CHAPTER 22:Payback time

15.5K 682 12
                                    

"Hi My name is Theodore Madrigal. SSG President but now, I'm your new Classmate."

Isang malutong na tangina!

'Oh my ghad si Pres?'

'Shit! Ang swerte naman natin!'

'Ang pogi niya no! Ang sungit lang'

Bulong ng mga malalandi kong kaklase. Bwisit! Paano na ako makakaisip ng plano n'yan?

Saka ba't yan nandito e section one yan! Section two tong pinasukan niya no!

"Class quite! Maybe some of you are confused. Mr. Madrigal is here because each SSG Officers are distributed in their new designated  rooms. Nilipat sila sa mga maiingay na rooms at isa kayo doon" bumuntong hininga pa ito na parang problemado sa amin."Okay Mr. Madrigal you can take your seat beside..." nakita kong nakakunot ang noo ni Sir na nakatingin kay Jacob. "..Mr. Suarez? Is that your proper seat?" tanong niya kay Jacob.

"Uhm.. No Sir." Sabi ni Jacob.

"Go back to your proper seat then!" galit na sigaw niya.

Anong gusto niyang sabihin? Makaka tabi ko yung kupal na yan? Mas gugustuhin ko pa si Jacob nalang ang tumabi sakin e!

Tumayo si Jacob at pumunta sa likod ko kung saan talaga ang totoong upuan niya. Nakita ko pa siyang nakasimangot. Napasimangot din ako kasi alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Okay. Take your seat Mr. Madrigal. Beside of Ms. Santos" sabi ko na e. Bwisit talaga!

Napatingin ako sakanya habang naglalakad papunta sa tabi kong upuan.

He smirked at me! He's really annoying the shit out of me! This is bullshit!

Nang makaupo siya sa tabi ko nagsalita siya.

"Hi burger! Nagkita nanaman ulit tayo. Paano ba yan?" Inirapan ko siya

"Don't talk to me. We're enemies!" inis kong sabi sakanya habang nasa harap ang tingin ko.

Kung hindi sana maingay ang mga kaklase ko hindi sana mangyayari ito sakin!

"Okay" sabi niya at nanahimik na.

Buti naman. Magiisip pako nang pang ganti sa kanya e.

Tahimik lang kami. Pero maya-maya kinalabit niya ako. Hindi ko siya nilingon. Bahala siya diyan!

"Burger, nagugutom ako. Meron ka bang pagkain diyan?" pabulong na  tanong niya sakin.

"Hanapin mo muna pake ko." Sabi ko sakanya. Bwisit siya!

"Sungit." nanahimik na siya kaya sinilip ko siya kung anong ginagawa niya.

Nakita kong hinihimas niya ang tiyan niya. Mukhang gutom talaga siya. Naawa naman ako.

Hindi! Hindi ako maaawa sakanya. Hindi nga siya naawa sakin nung pinost niya yung picture ko na hanggang ngayon ay pinag-pipyestahan pa din sa Facebook.

Lumabas na si Sir kaya umingay ulit ang paligid. Hihiga sana ako sa may desk ko kaso may nakita akong maliit na gumagalaw-galaw sa baba ng lamesa ko.

Haha! It's my payback time. *evil laugh*

Tinapakan ko yun at kinuha. Kinuha ko din yung phone ko para sa epic picture niya kung meron man. HAHAHA!

Nilingon ko siya at nakitang tatayo siya kaya agad ko siyang tinawag.

"Kupal!" Lumingon naman siya agad. "Nagugutom ka di ba?" Nagliwanag ang mukha niya na parang bata.

"Oo! Meron ka?" Excited na tanong niya.

Nilukob ako ng guilt. Itutuloy ko paba? Naisipan kong ituloy nalang.

"Eto oh." Sabi ko sabay pakita nang..

