CHAPTER 5: I enjoy the...

22.9K 1K 358
                                    


Habang nasa loob ako ng kotse niya. Hindi kami nagsasalita. Mas okay na 'to! Kaysa naman mag-panggap ako na okay lang. Baka hindi ako makapagtiis bigla ko nalang siyang sunggaban ng halik diyan. Joke!

'Malandi'

Laking pasasalamat ko no'ng dumating na kami sa bahay. Nagtataka ako bakit alam niya ang bahay ko, e wala naman akong sinabi. Stalker ko 'ata 'to si Pres. Sabi ko na may crush 'to sa'kin e.

"Tell Caleb, I want to talk to him." Okay? Kilala niya pala si Kuya. Medyo assuming ako sa part na 'yun.

Pucha! Kala ko stalker ko na. Hmp.

Hindi muna ako bumaba kasi gusto ko magpasalamat pero parang biglang umurong 'yung dila ko. Hindi ako makapag-salita.

Tumikhim muna ako.

"Ahm. T-thank you P-res"Na-utal pa'ko. Bwisit!

Hindi siya sumagot kaya binuksan ko na 'yung pinto. Pero bago ako maka-labas may sinabi siya...

"I enjoyed the kiss."

-----------------

'I enjoyed the kiss'

'I enjoyed the kiss'

'I enjoyed the kiss'

Paulit-ulit 'yang tumatakbo sa utak ko. Kaya hanggang ngayon hindi pa din ako makatulog. Nandito na ako sa loob ng k'warto ko at nakatitig sa kisame. Hindi ako makatulog sa sinabi niya. He enjoyed our kiss? Pwede bang kiligin?

Tinignan ko yung orasan. Pucha! Twelve na. Male-late nanaman ako bukas nito e. Pero pinilit ko namang matulog. Promise. Pero hindi talaga ako madapuan ng antok.

Hindi talaga ako makatulog kaya kinuha ko nalang 'yung cellphone ko. At nag-facebook. Habang nagii-scroll ako sa Newsfeed ko bigla kong nakita 'yung post niya.

Theodore Madrigal
   20 minutes ago

Can't sleep. Thinking about your lips.

145 Likes 99 comments 68 shares

Bigla ako napatayo mula sa pagkakahiga ko.

He can't sleep?!

Dahil ba sa akin kaya hindi rin siya maka-tulog?

Assuming mo self.

Pero baka hindi naman talaga ako 'yung tinu-tukoy niya. Malay ko ba na meron pa siyang ibang nahalikan maliban sa'kin kanina. Assuming ko 'no!

Nagpost nalang ako.

Chloe Mae Santos
       Just now

Losing my first kiss today. So that's how it feels when you were kissed by someone. I want more. Haha! Kidding.

18 Likes 40 Comments 5 Shares

Bat ang dami agad ng comment?Tinignan ko 'yung mga comments.

'Sana all Ate ghurl'

'Yawa na yan!'

'Wow'

Iilan lang 'yan sa comments ng mga schoolmates ko.

Sunod-sunod 'yung message na pumasok sa'kin kaya tinignan ko 'yung messenger ko.

Alexandra Lopez

HOY BABAITA! ANO 'TO? ANONG KALANDIAN TO? ANG LANDI MONG GAGA KA! 'PAG NAKITA 'TO NG ASAWA KO! ANONG GAGAWIN MO? EDI MAYAYARI KA NA NAMAN KAY CALEB MY LOVE SO SWEET! TSK!...

Masarap ba?

Tss. Ano pa bang aasahan ko. Si Alex yan e. Tsk.

Chloe Mae Santos

HOY! ALAM MO BA 'YUNG SALITANG PRIVACY?! HMP!...

Oo naman. Mesherep.

Isa pa akong malandi e.

Alexandra Lopez

WOW! Ako pa talaga sinabihan mo ng 'ALAM MO BA 'YUNG SALITANG PRIVACY?!' E ikaw nga pinost mo pa na wala na ang FIRST KISS MO! Sa tingin mo hindi 'yan makikita ng lahat ng tao sa school? KALOKA TO! SINO BA YAN!?...

Nang matikman ko rin kung masarap ba talaga.

Tsk. Malandi rin e. Sineen ko nalang siya at tinignan 'yung isa pang nachat sa'kin.

Mayumi Shin

HINDI LAHAT NG KALANDIAN DAPAT PINA-NGANGALANDAKAN. UMAYOS KA! BURAHIN MO 'YUNG KALANDIAN 'MONG POST. REPORT KITA DIYAN E!'

Tsk. Kahit sa chat pina-ngangaralan ako! Bwisit!

Akala niya pakikinggan ko siya? No way!

Mayumi Shin

BURAHIN MO NA!

Sabi ko nga e, buburahin ko.

Bakit ba hindi ako maka-angal sa babaeng 'to!

Pumunta ako sa timeline ko para burahin yung post ko.

Chloe Mae Santos
   10 minutes ago

Losing my First Kiss today. So that's how it feels when you were kissed by someone. I want more. Haha! Kidding.

310 Likes 189 Comments 79 Shares

Minsan lang ako makakuha ng ganyan kadaming likes tapos ngayon buburahin ko.
Saktong pagkapindot ko ng delete botton ay ang pagbukas ng pinto ng k'warto ko at iniluwa no'n ang Kuya ko.

"Kuya? May kailangan ka?" Sabi ko nang tinapunan lang siya ng saglit na tingin at pumunta nanaman sa screen ng phone ko.

"ASAN 'YUNG LALAKING 'YAN?! TANGINANG LALAKI 'YAN! ANONG KARAPATAN NIYANG HALIKAN KA?! WALA SIYANG KARAPATAN!" Nanlaki ang mata kong tinignan si kuya at galit na galit siya na nakatingin sakin. Hindi naman ako natakot nagulat lang.

Bwisit. Ba't ba hindi ko hi-nide si kuya sa kalandiang post ko?

"Hayaan mo na 'yun Kuya. Ikaw ah!Mahal na mahal mo'ko. Hihi." Minsan lang kasi siya maging ganyan sa'kin madalas kaming mag-asaran. "Susuntukin mo talaga siya kasi kinuha niya ang first kiss ko? Ikaw talaga Kuya. Wag mo'ko masyado pakiligin baka mahimatay ako dito. At saka aksidente lang ang nangyari kaya wag ka na mag-alala." Halos mapunit na 'yung bibig ko sa sobrang lapad ng ngiti ko.

Nagulat ako kasi 'yung kaninang galit na mukha ni kuya napalitan ng pang-aasar na mukha. He even smirked at me.

"Anong susuntukin? Hindi ko siya susuntukin, kasi titignan ko kung ayos lang ba siya. Baka kasi nahawaan ng sakit mo. At wala siyang karapatan halikan ka kasi maha-hawa siya. At saka sakanya ako naga-alala hindi sa'yo. Anong mahal? Mahalin mo pwet ko Chloe! Umayos ka ah! Subukan mo magpahalik ulit, sisipain talaga kita palabas dito ng bahay. Alam mo, 'yang sakit mo. Sarilihin mo nalang yan 'wag ka ng magshare. Kahit ngayon lang maging selfish ka naman" Sabi ni kuya na nagpawala ng ngiti sa labi ko at nai-inis ko siya binato ng unan ko.

"Bwisit ka! 'Kala ko naga-alala ka! Lumayas ka 'nga dito! Baka ma-patay kita!" Inis na sigaw ko sakanya habang binabato lahat ng unan ko sa kama, siya naman tawang-tawa habang tuma-takbo palabas ng kwarto ko.

Tumayo ako at padabog na sinarado 'yung pinto ko. Bwisit talaga!

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog 'yung messenger ko kaya binuksan ko.

Halos lumuwa na ang mata ko nang makita kung sino ang nag-messege sakin at halos gusto ng lumabas na ang mata ko nang mabasa ko ang messege niya.

Theodore Madrigal

Hmm.. First kiss? Want more? Really?

-----------------GimmeFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now