CHAPTER 35: YES

12.6K 576 31
                                    

Ilang linggo na kaming hindi nagkikita ni Jacob. Simula nang pinakawalan niya ako hindi na siya pumasok. Isang linggo na siyang absent.

Pinuntahan ko siya sa bahay nila nung unang araw niyang umabsent kaso sabi ng katulong nila gusto niya magpahinga. Bumalik ako pagkakinabukasan nun. Sabi umalis daw siya at pumunta ng ibang lugar.

Ganon ba siya nasaktan para layuan ako?

Monday ngayon at may flag ceremony kaya maaga akong gumising. Hindi na ako nagulat ng makitang nakaupo sa sofa namin si Kupal at hinihintay ako.

"Good Morning Burger!"

"Burger mo mukha mo!"

"Tsk."

"Halika na baka malate pa tayo." Aya ko sakanya.

"Alis na po kami." Magalang niyang paalam kila Papa.

Sus! Nagpapalakas lang naman!

Lumabas na ako. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero naunahan niya ako. Pinagbuksan niya ako.Napaailing nalang ako.

Pagkasakay ko ay agad siyang umikot para sumakay sa driver seat.

"Nag-almusal ka na?" wala sa sariling tanong ko.

"Oh. Now, you cared?" halata ang gulat sa mukha niya ng itanong ko yun.

Huh? Anong nakakagulat sa tanong ko?

"Napano ka? Ba't gulat na gulat ka ata?"

"Ah, nothing. It's just.. just.. This is your first time asking me like that. Looks like you care?"

"Oh." ganun pala yun. "Nagtanong lang ako kasi hindi pa din ako nagaalmusal. Daan tayo ng drive thru. Assuming neto!" pagsisinungaling ko.

Ang totoo hindi naman ako nagugutom e, ayoko lang talaga nalanam niya na nagaalala ako.

"Oh, i thought, you care" malungkot na saad niya.

"Sige na nga! Nagaalala na ako. Kawawa ka naman. Haha!"

"Funny..." he said then he rolled his eyes on me.

Ay! Baklang to!

----------------

Nakakantok naman tong flag ceremony na to. Bwisit! Baka mahuli akong nakapikit dito. Nagulat ako ng may nagsalita muka sa likod ko.

"Huy! Gusto mo ata ma-detention Madam."

Madam?

Madam?

Madam?

Agad akong napaharap sa nagsalita.

"J-jacob?"gulat na sabi ko.

"Goodmorning Madam!" Hindi katulad ng dati, ngayon masaya na ang mga mata niya. Wala na ang lungkot na nakikita ko dati.

"B-bat ka.. anong.. an--"

"Sorry Madam, hindi na ako nakapagpaalam kasi--" hindi ko siya pinatapos magsalita dahil kaagad ko siyang hinampas.

"Kainis to! Alam mo bang ilang beses aking bumalik sa bahay niyo? Bwisit ka! Hindi tayo bati.Bahala ka diyan. Bwisit!" tinalikuran ko siya agad. Bwisit siya!

"Huy Madam, sorry na. Nagpahinga lang naman ako e. Sabi ko naman yun sayo di ba? Eto na oh, nandito na ako. Uy madam sorry na." Ba't siya ang nagsosorry? Ako dapat di ba?

"Hmp!" Kinalabit kalabit niya pa ako

"Madam--"

"Hey, don't touch her. Pwede mo namang kausapin, wag mong hawakan." Agad kaming humarap sa nagsalita. Si Kupal.

"Bakit?" Tanong ni Jacob. "Naging manliligaw naman ako ni Madam ah"

"See, NAGING it means, tapos na! Akin na siya so back off."

"Tsk. Maguusap pa tayo pre. Tara." Sabi ni Jacob at umalis. Para namang naintindihan ni Kupal at sumunod siya agad.

Hanggang sa magpasukan hindi pa rin nakakabalik yung dalawa. Ano kaya pinagusapan nila.

Nung dumating sila thirty minutes na silang late. Anong ginawa nila? Ang tagal naman.

--------------

"Saan ba tayo pupunta? Nakakainis to! Sabihin mo na!" Niyaya nanaman ako ni Kupal na lumabas ulit! Hindi ko alam kung saan kami pupunta!

"Secret"

Inirapan ko nalang siya. Dalawang buwan na akong nililigawan ni Kupal. Worth it naman ang panliligaw niya. Hindi niya din ako pine-pressure. Handa talaga siyang maghintay.

Kami ni Jacob? Okay na kami. Bumalik na kami sa dati at tanggap niya na, na kaibagan lang talaga kami. Okay lang naman daw sakanya. Naiintindihan niya.

Natulog nalang ako. Ayaw niya naman kasi sabihin kung saan kami pupunta.

Nagising ako nang matamaan nt ilaw ang mata ko.

"Uwu! So many pictures! Haha" agad akong napamulat.

Nakita ko si Kupal na nakatingin sa cellphone niya habang tawa ng tawa. Pinicturan niya nanaman ako!?

"Burahin mo nga yan!"

"Nope. I wo--"

"Busted ka na!" Pananakot ko

"Actually i deleted it all. Look!" Sabi niya.

Gusto kong matawa dahil pinakita niya sakin ang cellphone niyang wala na ang epic kong mukha.

"Oo na!"

Bumababa na ako at napansin kong nasa Bagiuo kami ULIT.

"Anong gagawin natin dito?" Ngimiti lang siya sakin at hindi sumagot.

Okay? Ayaw niya talagang sabihin? Sige, wag na.

Pinagpahinga niya muna ako dito sa loob ng hotel room at lumabas siya saglit kaya naiwan ako dito.

Maya-maya ay bumalik siya at niyaya ako papunta sa...

"Sasakay tayo ulit ng kabayo?"

"Yeah.. Let's go." Pansin kong medyo kinakabahan siya.

Bakit?

Sumakay na kami ng kabayo pero bago niya paandarin piniringan niya muna ako.

"Anong pakulo nanaman ito?"

"Shh.." edi mananahimik na.

Naramdaman kong gumagalaw na ang kabayong sinasakyan namin at mayamaya ay pinatigil niya at tinanggal ang piring ko.

Nakita kong maraming kabayo ang nasa harap ko. Anong meron?

Bumababa siya at hinawakan ako sa beywang para tulungang makababa. Hmm.. tsansing tong lalaking to ah!

"Ano bang meron?"

"Uhmm.. L-let's go." kanina pa siya lets go ng lets go ah! Suntukin ko siya!

Lumapit kami sa mga kabayo at napansing may nakasabit na parang karton sa leeg nila at bawat karton may nakasukat na letra.

"Will you be my?" Pagbabasa ko sa mga letra. Huh? Ano daw?

Napatingin ako sa kabayong sinakyan namin ng magingay yun. Napansin ko ding may nakasabit sakanya. Kaso hindi letter. Word siya.

"Girlfriend?" Ano daw?

Binalikan ko ng tingin ang mga kabayo at binasa ulit yun at bumalik sa kabayong sinakyan namin. Napatakip ako sa aking bibig ng maintindihan ko ang mga sulat. Kaya napatingin ako sakanya.

"Will you be my girlfriend? I promise, hinding hindi kita sasaktan. Sayong sayo lang ako. Lahat gagawin ko para mapasaya ka lang. Lahat lahat. Mamahalin kita nang habang buhay, i promise. Will you be my---"

"YES!"

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now