"OH FUCK! IPIS! AH! ILAYO MO SAKIN YAN!" sigaw niya sakin habang ako tawa lang tawa. Mas inilapit ko pa sa kanya yung ipis kaya mas lalong siyang sumigaw.

Pindot lang ako ng pindot sa camera ko. Mamaya na ako pipili ng epic picture niya. Haha!

Napatigil ako ng may sumigaw....

"WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" Pagkalingon ko si Sir Canlas.

Paktay

Agad kong binitawan ang ipis na hawak ko at inilagay ang phone sa bulsa ko.

"Mr. Madrigal! Why are you shouting?!" Tanong niya kay Kupal na masama ang tingin sakin.

"Sir, it's her fault! She give me a cockro--" pinutol ko agad ang sinasabi niya.

"No, I'm not!"

"Shut up Ms. Santos! I saw everything!" Sigaw niya sakin. Napangiwi nalang ako.

Alam niya na pala e, bat pa siya nagtatanong?

"I'm so disappointed with you Mr. Madrigal! You are the President of this school, and your attitude is like that? What kind of attitude you have!" napayuko nalang ako habang pinapagalitan si kupal.

Shit! Hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Kung alam ko lang hindi ko naman gagawin e.

Nakaramdam ako nang guilt. Magsosorry nalang ako sakanya mamaya.

"I'm sorry Sir. That'll never be happen again." nakayuko na sabi ni kupal.

"Yes, of course! It'll never happen again. You, Mr. Madrigal! One hour detention because of your unreasonable attitude, and you Ms. Santos! One hour detention for using a phone inside this room! And for your liar attitude!" Pagkasabi ni Sir ay umupo na kami.

Nakaramdam ako ng guilt. Sobra sobrang guilt! Gusto ko magsorry pero hindi ko alam paano sisimulan.

Hanggang sa maguwian ay hindi kami nagpansinan ni Kupal. Hindi niya ako pinansin kaya hindi ko rin siya pinansin. Naiinis ako kasi alam kong dapat ako ang unang mag-approach kasi ako ang may kasalanan pero hindi ko magawa!

Naglalakad ako ngayon papuntang detention room. Nang makapasok ako dun nakita ko si Kupal na nakahiga at nakapikit ang mata. Si Sir Dragon ang bantay namin ngayon.

"Ms. Santos! I'm glad to see you here! Again. I missed you! Hindi ka na dumadalaw dito e." Bungad sakin ni Sir Dragon na nakangisi na nangaasar!

"Good afternoon Sir." Yumuko ako sakanya at umupo na sa sofa kung nasaan si kupal. Nakahiga siya kaya sakop niya lahat ng space pero may natira pang onti sa dulo, sa may paanan niya kaya duon ako umupo.

Pagkaupong pagkaupo ko ay gumalaw siya. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sakin pero nagiwas din ng tingin at tumayo para umupo.

Nakaupo kami sa magkabilang dulo ng sofa. Siya sa left side ng sofa ako naman sa right side at may mahabang space sa gitna namin.

Hindi kami nagsalita dalawa pero mayamaya nagsalita siya

"I didn't expect even once that I'm going to put in this kind of situation. For a freaking punishment." inis na bulong niya pero alam kong pinariringan niya ako.

Eto na ba? Magsosory na ba ako?

Naisipan kong magsorry nalang.

"S-sorry, hi-hindi ko naman alam e. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry talaga." sabi ko na kulang nalang ay lumuhod ako sa harap niya para mapatawad niya lang.

"Don't be sorry. I don't accept sorry from my enemies." Sabi niya at tumingin sakin "and you're one of them. We are enemy." Dagdag niya pa. And he smirk at me.

Bahala siya! Basta ako, nagsorry na ako. Nasabi ko na. Nasakanya na kung tatanggapin niya yun o hindi.

Pero kapag ginantihan niya ako hindi ako magdadalawang isip na gantihan siya pabalik.

WE'RE ENEMIES, RIGHT?

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now