5: Chess Pieces 1*

9.4K 513 23
                                    

"Did you rest well?" Auntie Feng asked Emy as soon as she went out of her courtyard.

Oo, hindi lang basta kwarto ang ibinigay sa kanya ng mag-asawang Francis at Feng. Traditional-style residence ang meron ang pamilya nila. Kaya naman bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang courtyard.

At dahil doon na din naman titira si Emy, ibinigay na nila sa kanya ang isa sa mga courtyard na naroon.

Malaki rin ang residence area ng pamilya nila Francis. Bukod sa Great Hall kung saan nila tinatanggap ang mga bisita nila, may limang courtyard ang naroroon. Ang pinakamalaki doon ay ang tinutulugan ng mag-asawang Francis at Feng. Kalapit noon ay ang kay Franco. Sumunod naman ay ang kay Emy. Yung nalalabing dalawa ay ang nagsisilbing guest room nila.

Mayroon din silang malaking field kung saan nagpapractice ang army ni Francis ng swordfighting. May apat pang malalaking kwarto doon. Isang martial arts hall, storage room at dalawang sleeping quaters ng army at maidservants.

"Opo, Auntie."

"That's good. Maagang umalis ang Uncle Shin at Uncle Francis mo. Si Franco naman ay tulog pa. May plano ka bang gawin ngayong araw?"

"Aayusin ko po muna ang mga gamit ko tapos ay maglalakad lakad sa labas. Gusto ko pong maging pamilyar dito sa Grey City."

Lie Feng nodded. "That's good. Luckily itong residence natin ay nasa Central Area ng buong Grey City. Napapagitnaan tayo ng lahat. Sa Left Area naroroon ang mga market, shopping centers at kainan. Sa Right Area naman ay ang Royal Palace."

Emy knew those information from her previous life. In fact, she used to live sa Right Area. Bukod sa Royal Palace, doon din nakatira ang mga mayayaman na tao sa Grey City. Most of them are officials, merchants at ang iba pang malalapit sa pamilya ng Royal Family.

Her father was the Prime Minister. Malapit na magkaibigan ang Emperor at ang Papa niya. Anyone could say that her father was the most important confidante of the Emperor. After all, they grew up together.

She was also familiar sa Left Area ng Grey City. She had several businesses there na siya mismo ang nagpatayo at nagpalago. But she doubt it if she could take them back as Emy. Well, not all of them at least. Some of them could be retrieved. Especially those that could help her move around the Grey City anonimously.

But before she did that, she needed some of her people at her side first.

***

Auntie Feng and some maids helped her unpack her things. Kumpara sa laki ng kwartong ibinigay nila sa kanya, nagmistulang iilan lamang ang kanyang mga gamit. Mostly were dresses and books. Iilan lang ang mga alahas niya dahil sa wari niya ay hindi rin naman ganoon kaluho si Emy base na rin sa diary nito at mga kwento sa kanya nila Shantal.

Matapos nilang maayos ang mga gamit niya ay naglunch muna sila na sabay sabay bago naghanda upang maglakad lakad sa labas.

Gaya ng sabi ni Franco kahapon, sinamahan niya si Samantha. Nagsama din siya ng ilang mga guwardiya.

"Saan mo unang gustong magpunta?"

"Gusto ko lang munang maglakad lakad sa market."

"Okay."

Habang naglalakad sila ay sinasabi sa kanya ni Franco ang mga dapat niyang malaman sa mga nadadaanan nila. Emy just listened quietly. Alam na din naman niya ang mga iyon pero bilang Emy kailangan niyang magpanggap na interesado siya.

Then she suddenly decided to ask Franco a question.

"Franco, kahapon, pinatigil kami doon sa may gate. Sabi ni Uncle Shin hindi naman daw dati ganoon kahigpit dito sa Grey City. He said there must be something that had happened back then kaya naghigpit sila."

AQR1: A Peerless Genius from Two Cities [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon