Chapter 17

4.2K 100 0
                                    

GIA'S POV

Ganito naman lagi simula ng ikasal kami, Kapag kinakausap ko siya akala mo laging mangangain ng tao.

Kasalanan ko naman, Alam kong sa una pa lang ay masasaktan ako sa desisyong hindi naman namin ginusto.

Pero dahil siya ang magiging ama ng anak ko ay nagtitiis ako. Sa una pa lang ay ayaw niya ng marriage na to, Pero wala siyang nagawa dahil yun ang gusto ng mga magulang niya at magulang ko.

Fan ako ni Mathew dati pa, Pero hindi ko naman inakala na mangyayari sa amin ito, Yung pakikipagflirt ko sa kanya nung time na nabangga ko siya, Hindi ko alam na siya yun nung time na yun at hindi ko yun sinasadya.

Nung nalaman kong nabuntis niya ko, natakot ako sa mga pwedeng mangyari. Kaya naisip ko na ipalaglag yung baby. Pero sa totoo lang may part sakin na natuwa dahil hello!? Mathew Sanford yun actor, singer and model. Pangarap ng lahat sino bang aayaw na mangasawa siya.

Pero hindi ko inakala na ganito, Mas ginusto ng mga magulang ko ang ipakasal ako sa taong ayaw naman sakin at hindi ko rin naman lubos na kilala. Mas gugustuhin pa raw nila ang ipakasal ako kesa lumaki ng walang ama yung magiging apo nila.

Sa totoo lang nung kinasal kami, Halos magdalawang isip pa si Mathew sa pagsagot ng "I do". Kung hindi pa inulit ng pari yung tanong ay hindi siya sasagot talaga.

Gabi na pero hindi pa ako makatulog. Ganito daw talaga kapag buntis hindi mapakali at init na init sa buhay. Lumabas ako ng kwarto at umupo sa couch, Nagbasa lang ng kung ano ano.

Madaling araw na lagi nauwi si Mathew, Dahilan niya galing siya sa shooting. Six months na yung tyan ko pero wala pa rin pagbabago sa pagsasama namin. Mas dumalas pa nga ang pag uwi ni Mathew ng lasing.

Kahit kamustahin ako ay hindi ginagawa nun. Narinig kong bumukas yung pinto kaya alam kong nandiyan na siya. Nagulat siya ng makita niya ko sa couch na nakaupo.

"Bakit gising ka pa? Tanong niya.

Hindi ako sumagot at hinayaan ko siyang makalagpas sa harapan ko.

Ngumisi siya at nagsalita ulit.

"Don't tell me hinihintay mo ako?"
"Bakit naman kita hihintayin?

Papasok na siya ng kwarto ng tawagin ko siya.
"Jade...

"Stop calling me Jade. It's Mathew!"

Oo nga pala ayaw niyang tinatawag ko siyang Jade. Gusto niya screen name lang niya ang itawag ko sa kanya. Dahil yun daw ang tawag sa kanya ng mga ordinaryong tao lang. At wala raw ako karapatang tawagin siyang Jade.

"Saan ka ba galing? Super late na, ganyan ka na ba kaasiwa sakin na halos ayaw mo ng umuwi ng bahay?!"

"Wala ka ng pakialam kung saan man ako nanggaling."
Sagot niya at papasok na sana siya sa kwarto niya ng hawakan ko yung kamay niya.

"Gusto ko lang naman malaman." Sabi ko.

"Gusto mo talaga malaman? ha? Galing ako sa iba't ibang bahay ng babae. Gusto ko makalimutan ang buhay na meron ako ngayon kasama ka."

"So you fuck them all?!"
"Hindi mo na problema yun Gia."

Iniwan niya ko at pumasok na siya sa kwarto niya. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Bakit ganun na lang kung saktan ako ni Mathew, Ako lang ba nagkamali sa nangyari sa amin.

Naupo ako ulit sa couch at dun nag iiyak. Anong oras na pero gising pa rin ako.
Pinatigil na rin pala ako sa trabaho nila Tatay nung limang buwan yung tyan ko.

Alas singko na ng nakatulog ako pero gumising pa rin ako ng maaga para ipagluto ng makakain si Mathew.

"Hindi ka ba kakain? Tanong ko sa kanya paglabas niya ng kwarto niya. Dumiretso lang siya sa refrigerator at uminom ng tubig.

"Kakain na lang ako sa labas."
Malamig na sabi niya at umalis na.

Lagi na lang siyang ganyan kahit na lahat ginagawa ko para sa kanya.

Naisip ko na lumabas na lang muna at makipagkita kay Annie. Nagtataka si Annie kung bakit namumugto yung mata ko.

"Okay ka lang ba bessy?"
Nag aalalang tanong niya.

Tumango ako at pinipigilang hindi maluha.

"Are you sure? You look so stress Gia, Kawawa naman si baby dyan."

Sinabi kong okay lang ako at wala siyang dapat ipagalala sakin.

"Alam kong problemado ka sa asawa mo Gia, Bakit ba kasi nagtitiis ka pa kung sa simula pa lang at hanggang ngayon ay hindi nagbago ang pakikitungo niya sayo?"

"Kailangan ng ama ng anak ko bessy at maraming madidisappoint kapag naghiwalay kami." Hinawakan ni Annie ang kamay ko.

"Si Chris bessy, hindi mo lang siya nakikita pero handa siyang maging mabuting ama para sa baby mo."

"Tss. Idadamay mo pa siya sa kamiserablehan ng buhay ko."

"Basta, Hayaan mo oneday bessy magsisisi din yang si Mathew. Maiinlove din yan sayo, Tara nga dito kumain na lang tayo."

Sa sobrang libang ko sa pag uusap namin hindi ko na namalayang mag aalas onse na pala ng gabi.

Kahit na alam kong wala akong aabutan sa bahay ay kailangan ko pa rin umuwi at mauna sa kanya.

"Bessy uwi na ako, Anong oras na din salamat sa walang sawang pag aalalang ginagawa mo sakin."

Kahit papano nawala yung stress ko kay Mathew. Nagdrive na ako pauwi, Pagdating ko sa bahay nakita kong nakaparada na yung sasakyan ni Mathew. Ang aga naman yata niyang umuwi.

Pagpasok ko sa bahay walang tao, Ano pa bang inaasahan ko? Aantayin niya ako. Tss!

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagulat ako ng makita ko si Mathew na nakaupo sa kama ko.

"Where have you been? Nakatingin lang siya sa akin.

Himala yatang nagtanong siya sa akin ngayon.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nagtatanong siya.

"Where have you been Gia? Pag uulit niya.

"Kila Annie.." Sagot ko.

"Kay Annie o ginagawa mo sa iba yung ginawa mo sakin nung nalasing ka? Malamig niyang sabi.

Bigla na lang tumulo yung luha ko. Hanggang ngayon pala hinuhusgahan pa rin ako ni Mathew.

"Iniisip mo talaga na gawain ko yun? Humihikbi kong sagot.

"Bakit hin-..

Hindi niya natapos dahil sinampal ko siya.

"Ang laki na ng tyan ko, Pinag iisipan mo pa ako ng ganyan!" Sagot ko at lalabas sana muna ako ng kwarto ng magsalita siya.

"Really? Hinatak niya yung kamay ko.
"Fvck Gia, huwag ko lang talaga malalaman."

"Tss! As if naman may pakialam ka no?
Sabi ko pero nagulat ako ng hilahin niya ulit ako.

Akala ko kung anong gagawin niya pero hinawakan niya yung tyan ko.

"Don't worry baby, paglabas mo diyan sa tummy ni mommy hindi ko hahayaang isama ka niya kung saan saan. You always be with daddy anak."
Sabi niya at tyaka lumabas na siya ng kwarto.

Sinara ko yung pinto at dun ako ulit nag iiyak. Ang sakit sakit na, Hindi ko alam kung bakit nakakaya ko pa yung mga ginagawa niya sakin. Iniisip ko na nga lang ba yung kinabukasan ng anak ko o ako na yung nawawala sa sarili dahil mahal ko na siya.

Accidentally Married a Famous (COMPLETED)Where stories live. Discover now