Annie. Dito siya natulog dahil nasa kwarto niya ang pamilya ko.

Lumabas ako pero wala na si Jade, tatawagan ko pa sana siya pero hinablot lang ni Annie yung cellphone ko.

"Hindi na kayo pwede mag usap Gia."
"Nakauwi na ba siya? Nalasing ba?
"Huwag kang mag alala hindi ka naman tatakbuhan ni Jade bukas.
Natatawa niya pang sabi. Nagulat siya ng batukan ko siya.

"At kapag pati ikaw hindi nakabangon bukas lagot ka sakin."
Ilang minuto lang nakatulog na siya kaya nakuha ko ang cellphone ko. Mabilis kong tinawagan si Jade.

"Love, Nakauwi ka na ba?
"Nope. Nandito pa ko sa tapat ng bahay niyo."
Halos mapatayo ako sa higaan sa narinig ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang nakatingin din sa bintana.

Mabilis akong lumabas ng bahay.
Nagulat ako ng yakapin ako ni Jade.

"Umuwi ka na Jade, Maaga tayo bukas."
"Honestly! I can't wait to get married and run away for our honeymoon love."
"Tss! Go home and rest."
Kumalas ako sa yakap niya. Mabuti na lang at walang tao dahil pagkakaguluhan na naman siya.

Binuksan ko yung kotse niya para sana pasakayin na siya pero niyakap na naman niya ko, Naramdaman kong may luhang tumulo galing sa mga mata niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Tss! Your being emotional Jade, Ihahatid na ba kita pauwi?
"No, Hindi naman ako lasing. I'm just happy because you're going to get married with a handsome man tomorrow."
Natatawa niyang sabi, Pinapapasok na niya ko sa loob dahil gabi na pero hinintay ko munang makaalis siya. Hinalikan niya ko sa forehead at sumakay na sa kotse niya.

"See you tomorrow my love."
Sigaw niya pa bago umalis. Mukhang isa na ako sa hindi makakatulog ngayon.

Nagulat ako ng tawagin ako ni ate.
"Ano ka ba, Matulog ka na isa pa mahamog na bakit nasa labas ka pa?
"Nagpahangin lang ako.
Pagsisinungaling ko.

Iniisip ko pa rin si Jade, Bakit naman ganito yung nararamdaman ko. Para namang first time ko ikakasal sa kanya kung makareak yung puso ko. Tss! Nagulat ako ng magtext si Jade.

Matulog ka na love, Nandito na ko kila
mommy. See you in a bit my wife."

Ilang oras lang nakatulog na ko, Medyo umaangal na rin yung nasa tyan ko. Panay kasi ang kirot siguro dahil ayaw niyang mapuyat ang mommy niya.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now