CHAPTER 55: Bye Chloe

12.6K 520 24
                                    

"Think about it wisely my dear."

Iyon ang narinig ko pero hindi ko magawang ibuka ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyon. Siya yun. Walanghiya siya! Anong gagawin niya sakin?

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Nang magmulat ako ay sinubukan kong magsalita kaso walang lumalabas na boses sa bibig ko. Doon ko nalaman na nasa isang abandonadong hardware ako dinala.

Wala rin akong lakas. Nanghihina ako.

"Oh, you're awake!" tinignan ko siya ng masama. Kailangan kong ipunin muna ang lakas ko bago ako makapagsalita.

"Do you think you can threat me with your stare. Well, for you to know. I'm not. Ikaw dapat ang ma-scared, because your end is near. Are you ready to say bye-bye to our wonderful world?"

Nang maipon ko ang lakas ko ay sinigawan ko siya.

"Hayop ka Georgia!"

"Yeah i know. Hayop ako sa kagandahan. You don't have to say that. Hindi mach-change ang mind ko na patayin ka."

"Bakit mo ba ginagawa to? Masama--"

"Walang masama sa taong naghihiganti!"

Naghihiganti?

"A-ano? Bakit ka na--"

"Dahil kinuha mo lahat! Lahat-lahat. Lahat ng attention nasa iyo! La--"

"Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Wala kang alam kasi tanga ka! Bwisit ka! Pinapatay ka na hindi mo pa alam! Napaka-tanga mo. You're easy to fool! Tanga!"

"Pina--"

"Huwag ka magsalita! Nang dahil sayo namatay ang Daddy ko. Ikaw an--"

"Hindi nga gi--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng sampalin niya ako.

"Don't cut my words!" sabi niya at tinalikuran ako.

Huminga muna ito ng malalim bago kumuha ng upuan at umupo sa harap ko.

"Okay, i know na, you didn't really kill my Dad. I knew it. Pero ikaw ang sinisisi ko kasi ikaw ang pinaghingian niya ng tulong. Bida-bida ka kasi e. Pasikat! I admit it. Ako ang nagtanggal ng machine.Pero hindi ako pumatay." Tumawa ito ng parang baliw.

"Baliw ka na! Pinatay mo ang sarili mong ama!"tumigil ito sa pagtawa at masama akong tinignan.

"No! I didn't kill him. Pinatay niya ang sarili niya. Dapat ako talaga ang papatay sakanya kaso lang nung pumunta na ako ay wala na siyang hininga. Tapos naisip kong tanggalin ang machine because you are bida-bida! Pasikat ka! Alam ko na gagawin mo ang lahat ma-save lang ang buhay ng Daddy ko! Na hindi ko papayagan! Tama ang decision ko no. Too much information na kasi ang alam niya kaya kailangan niya nang patahimikin." Tumawa ulit ito ulit ng parang baliw.

Gusto kong takpan ang tainga ko dahil naiirita ako sa tawa niya pero hindi ko nagawa dahil nakatali ang kamay ko. Isama mo na ang paa ko. Magsasalita sana ulit si Georgia ng may lumapit sa kanyang tauhan niya at bumulong. Nanliwanag ang mukha ni Georgia nang marinig ang bulong ng tauhan niya.

"Let him in! He's here na! Oh my God! Are you excited to meet him Chloe? He's your beloved lover!"

Sino? Si Theodore? Nandiyan siya? Ililigtas ni--

Napatigil ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto ng hardware at pumasok ang lalaking pamilyar na pamilyar ang maskuladong pangangatawaan sa akin.

"M-matt?" nabuhayan ako ng pagasa.

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon