CHAPTER 16: Fight for Love.

17.9K 782 43
                                    


"P-pres?" Gulat akong napatingin sakanya. "A-anong ginagawa m-mo dito?"

"Pres? I told you, don't call me Pres if we're outside of our school. So annoying."

"Sige, anong ginagawa mo dito Kups?"

"Kups? What that?"

"Kups, as in Kupal." Ngumisi pa ako.

"Okay, Burger." Ngumisi din siya sakin.

"Ano bang ginagawa mo dito ha? Umalis ka nga! Hindi ka welcome dito!" Naiinis kong sambit.

"Ba't bawal ako dito? At saka hindi naman ikaw ang pinunta ko dito kaya hindi ko hinihingi ang permiso mo. " napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

HANU DAW?!

"Bahay ko to! May karapatan akong gawin kung ano ang gusto ko! Kasi bahay ko to!" Sinisigawan ko na siya sa inis.

"Na-ah. You're wrong. You don't own this house. Your parents is the owner of this house, not you. So, would you lead me the way?" Hindi ako sumagot o gumalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili lang akong nakatingin ng masama sa kanya.

Nung nakita niyang parang wala akong planong umusog. Bigla siyang lumapit sakin at hinawakan ang gilid ng ulo ko.

"A-anong gagawin mo?" Hahalikan niya ba ako? ULIT?

Nagulat ako ng bigla niya akong tinukak patagilid gamit ang kamay niya na nasa ulo ko. Muntik pa ako masubsob. Grr...

"Tabi!" Sabi niya at pumasok papunta sa pinto ng bahay namin.

"Hoy! Bawal ka pumasok dito! Trespassing yang ginagawa mo. I can sue you! Kala mo ah! Tatawag ako ng pulis!" Kukunin ko na sana ang phone ko nang magsalita siya.

"You will not do that, you can't sue me either. Pinapunta ako ni Caleb dito kasi may sasabihin ako sakanya. Di ba sinabi ko sayo na gusto ko makausap si Caleb, kaso ilang araw na ang lumipas hindi ko pa din siya nakakausap. So, I messaged him. And he said, you didn't tell anything to him. So, pinapunta niya ako dito. Sue me if you want. I don't care." Mahabang lintanya niya.

Napayuko naman ako sa hiya. Hindi ko nasabi kay Kuya na gusto pala kausapin ng Kups na to.

"Sorry... nakalimutan ko e."

"Tsk." Yun lang ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagpasok, sumunod naman ako.

"Hey!" Bati ni Kups nung nasa sala na kami.

"Oh, Theo. Nandito ka na pala. Ano palang yung gusto mo sabihin?" Tanong ni Kuya habang lumalakad palapit kay Kups. Nang makalapit sila sa isa't-isa, nag-man hug silang dalawa.

Close ba sila?

Tumingin si Kups sa paligid at napatigil ang tingin niya kay Jacob. Uniwas siya ng tingin kay Jacob at tumingin kay Kuya.

"It's private"

"Okay. Tara sa Kwarto" aya ni Kuya at tinapik pa ang balikat ni Kups.

Naiwan naman kami ni Jacob dito sa sala.

"Madam! Nagugutom ako!" Sabi ni Jacob.

"Edi umuwi ka sainyo!"

"Ang layo no'n no! Bilis na! Miss ko na yung luto ni Tita e."

"Sorry ka! Wala si Mama, kaya walang foods. Magta-take out lang kami ni Kuya mamaya e." Sabi ko at naglakad palapit sa isang sofa at umupo.

"Nagugutom na ako e." Sabi niya, at nagpout pa na parang bata. Naawa naman ako, para kasi talaga siyang gutom.

"Hindi ka pa ba kumakain?"

"Nope. Late na kasi ako nagising. Tapos nung nagising ako, dumiretso ako dito kasi promise ko sayo na pupunta ako dito tiba?"

"Late ka na gumising?"

"Yup!" He even popped the letter 'p'

Tinakpan ko ang ilong ko. Nung nakita niya yun nanlaki ang mata niya.

"Hoy! Anong iniisip mo diyan Madam? Naligo ako no! Akala mo hindi? Amuyin mo pa kili-kili ko e. Kahit tatlong araw ako hindi maligo, mabango pa din ako no!" Defensive much.

"Oo na! Ikaw na mabango! Napaka-defensive neto. Wala naman akong sinasabi e!"

"Ano pala yung ginawa mong pagtakip sa ilong mo? Action speaks louder than words, Madam."

"Tsk. Sabi mo gutom ka? Parang hindi naman."

"Madam! Gutom talaga ako."

"Pagbaba nila Kuya o-order na tayo. Nakakahiya naman kasi sayo." Note my sarcasm.

Tumawa lang siya, hindi ko na siya pinansin at manauod nalang ulit ng Tom & Jerry na kanina ko pa pinapanood kung hindi lang dumating itong mga asungot na ito.

Ilang minuto lang ay nakarinig ako ng yabag pababa ng hagdan kaya napatingin ako. Bumababa na si Kuya and si Kups. Napakunot ang nuo ko ng makitang may sugat ang gilid ng labi ni Kups na parang may sumuntok.

"Anong nangyari sa labi mo Kups." Tanong ko kay Kups pero si Kuya ang sumagot.

"Bakit ka nag-aalala Chloe?" At ngumiti siya sakin ng nakaka-asar.

"Anong sinasabi mo diyan! Bahala ka nga diyan." Nanood nalang ulit ako ng Tom & Jerry. Pero may naalala ako. "Kuya order tayo?"

"Sige. Dito ka na kumain Theo. Kaso take-out lang. Ayos lang ba sayo?"

"Yeah."Sabi ni Kups habang pumupunta sa sofa para umupo.

Umupo din si Kuya at may tinwagan. Siguro nago-order na siya.

"Madam! Gumagana pa ba yung PS4 niyo?" Tanong ni Jacob sakin.

"Oo, nakatambak na nga lang diyan e. Wala kasi akong kalaro. Umalis ka kasi." Sabi ko pero nasa TV lang ang mata ko.

"Nandito na ako. Tara laro!"

"Talaga? Tara! Wait lang iseset ko lang." Kinuha ko yung PS4 at sinet.

"Tekken?" Tanong ko kay Jacob.

"Sige. Malakas na ako ngayon. Hindi mo na ako matatalo. " tinawanan ko siya.

"Kahit kailan hindi mo ako matatalo. Tanggapin mo na yun." Sabi ko at lumapit sakanya para ibigay ang controller. Umupo na ako at hinintay magstart yung game para pumili ng character. Pinili ko ang kapangalan ko, syempre malakas ako e.

"Lucky Chloe ka pa din?" Tanong ni Jacob.

"Syempre malakas ako e. Akin lang si Lucky Chloe." Pinakita ko pa yung muscles ko sa braso kahit wala naman.

"Devil Jin ako. Devil Jin lang malakas." Sabi niya.

"Sus! Lampayatot lang yan e."

Magiistart na sana yung game kaso biglang may kumuha ng controller ko. Si Kups.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Akin na yan!" Pilit kong kinukuha yung controller kaso nilalayo niya.

"Shh. Watch and learn." Sabi niya at tumingin kay Jacob. "Tayo ang maglalaban." Nanghahamon na sabi ni Kups.

"Sige ba!" Sangayon ni Jacob.

"Ano to? Fight for Love." Sabi ni....

KUYA!

---------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon