CHAPTER 2: Detention Room

28.8K 1K 102
                                    


Mabilis lang 'yung oras. Pag-tapos namin mag-recess ng dalawa kong kaibigan bumalik rin kami agad dito sa room. Kasi hindi naman kami mahilig makipag-kaibigan sa iba. Kami lang, okay na.

"Hoy babaita! Ang lalim ng isip mo. 'Di ko ma-reach, so deep e." Sabi ni Alex, dahilan para mabalik ako sa realidad

"Anong balak mo gawin doon sa loob ng Detention Room?" Tanong naman sa'kin ni Yumi.

"Hindi naman ako mabo-bored siguro doon kasi nando'n si Pres. Kasi siguradong tu-tustahin niya lang ako pag-tapos no'n, hindi na niya ako kaka-usapin kaya ako na ang kaka-usap. Kahit ano 'atang gulo ko dun hindi na mata-tanggal 'yung mata no'n sa computer niya." Mahabang lintanya ko. Alam na alam ko na ang gagawin ko kasi lagi na akong naka-tambay 'dun. Suki nako dun e.

"Naku, umayos ka Chloe Mae Santos. 'Pag napatawag si Tita at nalaman niya ang pinag-gagawa mo dito sa loob ng school--" I cutted Yumi's words.

"Hoy nag-aaral naman ako ah!"

"Gaga! Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. Alam mo namang allergic si Tita sa Guidance Room di ba?"

"Ay! Oo nga pala 'no? Nung na-guidance si Kuya Caleb my love so sweet. Ni hindi pumasok si Mama sa loob dahil hindi raw siya maka-hinga" Malanding sabi nito ni Alex crush niya kasi si Kuya. At nakiki-Mama na rin siya sa Mama namin ni Kuya.

"Ayoko ng sister-in-law na bungangera"

A-angal pa sana siya. Kaso dumating na 'yung next subject namin. Hanggang matapos 'yung buong araw at 'eto ako ngayon parang zombie na nagla-lakad papuntang Detention Room.

"Come in."

"Good Afternoon Pres." Bati ko agad ng bukasan ko ang pinto ng Detention Room.

"Take your seat Ms.Santos." Sabi niya ng hindi man lang ako tina-tapunan ng tingin.

Umupo nalang ako sa harap ng table niya kung saan 'yung mata niya nakatutok na naman sa computer niya. I-pasok ko kaya 'yung ulo niya sa monitor.

"Name?"

"Chlo--"

"Chloe Mae Santos. Age?"

"17 Pr--"

"17. Section?"

"Gra--"

"Grede 9 Section Braille"

" 'Eto naman si Pres. Huwag mo naman ipa-halata na gusto mo ako. Halos lahat ng details about me alam mo. Pa-kipot ka naman ng kaunti Pres." Halos abot hanggang langit yung ngiti ko dito dahil sa kilig.

Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ako ng kilay. Tinungtong niya 'yung siko niya sa table habang hinihilot 'yung sintido niya. Na para bang ako ang may kasalanan kung bakit suma-sakit ang ulo niya. Hmp.

"Look, Ms. Santos. Kailan ka ba magti-tino ha? Alam mo kung bakit kilalang-kilala ka na dito sa Detention Room." Sabay pakita sakin ng Gaurd's Book na kung saan nandoon ang list ng lates ko. Oo! Lates with S. Nawala naman 'yung ngiti ko at napa-simangot. Bwisit talaga! "Now tell me. Paanong hindi ko malalaman ang lahat ng detalye tungkol sayo. Halos araw-araw ka na dito kulang nalang mag-overnight ka na dito" dagdag niya pa.

"Uy! Hindi ah! Ngayon lang naman ako nag-two hours detention ah. Nang dahil sa'yo!" Pinag-krus ko pa ang kamay ko sa harap ng dibdib ko kunwari nagta-tampo ako. "Hindi pa kasi ako pinag-bigyan. Alam ko naman crush mo'ko" bulong ko.

"Oo ito ang unang two hours mo kasi halos lahat higit pa sa two hours."

"Aray! Realtalk lang?!"

"Sa tingin mo magkaka-roon ka ng two hours detention kung wala kang ginawa? Don't blame me Ms. Santos. It's your fault. Next time you should set your alarm at four in the morning so you that, wouldn't be late." Tumayo siya para lumabas. "Stay here for two hours. If you ditch again, five hours detention for you" Hala!? Dito nalang ako tumira kaya. Bwisit!!

Naglakad na siya papunta sa pinto.

"Uy Pres! I-iwan mo'ko dito?" Hindi niya naman ako sinagot, sayang lang laway ko.

Bago pa niya pihitin yung doorknob may sinabi siya.

"Oh, last thing." Humarap siya sa'kin.

"I don't have crush on you"

'Ouch! Ansheket!'

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon