16: White Mask 4

6.2K 363 2
                                    

Samantha needed to recuperate her strength and healed her sprained ankle. Okay lang yung mga sugat niya dahil maitatago ng damit niya ang mga iyon. Pero hindi ang iika-ika niyang paa.

Mabuti na lamang at weekend kaya naman may dalawang araw siya para makapagpagaling at makapagpahinga.

She just asked her maidservants na ipaalam kanila Lie Feng, Francis at Franco that she caught a flu kaya hindi siya makakalabas sa kwarto niya during weekends. Naniwala naman agad ang mga ito dahil namumutla pa rin hanggang ngayon ang dalaga.

Bukod sa gamot na binigay sa kanya nung S, kinailangan niya ring uminom ng gamot para sa dugo. Lia concocted her a herbal medicine that will fill her blood lost.

She focused in healing herself. Alam kasi niya that it will be suspicious kung bigla na lang siyang aabsent. At mas lalo naman kung iika ika siyang papasok. She needs to be in perfect condition by Monday.

Kaya naman wala siyang ginawa buong weekend kundi ang magpahinga at uminom ng mga gamot niya.

It paid off naman dahil kinagabihan pa lang ng linggo ay nakasabay na siya sa hapunan kanila Feng. Tuwid na rin ulit siyang maglakad.

Kaya by Monday morning, pinaghandaan na niya ang pagpasok sa Grey Academy.

***

As usual, Sebastian's first off pagkarating niya ng Academy ay sa office muna. He's always an hour early para kung sakali mang maraming updates ang subordinate niya ay may sapat silang oras para makapagusap.

Nasa may pinto pa lamang siya ay napuna na niya na may kakaiba sa mga ito ngayon. Agad rin niyang napuna na hindi lang sila ang naroroon ngayon. Some teachers and board members are there.

Nagdiretso siya sa may pinakakabisera ng mesa and looked at them.

"I didn't know na may meeting tayo."

"Your highness, we have decided to have an emergency meeting now. We have a situation after all."

"And that is?"

***

"Big news, guys!" Bungad ng isang classmate ni Emy na hinihingal pa papunta sa unahan.

Almost half pa lang silang naroroon at lahat sila ay napatingin sa bagong dating.

"May natagpuang patay na mga estudyante sa isang corridor ng school. Ngayong umaga lang."

"Totoo ba yan?"

"Oo. The authorities just took their bodies. Malamang iimbestigahan nila ang mga iyon."

Emy's classmates took their breaths. Some of them ay lumabas pa para makita nila mismo ang sinasabi ng kaklase nila.

Like a wildfire, samu't sari ng haka haka at espikulasyon ang kumalat sa buong campus. Maaga pa lang pero hindi na mapakali ang mga estudyante. Some are panicking. Some are overly curious.

Lumipas na rin ang umpisa ng klase nila pero walang teacher ang pumasok para magturo sa kanila. Kaya mas lalong nabahala ang karamihan.

"The situation must be that extreme."

"Oo nga eh. Look! Even the Fifth Prince is not yet here. Malamang he is busy in Supreme."

Emy, on the other hand, calmly tapped her fingers on her table. She's curious too about what will be the outcome of this. Kaya naman she waited patiently.

Maya maya lang din naman ay dumating na ang teacher nila. Kasunod nito si Sebastian na agad naupo sa pwesto niya.

Everyone looked at their teacher expectantly. Habang si Sebastian naman ay napatingin kay Emy. He has this foreboding feeling it was her doing.

AQR1: A Peerless Genius from Two Cities [COMPLETED]Where stories live. Discover now