CHAPTER 15: Stress Saturday

18.6K 762 22
                                    

Pag-pasok ko ay agad akong pumunta sa kwarto pag-tapos batiin sila Mama. Humiga muna ako saglit hanggang sa tawagin ako nila Mama para kumain.

Pagtapos namin kumain, pumunta na agad ako sa kwarto, nagshower muna bago humiga. Tumitig lang ako sa kisame nang maisipan kong mag-phone. Binuksan ko nung messenger ko. At nakita kong may message si Pres pero kanina pang 6:20. Nasa detention pa'ko neto ah! Binuksan ko yung message niya. Nagreply siya sa My Day ko.

Thoedore Madrigal

I can sue for taking a picture of mine without my permission.

Chloe Mae Santos

Sorry late reply. Oh~~ Look who's talking. Pinicturan mo din naman ako. Wag kang pa-victim.

And I hit send.

Hindi pa siya nagrereply hanggang sa dalawin ako ng antok.

------------------

Maaga ako nagising ngayon. Six palang gising na ako. Hindi ko alam pag weekends maaga ako nagigising pero pag may pasok late. Nakakagago lang yung tulog ko.

Naisipan ko nalang mag-jogging. Naabutan kong nagluluto ng agahan si Mama.

"Good Morning Mama!"

"Good Morning Baby! Ang aga mo ata nagising"

"Magjo-jogging ako e. Sige na alis na po ako."

"Magingat ka!"

"OPO!"

Nang makalabas ako ng gate namin nagjogging na ako.

Ah! Ang sarap naman ng umaga ngayon. Nakakawala ng stre--

"Kahit mag-gym ka pa, hindi ka papayat." Napalingon ako sa nagsabi nun.

Hoy! Payat ako ah! Kapal neto! Mataba lang talaga yung pisngi ko!Buong akala ko gaganda yung araw ko, hindi pala! Kung alam ko rin na makikita ko to dito hindi na sana ako nag-jogging.

"Anong kailangan mo Pres ha? Ang aga aga nangbu-bwisit ka!"

"Pres? Wala naman tayo sa school ah."

"Ano gusto mo itawag ko sayo? Tukmol? Ulol? Gago? Pangit? Ano? Pili ka."

"Tsk. Pwede namang Hamburger e." Then he lick his lower lip.

"Grr.. Bwisit!" Naiinis ko siyang tinalikuran at nagjogging ulit. Bwisit na lalaki yun. HAMBURGER NA NAMAN!?

"Wait up!"

"Ano ba?!" Naiinis ko siya hinarap.

"Uhm.." tumikhim muna siya. "Can i ask you?"

"You're already asking." Note my sarcasm.

"Tsk. Uhm" Tumikhim ulit siya. "Pu-pupunta ba si Mr. Suarez sa bahay niyo mamaya?" Napakunot-nuo ako sa tanong niya.

"Bakit mo tinatanong?"

"Just answer it. Damn it!"

"Hindi mo naman kailangan magmura ah! Bahala ka nga diyan!"

"Wait up! Okay?" Humarap ako sakanya. At tinaasan ng kilay.

"Hindi ka man lang magsosorry."

"What?! Why woul--- okay! I-I'm sorry." Napangiti naman ako. Mukhang napipilitan lang siya e. Hindi ko nalang pinansin. Hindi kasi ata siya marunong magsorry, ang taas ng pride. Hmp.

"Hindi ko sure. Pero sabi ni Jacob pupunta siya. " Pagsagot ko sa tanong niya. "Bakit mo pala natanong?"

"Nothing." Sabi niya at mabilis na tumakbo palayo sakin.

"Weird"

---------------------------

Nandito ako sa sala nanonood ng tom & jerry. Boring ako e. Nasa katabi kong upuan si Kuya, nagse-cellphone ngumi-ngiti-ngiti pa. Lumapit ako sakanya ng dahan-dahan at tumingin sa phone niya.

"Baby!?" Sabi ko sabay hablot ng phone at tumakbo.

Hinabol naman ako ni Kuya.

"CHLOE! AKIN NA YAN!" Nahuli ako ni Kuya kaya itinaas ko yung phone niya para hindi niya maabot, habang ako sinisipat yung pangalan nung kachat niya. Kaso nakalimutan ko pandak pala ako, mas matangkad sakin si Kuya kaya nakuha niya.

"Kala mo ang tangkad mo! Pataas-taas kapa ng kamay tsk." Sabi ni Kuya na parang nagaasar.

"Bwisit ka!"

"Same to you, little sis" napapadyak nalang ako sa inis. Pupunta sana ako ng kwarto ko nung biglang nagdoorbell.

*Dingdong*

"Kuya may tao!"

"Kaharap mo na yung pinto tapos ako uutusan mo?"

"Tinatamad ako e"

"Chloe! Isa!"

"Oo na! Eto na! Bubuksan na!"

Binuksan ko yung pinto at pumunta sa gate at bumungad sakin si....

"Jacob?"

"Hi madam!"

"Bat ka nandito?"

"Di ba sabi ko sayo pupunta ako."

"Oo nga pala. Pasok ka." Pinapasok ko siya at pumunta kami ng sala.

"Sino yun Chloe?" Tanong ni Kuya habang nasa phone niya yung tingin niya.

"Si--"

"BRO!" sigaw ni Jacob. Kaya napatingin si Kuya at mukhang nagulat pa!

"Jacob! Kailan ka pa nakauwi bro?" Nag fist bump pa sila.

"Nung nakaraan lang bro. Kumusta?"

"Okay--"

*Dingdong*

Naputol ang sasabihin ni Kuya nang may nagdingdong.

"May kasama ka ba Jacob?" Tanong ko.

"Wala."

"Buksan mo na yun Chloe." Utos ni Kuya.

"Ako nanaman?"

"Chloe! Isa"

"Oo na! Eto na! Letse!"

Pumunta sa ako ng pinto para pagbuksan ang sino mang nagdoorbell. Pagpunta ko sa gate, binuksan ko yun at nakita ang taong nagdodorbell......

"P-pres?"

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon