CHAPTER 37: Huli pero di kulong

12.7K 566 15
                                    

"Huy! Isa pa!" kinukulit ko siya na isa pa. Gusto ko pa!

"Silly! Haha" ginulo niya la ang buhok ko.

"Ms. Santos! Late ka nanaman!" Panira naman tong Dragon na to.

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan!

"Oh? Mr. Madrigal? Late ka din? That's first." Sabi ni Dragon at pinalipatlipat ang tingin sa aming dalawa. "Magkasama kayo?"

"Yes Sir." si Kupal ang sumagot.

"Oh? I see.. See you at the detention room then." Sabi niya at binigyan kami ng one hour detention slip.

Mabuti na yun no! Kaysa tumakbo kami ng twenty rounds sa field.

"Let's go!" sabi niya at hinila na niya ako paapsok sa loob at papunta sa room.

Nagulat ako ng akbayan niya ako. Shit! Andaming tao!

Ito ang unang araw namin na papasok na kami na. Ang alam lang nila nililigawan lang ako ng President namin pero ngayon kami na.

Kinurot ko ang tagiliran niya at pilit na inaalis ang kamay niya sa balikat ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak doon.

"Ano ba? Nakakahiya!"

"Ikinahihiya mo ako?" May tampo sa boses niya. "I'm proud that you're my girlfriend, pero ikaw....."

"Oi! Hindi ah! Proud din naman ako! Nahihiya lang ako kasi madaming tao!" Napayuko ako kasi alam kong namumula ang buong mukha ko ngayon.

"Sige nga, kung proud ka sakin. Kiss mo nga ako ngayon." Ano daw? Nahihiya na nga ako e!

"Nahihi--"

"Kinahihiya mo ta---"

Hindi ko siya pinatapos at hinalikan ko siya. Marimig ko ang pagsinghap at pagbubulungan ng mga taong nakakita sa paghalik ko sa kanya. Smack lang naman. OA naman ng mga to! Buti kung nilapa ko yung bibig niya! Hehe

Bad! Anong lapa?

"Oh ayan! Masaya ka na?" Nakita kong namula ang tainga niya. "Oi! Nagbublush!"

"Hindi nagbublush ang mga lalaki." pakikipagtalo niya.

"Oo tama ka nga naman. Pero sa lahat ng lalaki..... ikaw lang ang nagbublush. Haha" sabi ko sabay takbo. Bahala ka diyan!

Narinig ko pa ang pagtawag niya sakin pero hindi ko siya nilingon.

Hanggang sa makarating ako ng room ay tawa pa din ako ng tawa. Buti wala pa ang teacher namin.

"Ba't ka tumatawa?" Tanong sakin ni Jacob.

"Wala lang naman. Haha!"

"Hoy! Hindi ka nagshe-share ah! Anong nang--" napatigil siya sa pagsasalita ng bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa nun si Kupal.

Madilim ang mukha niyang nakatingin sakin kaya. Napalunok nalang ako. Shet...

"Ano sabi mo?!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong classroom. Hala! Ang ingay niya! Baka mamaya biglang pumasok si Sir. "I'm not gay!" Gumalaw na siya palapit sakin kaya pumunta ako sa likod ni Jacob.

"Wag kang aalis! Sasapakin--"

"Alis!"

Wah! Ba't ka umalis Jacob? Traydor ka!

"Sorry na! Peace na tayo!" Sabi ko at nagpeace sign pa.

"I'm not gay! Want me to prove it?" nagsmirk pa siya sakin at lumapit siya sakin ng biglaan kaya hindi ako nakaatras.

Inch nalang ang pagitan ng labi namin. Pag gumalaw ang isa samin ay magdidigit na ang mga labi namin. Wag dito! Wag dito ple---

Wah! Hinalikan niya na ako.

Shet ang lambot. Isa pa nga!

Bwisit na isip to! Traydor din.

"Now, bakla pa din ba ako?"

"H-hindi na" tinulak ko siya at umupo na.

Naririnig ko ang bulungan ng nga classmate ko. Nalakahiya talaga. Tumingin ako kila Alex at nakita ko ang mapanuksong tingin nila kaya inirapan ko sila.

Hindi pa alam nila Kuya na kami na. Hello? Kahapon ko lang siya sinagot at sabi niya sakin na gusto niya na agad sabihin pero sabi ko wag na muna. Pero sabi niya gusto niya daw mamaya na! Anong gagawin ko? Hindi pa ako eighteen! Papagalitan ako ni Kuya. Lalo na si Papa! Pero di ba, pumayag silang ligawan ako? Ibig sabihin payag silang magka-boyfriend na ako. Ganun ba yun?

Napatigil ako sa pagiisip ng may kumalabit sakin. Si Kupal.

Napakunot noo ako. Bat siya nangangalabit? Humarap ako at dun ko lang napansin na may teacher na pala kami. Sobra na ba akong lutang?

Kinalabit niya ako ulit at may inabot na papel na nakatupi.

Ano nanamang kakornihan to?

Binuklat ko ang papel at napatawa, buti nalang natakpan ko ang bibig ko. Kasi nag-drawing siya ng tinapay plus patty na nagkiss equals...

BURGER!

Adik na ata siya sa kiss.. hayss...

Hanggang sa matapos ang buong araw ng school hindi niya ako tinigilan sa kakornihan niya.

Ngayon naglalakad na kami papunta sa Detention room. Buhat niya ang bag ko, sabi ko ako na pero ayaw niya ibigay!

Pwede kiligin?

Ehehehe...

Siya na ang kumatok at nagbukas ng pinto. Pagpasok namin ay walang tao kaya umupo nalang kami sa sofa.

"Pst." Napalingon ako sakanya ng tawagin sitsitan niya ako.

Ngumuso siya at natawa nalang ako.

"Kiss na naman? Adik ka na sa kiss. Dapat may policy tayo kung ilang kiss lang dapat sa isang araw."

"No way! Ngayon palang hindi ko na inaapprove ang policy na yan."Natawa nalang ako.

"Burger.." napalingon ako ulit sakanya at nakanguso ulit siya.

Kiss ko na ba?

"Baka mahuli tayo." may pagaalinlangang sabi ko.

"Hindi yan. Mabilis lang naman e."

Lumapit ako sakanya at hinalakin siya. Smack lang! Aalis na dapat ako pero hinawakan niya ang batok ko at mas pinalalim ang halik namin.

Nadarang na ako at hinalikan siya pabalik. We kiss passionately. We both savor each others mouth when the door open and someone spoke making us stop kissing each other.

"What is the meaning of this?!"

Huli kami pero di kulong.

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now