CHAPTER 19: Bati na tayo...

17.6K 729 18
                                    

"Sabihin mo nga. May pagnanasa ka ba sakin?"

ANO?!

"A-anong si-sinabi mo? Pa-paki-ulit nga."

"May pagnanasa ka ba sakin? Kahapon ka pa e. Hinawakan moko kahapon sa detention room tapos ngayon tititigan mo ang katawan ko na parang gusto mong kainin. Huwag ganun!" Ngumiti pa siya sakin na parang nang-aasar! Grr...

"HOY! ANG KAPAL MO! HINDI KITA TINITITIGAN NO! BAKIT KA KASI NAKAHUBAD?! KASALANAN MO YAN! BWISIT TO!" sabi ko at nag-walk out.

Pumasok ako ng bahay at dire-diretso sa kwarto ko. Padabog kong sinara ang pinto.

Bwisit siya! Napaka-feeling niya! Bakit ko ba siya naging crush dati? Siguro cool siya nung hindi pa kami close. Close ba kami? Grrr.. ginigigil niya talaga ako!

Buong araw ako sa kwarto ko. Kahit tinwag ako ni Kuya na aalis na yung dalawa hindi talaga ako lumabas.

Bukod sa nahihiya ako, naiinis din ako. Hindi para kay Kups, para rin sa sarili ko! Nakakainis! Bat ba ang tanga ko at nagawa kong titigan ang nakaka-pangakit niyang katawan!

Tinignan ko ang orasan, Seven na ng gabi. Pero hindi man lang ako nagugutom. Narinig ko ring dumating na sila Mama, pero hindi ako bumababa. Tinatamad ako e.

Naisipan ko nalang matulog.

-------------

Nagising ako nang magingay ang phone ko. Kinuha ko yun at tinignan yun. Medyo blurred pa kasi pinipilit ko lang imulat ang mata ko. Puro notification sa Facebook.

Huh?

Wala naman akong post, pero ba't ang dami ng notification? Tinignan ko yun at nakitang puro comment galing sa nakatag sakin.

Tinignan ko yung tinag sakin. Yung kaninang inaantok kong mata ay biglang nanlaki! Tangina ano to!?

Picture ko yun na may putik sa mukha. At nakaepic na face.

May caption pa na...

'Sinong nag-away dito?'

Tinignan ko ang post. Anonymus siya. Nang inistalk ko, kakagawa lang ng account at isa lang ang post niya pero malakas siya, kasi sa School Group Page niya pinost yun. Walang teacher na nakakapasok sa group page na yun. Kasi para lang yun sa Online Rambulan or kahit ano pang pagpaparinig sa crush o kaaway.

Lagi na akong natatag dito pero hindi ko pinapansin kasi puro galing yun sa may crush sakin at mga nangaasar na sa Detention nalang ako tumira. Pero ito? Hindi ko mapapalampas to! Ang dami ng share, comments at reacts.

Bwisit! Pero alam ko, iisa lang ang may picture na ganito siya lang naman ang nagpicture sakin nung araw na yun.

Si Kups.

Biglang nawala ang antok ko at tumayo at chinat si Kups. Akala niya hindi ko siya makikilala! Nakakainis siya. Bwisit!

Chloe Mae Santos

   Masaya ka na niyan?

Hindi siya online pero nagulat ako nang magsend yung chat ko bigla siyang nag-online.

'Priority ba ako?'

Sabi ko sa utak ko. Haha.. Ang assuming ko naman. Haha

Theodore Madrigal

  What are you talking about?

Chloe Mae Santos

Sungalngalin kaya kita diyan! Patay-malisya kapa! Alam ko ikaw yung anonymous na nagpost nang picture ko! I can sue you for doing this to me! That's cyber bullying!

Mr. SSG President (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt