CHAPTER 40: Graduation

11.4K 543 14
                                    

"Kupal, pwede bang bukas nalang? Ahm.. ano e.. may pupuntahan pa ako." pakiusap ko sa kanya.

Ayoko talaga e.

"One lie, one punishment. Don't be nervous, Burger. They will love you. I promise."  mukhang wala talaga akong kawala dito ah.

Nandito kami sa loob ng kotse niya, sa tatlong buwan naming magkarelasyon. Lagi niya akong pinipilit na ipakilala sa magulang niya pero paulit-ulit din akong umaayaw. Kasi ayoko. Kinakabahan ako. Pero ngayon. Wala na akong kawala.

Huhuhu:((

Habang palapit kami ng palapit sa bahay niya ay mas lalo akong kinakabahan. Ano kayang mangyayari? Magugustuhan kaya nila ako? Sana naman oo. Dahil mamamatay ako pag hindi.

Mas lalo akong kinabahan ng ihinto niya ang kotse sa isang bahay--mali. Mansion. Oo, mansion! Sa sobrang laki, hindi na bahay ang tawag dito.

Bumababa na siya pero hindi ako bumababa. Kinakabahan talaga ako. Hinintay niya akong lumabas pero hindi ako lumabas kaya lumapit siya sa may pintuan at pinagbuksan ako. Nilahad niya ang kamay niya para tulungan akong makababa. Nagaalinlangan man, tinanggap ko ang kamay niya at pumasok na kami sa mansion nila.

Gustong kumawala ng puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon lalo na't may naririnig akong tawanan na nagmumula sa may kusina.

Pagpasok namin sa kusina ay siyang pagtahimik nila. Para bang may dumaang anghel ng makita nila kami.

"Iho, nariyan ka na pala." sabi ng isang hindi katandaang babae. Halata mo pa din ang ganda niya.

Lumapit siya kay Kupal. Hinalikan niya sa pisngi at niyakap niya si kupal. Pagkahiwalay nila ay siyang pagdako ng tingin sa akin ng ginang.

Kinabahan ako kaya wala sa sariling yumuko ako ng konti para magbigay ng galang at kinakabahang nagsalita.

"Ahm.. Goodevening po. Ako po si Chloe." pagangat ko ng tingin ay nakita ko ang pagsilay na ngiti sa labi ng ginang na para bang siyang-siya na marinig ang pangalan ko.

"Oh, Chloe? Siya na ba iho? Oh my, Honey! Come here. Oh my!" nagulat ako sa pagtili niya sabay ng paghila niya sakin papasok ng kusina at iniharap sa isang hindi din katandaan na lalaki.

"Oh my, Honey! This is Chloe. The woman of our son! Matagal na kitang gustong makilala iha. I'm Theodore's mother." magiliw na sabi ng ginang.

"Ahm.. Chloe ho ma'am" pormal na sabi ko.

"Ma'am? No! Call me Mommy. You are the woman of our son. So call me Mommy. Say it! Say Mommy." May halong tili na saad niya.

"M-mommy?" nahihiyang sabi ko.

"Oh my, Honey! Introduce yourself." kinalabit niya ang lalaking nasa gilid niya.

"Chloe, right?" tumango lang ako at nakita kong inilahad niya ang kamay niya sakin. "I'm Thomas. Theo's dad. This is my wife, Theresa. Nice to meet you iha." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya, bibitaw na sana ako ng bigla niya akong hilain at niyakap. "I'm glad that finally, my son found his woman. Make him happy iha, i trust you." Bintawan niya ako at pinaharap sakanya para tignan.

Gusto ko maiyak. Tanggap nila ako!

"Opo. I will." nanginginig na sabi ko. Pinipigilan ko lang na wag maiyak.

"Hi! I'm Thessa, Theo's sister." Sulpot na isang magandanag babae na sa tingin ko ay isang model.

"Hello. I'm Chloe" makikipag-kamay sana ako pero agad niya akong niyakap.

"Ate! Let go!" Sigaw ng isang matinis na boses kaya napabitaw ang ate ni Theo mula sa pagkakayakap sakin. "Hi! I'm Thea! The cutest girl in the this world! Am i cute? Huh?" Natawa na lamang ako ng pisil pisilin niya ang matataba niyang pisngi.

"Yes. You're very cute." sabi ko at kinurot ang pisngi niya.

"Yey!"

"Come on iha, join us here." tumango ako at tinignan si Kupal na nasa gilid ko na pala.

"I told you. They will love you." napangiti nalang ako ng sabihin niya yun.

Oo. Tanggap nga nila ako.

---------------------

"Yuhoo!" Sigaw naming lahat at inihagis ang toga namin.

Graduate na kami!

"I'm so proud of you Burger" Bulong bigla sa akin ni Kupal.

Ang bilis ng araw parang kailan lang lagi akong nasa detention ah!

"Proud din ako sayo Kupal" hinarap ko siya at hinalikan.

Nagulat ako ng biglang may nagflash na camera kaya nalahiwalay kami sa isa't-isa.

"Woah! Sakto yun!" Sigaw ni Jacob. Habang tinitignan niya ang camera niya.

Napailing nalang ako.

"Babe, inaasar mo nanaman sila!" Binatukan ni Yumi si Jacob.

Babe? Oo, sila na!

Hindi ko rin inakala na magiging sila. Pero nung nakita ko naman na talagang masaya sila sa isa't-isa naging masaya nalang din ako para sakanila. Masaya rin ako para kay Jacob kasi nakita na niya ang para sa kanya.

"TARA PICTURE!" Sigaw ni Alex. "BABY! PICTURAN MO NGA KAMI! WAG KA NA SUMALI! GRADUATE KA NA LAST YEAR E! HAHA" napatawa nalang kami ng biglang sumimangot si Kuya at padabog na kinuha ang camera.

"1..2..3.. say cheese!"

"CHEE--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong pinaharap ni Kupal sa kanya at hinalikan nanaman. Kasabay nun ay ang pagflash ng camera ni Kuya.

"Ano ba yan? Napaka-PDA niyong dalawa. Kahit saan nalang!" Sigaw ni Kuya samin.

"Bakit hindi ka magpahalik kay Alex!"sigaw ko pabalik.

Sinagot niya ako pabalik pero hindi ko naintindihan dahil nagsalita si Kupal.

"I love you, Burger."napangiti ako.

"I love you too, Kupal. Malapit na ang Second Anniversary natin. Anong balak mo?"tanong ko sakanya.

"Uhm.." umakto siyang nagiisip at hinawakan pa ang baba. Nagulat nalang ako ng bigla nalang siyang ngumisi. "Gawa na tayo ng baby?"

"MANYAK!" tinawanan niya lang ako.

Napaka-manyak talaga niya!

Pero mahal ko siya:))

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang