CHAPTER 24: Anak

15.1K 673 56
                                    

Nung makapag-ayos na ako ay bumalik na ako sa room. Nakapag isip na din ako paano ako makakaganti. Hehe

Nang makapasok ako sa room umupo agad ako. Kaka-alis lang ni Sir, nagsalita naman itong katabi ko.

"Kaya pala ang lansa ng amoy. Hays" Grr... alam kong pinariringgan niya ako.

Hindi ko siya pinansin hanggang magrecess. Bahala siya diyan!

Bumili ako ng spaghetti at juice babalik na sana ako sa upuan namin ng mahagilap ng mata ko si Kupal. Napatingin ako sa juice ko.

'Eto na ba?'

Naglakad ako papasalubong sa kanya. Nung magkakasalubong na kami nagpanggap ako na napatid at natapon ko ang juice sa damit niya.

"Oppss.. hindi ko sinasadya napatid ako e." Nginitian ko siya nang nakakaasar. Nakita ko naman ang matalim na tingin niya sakin.

Bhelat!

Sinadya ko talagang hindi magsorry kasi hindi rin naman siya sakin nagsorry kanina nung ginawa niya yung pagtapon sakin ng pintura na HINDI niya daw SINASADYA!

Umupo na ako sa upuan namin. Binilisan ko ang pagkain kasi may bibilin pa ako. *evil laugh*

Pagpunta ko sa tindahan ng school supplies na nasa loob lang ng school agad kong hinanap ang bibilin ko. Nang makita ko iyon ay agad kong binili at agad agad pumunta ng room.

Nagpapasalamat ako kasi wala pa si Kupal kaya masasagawa ko ang plano ko. *evil laugh*

Nung makita kong pumasok sa room nakabihis na siya ng bagong uniform, pasimple kong nilagyan yung upuan niya ng...

Mighty bond!

Haha! Ganti ko sakanya yan kasi nilagyan niya ng ketsup ang upuan ko. Lahat ng gagawin niya sakin gagawin ko pabalik sakanya!

Malapad ang ngiti ko ng umupo na siya sa upuan niya. Hanggang dumating ang teacher namin malapad pa din ang ngiti ko.

Tapos na ang dalawang subject at Lunch na. Tumayo na ako at nakita ko siyang inaayos ang gamit niya. Kunwari ay inaayos ko din ang gamit ko hanggang sa tumayo siya pero hindi siya makatayo!

Pinipilit niyang makatayo pero hindi siya makatayo kaya napatingin siya sakin. Nginisihan ko lang siya, bahala ka diyan! *evil laugh*

Lumabas na ako sa room para kumain ng lunch.

Pagtapos ko kumain ay bumalik na ako sa room. Nakita kong wala na ang upuan sa tabi ko. Kaya nagtaka ako.

"Asan na yun?" Kasabay nun ay ang pagpasok ni Kupal na dala dala ang upuan niya at masama ang tingin sakin.

Kaya naman pala. Haha!

Nginisihan ko lang siya at umupo na. Hindi niya ako pinansin kaya hindi ko rin siya pinansin. Akala niya! Siya pa may ganang magalit e binalik ko lang naman sakanya lahat ng ginawa niya sakin!

Hanggang sa maguwian hindi kami nagpansinan. Umuwi kaagad ako ng bahay at nahiga.

It's time for my last ace.

Tinignan ko ang epic pictures niya sa gallery ko. Pinili ko ang picture na may ipis na hawak ko at nakanganga siya sa sobrang pagsigaw sa takot. Gumawa ako ng new account na magiging Anonymous din. Pinost ko iyon sa group page ng school na kami lang mga students sa school ang kasali at walang teachers. Pinost ko iyon at tinagsiya. Nilagyan ko ng caption na...

'Kahit mga lalaki, may kinatatakutan din'

Tawa akong ng tawa na inilapag ang cellphone ko at pumikit dahil siguro sa pagod sa paghiganti na ginawa ko ay agad akong nakatulog.

-----------------

Isang linggo na ang lumipas at dahil sa picture na pinost ko ay natabunan ang meme na ginawa niya sakin. Ngayon, siya na ang trending! Inaalala ko ang mukha niya nung pumasok ako kinabukasan nun, kulang nalang suntukin niya ako sa sobrang galit niya.

Inasahan kong gaganti talaga siya sakin, ginantihan ko din siya hindi ako papatalo no! Pero lahat ng ginagawa niya binabalik ko lang sakanya. Katulad nalang nung friday, natulog ako kasi puyat ako sa kaka-review pero paggising ko pinagtatawanan na ako at ng tignan ko ang itsura ko sa salamin nakita kong maraming drawing ang mukha ko!

Ginantihan ko siya. Dahil friday nun may PE class kami. Nakita ko siyang pawis kaya binigyan ko siya towel at ako mismo ang nagpunas sa kanya pero ang totoo may dumi talaga yung towel na yun na kulay itim. Kaya galit na galit talaga siya sakin nun. Haha!

Linggo ngayon at nagpromise ako kahapon kay Chase na aalis kami ngayon at pupunta kaming mall.

Nandito na kami sa mall, nag-commute lang kami kasi ayaw kami ihatid ni Kuya.

Pumunta kami sa lahat ng gusto niya. Hanggang sa mapagod siya at pumunta nalang kami ng Department Store, bibili daw kasi siya ng laruan.

Habang naglalakad kami papuntang Department Store, may nabunggo ako.

"Hala! Kuya! Sorry po. Naku!" Natapunan kasi yung damit niya ng Starbucks na hawak niya dahil sa bungguan namin.

"Fuck!" nagulat ako sa pagmumura niya. Magsasalita sana ako na kung bakit siya nagmumura pero nagsalita siya ulit. "Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinda--" naputol ang sinasabi niya ng magangat siya ng tingin at nakita ang mukha ko. Pati ako nagulat na makita siya dito no!

"IKAW?!" sabay na sabi namin.

"Kuya Theo!" sabi ni Chase.

Oo, si Kupal nga ang kaharap ko ngayon!

"Ikaw nanaman! Pati ba linggo hindi mo ako titigilan?" Singhal ko sakanya.

"Nasa public place ka kaya natural magkikita at magkikita tayo." Sabi niya sakin. "Palitan mo itong Starbucks ko." Sabi niya at iniabot pa sakin ang walang laman na frappe niya.

"Ayoko nga! Manigas ka." pagkasabi ko nun ay nilagpasan ko na siya at hinila si Chase pero hindi pa ako nakakalayo ng may humila ng damit ko mula sa likod.

"Palitan mo to!" sabi niya sakin at inaabot sakin ang frappe niya.

Napabuntong hininga nalang ako at hinila silang dalawa ni Chase papuntang Starbucks.

Nang makarating kami duon ay binilan ko na siya at iniwan. Hinila ko na si Chase papuntang Department Store. Habang namimili si Chase ng laruan may lalaking lumapit kay Chase kaya lumapit agad ako at tinulak ang lalaki.

"Sino ka?!"

"Ouch! Why did you pushed me girl?" tumingin siya sakin.

"Ikaw nanaman? Sinusundan mo ba ako!?" singhal ko kay Kups.

"Nandito ako kasi bumili ako ng damit! Hiyang hiya naman kasi ako sayo e!" tinignan ko ang damit niya bago iyon.

Natapunan nga pala iyon kanina ng kape niya nung nagkabungguan kami.

"Iha, iho hindi maganda ang nagaaway sa labas lalo na sa harap ng anak niyo."sabi nung manang.

Anong sabi niya?

ANAK?!

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now