CHAPTER 45: Meet again

11.6K 481 3
                                    

Bakit siya nandito?

PAANO?

Hindi siya nakatingin sakin. Nasa laptop niya lang ang mata niya.

"I-ikaw?" tinuro ko siya nang nanginginig kong daliri. "B-bakit ka nandito?" agad kong tinignan ang sarili ko.

May damit naman ako, pero iba na!

"Don't worry i didn't touch you. No worries." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

Napansin kong mas lumalim ang boses niya ngayon. Mas lumapad ang pangangatawan niya keysa sa huli naming pagkikita.

"A-asan ako? Ikaw ba ang nagbihis sakin?" tatayo sana ako kaso sumakit bigla ang ulo ko kaya napaupo ako ulit.

"Drink this, you stubborn. I don't have a choice, so i change your clothes. You smell like shit last night." May inilapag siyang advil at tubig sa bedside table at umalis para bumalik sa gawain niya.

Siya ang nagbihis sakin?

"P-pwede kita kasuhan! Abogado ka pa naman din. Tapos manghahawak ka ng walang paalam. I can sue you. You harassed me!" sigaw ko.

"Go on." Sabi niya na parang walang pakialam.

Hindi ko na siya sinagot kahit gusto ko siyang sigawan. Aalis na ako dito. Hindi ko kayang nakasama siya sa iisang lugar! Pakiramdam ko hindi ako makahinga.

Ininom ko iyon at nung kaya ko nang tumayo ay tumayo na ako at naghanda para umalis. Nakita ko ang bag ko sa may sofa kaya kinuha ko iyon at handa nang umalis ng magsalita siya. Kaya tinignan ko siya at nakatingin din siya sakin. Wala na ang pagmamahal na lagi kong nakikita sa mata niya. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin ngayon.

"Leaving? Leaving without saying thank you? For you to know, i save you from that guy. He nearly kis--"

"Fuck you. Take that as my thank you." sabi ko at lumabas na.

Doon ko lang napansin na nasa isang condo building pala ako.

Kaninong unit yun? Sa kanya?

Bakit ko siya pasasalamatan? Hinarassed niya nga ako e. Kulang pa nga ang mura na yun!

Sumakay na ako ng taxi at umuwi sa bahay. Hindi malayo ang hotel na pinagcheck-inan niya sa bar kung nasan ako kagabi.

Pilit kong inalala ang nagyari kagabi.

"Ano bang mangyari?" Pinupukpok ko ang ulo ko sa sobrang pagkainis.

Wala talaga akong maalala!

Tumunog ang phone ko at si Alex yun kaya sinagot ko.

[HOY BABAITA KA! ASAN KABA? KAGABI KA PA NAMIN HINAHANAP! NAGAALALA KAMI SAYO! BIGLANG NAWALA ANG PAGKALASING KO SAYO KAGABI DAHIL SABI NILA NAWAWALA KA DAW! PUMUNTA PA KAMI SA PULIS! SABI HINDI KA PA NAMAN DAW NAWAWALA NG 24-HOURS! KAYA HINDI SILA KIKILOS! ASAN KA BANG GAGA KA?]

Inilayo ko sa tainga ko ang cellphone dahil sa pagsigaw ni Alex. Sakit niya sa eardrums.

"Pauwi na ako." Mahinahong sabi ko.

[TALAGA! UMUWI KA NA TALAGA! DAHIL PAPATAYIN KITANG BRUHA KA! PATI SI MATT HINDI ALAM KUNG NASAAN KA! UMUWI KA NA! BILISAN MO! NANDITO KAMI SA CONDO MONG BABAITA KA! LETSE KA!]

Magsasalita sana ako kaso pinatayan niya ako ng tawag.

Matt? Sinong Matt?

Isip lang ako ng isip hanggang sa maalala ko ang lahat.

"Shit! May nangyari kaya samin?! No! I know, wala talaga! Mararamdaman ko naman kung meron e. Tama ba ako? Oo tama ka!" para akong tangang kinakausap ang sarili ko dito dahil sa sobrang taranta. Patingin-tingin tuloy si manong taxi driver.

Nang makarating ako sa building ng condo ko ay umakyat ako agad. Pagpasok ko ay agad akong binudburan ng talak ni Alex. Hindi naman ako nakikinig dahil lutang pa din ako. Dahil sa pagkikita namin kanina.

Nandito na ako sa loob ng kwarto ko ngayon. Kakatapos lang akong budburan ni Alex. Nung mapagod siya at tinanong kung okay lang ako at anong nangyari ay umalis na din sila. Syempre hindi ko sinabi na nagkita kami. Mamatay muna ako bago ko sabihin.

Humarap ako sa human size mirror ng kwarto ko. Doon ko lang ulit napansin na iba pala ang suot ko at mukhang panlalaki.

Kanya kaya ito?

Umiling nalang ako at pumunta na sa CR para maligo. Nangangamoy alak pa din ako.

-----------------

"Tara na kasi!"Ang kulit talaga ni Alex.

Niyaya nila ako ni Yumi na magmall, e busy nga ako!

"Libre ka naman namin e."

Pumalakpak ang tainga ko sa narinig ko at agad tumayo para magbihis. I love freebies!

"Huy! Sama k--"

"Hintayin niyo ako!" excited na sabi ko

"Mukha ka talagang libre!" Sigaw ni Yumi.

Nang makapagayos na ako ay pumunta na kami ng mall. Nandito kami ngayon sa Forever 21. Habang pumipili lang ako ng damit ay may nahagilap ang mata ko.

Nagningning ang mata ko at kinuha ang damit na iyon kaso may kamay din na humawak.

Napatingin ako sa may ari ng kamay na iyon.

"Oh? What a coincidence?" sabi niya sa maarte na boses.

Mga ahas nga naman pakalat-kalat.

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon