CHAPTER 28: Party

14.7K 695 21
                                    

"GO CHLOE!"

"CHLOE FOR THE WIN!"

"GO BLUE EAGLE!"

Ilan lang yan sa mga sigaw ng mga nagchicheer sakin at sa team ko nang mahawakan ko ang bola para magserve.

Kanina pa kumikirot ang kamay ko pero tinitiis ko dahil isang set nalang pasok na kami sa finals.

Dinrible ko muna ang bola bago hinagis at nagspike. Saktong pagkaspike ko ay kumirot ang kamay ko. Akala ko talo na pero nakaabot pa sa kalaban at mas maganda dun hindi nila nasalo. Kaya napahiyaw lahat ng tao kasi pasok na ang team namin sa finals.

Napahiga, namimilipit sa sakit ang kamay ko. Pumunta ang teammates ko para sana batiin ako kaso nakita nila akong nakabaluktod sa sobrang sakit.

"HALA! CHLOE AYOS KA LANG?" nagaalalang tanong sakin ni Alex.

"Yung.. yung kamay ko." Mahinang sagot ko.

Nanghihina ako dahil pakiramdam ko tumitibok ang kamay ko. Hindi ko rin makita kung maga ba iyon dahil nilagyan ko iyon ng tali para sana mapigilan ang kirot kaso nung kalagitnaan na ng game at nagiispike na ako dun lang kumirot.

"GIRLS! NICE GAM-- ANONG NANGYARI?" sigaw ni coach.

"COACH TULONG DALI!"

Naramdaman ko na may brasong nagbuhat sakin hindi magawang makita kung sino iyon dahil kahit mga mata ko ay sobrang pagod sa sobrang kulang ko sa tulog nitong mga nakaraang araw.

Naramdaman ko nalang ang malambot na bagay mula sa likuran ko. Sa tingin ko kama iyon, humugot ako ng lakas para tignan kung sino man ang nagdala sakin dito.

Nagulat ako ng makita ko ang nagaalalang mata ni Kupal. Nakatingin siya sa kamay ko na para bang nagdadalawang isip kung kukunin niya ba iyon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng tumingin siya sakin. Tinago ko ang kamay ko pero hinuli niya iyon. Hindi noya pwede makita iyon.

"Ba't mo nilagay ito? Masama ito sa volleyball player. Ang higpit pa--" hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng makita ang namamaga kong kamay na may sariwang guhit na sugat sa gitna. "What's this?" Napaigik ako ng haplusin niya iyon.

"Aray!"

"Shit! I'm sorry."

Natigilan ako sa sinabi niya. Na-nagsorry siya? Sakin? Akala ko hindi niya alam ang salitang iyon. Dahil pakiramdam ko ay natatapakan ang pagkatao nito pag nagsosorry siya. Ito ang unang beses na narinig ko siyang magsorry lalo na't sa akin!

"A-anong sa-sabi mo?"

"I'm sorry. Anong nangyari dito?" Tumingin siya sakin na may sobrang pagaalala sa mukha habang hawak ang kamay ko.

"Na-nagsorry ka s-sakin?"

"Damn it! Hindi ito ang oras para diyan! Anong nangyari dito?" Napaigtad ako sa sigaw niya.

Nagiwas ako ng tingin dahil ayokong magsalita. Hindi ako magsasalita.

"Hey, Burger. What happened?" malambing niyang tanong.

Burger? Namiss ko iyon. Mahigit dalawang linggo kong hindi narinig iyon mula sa kanya. Oo, inaamin ko. Namiss ko siya.

Napakagat ako ng labi. Sasabihin ko ba? Baka magaway sila ng girlfriend niya e.

"Y-yung girlfriend mo ang may g-gawa niyan. Inipit niya ang kamay ko sa locker." tumingin ako sa kanya para makita ang reaksyon niya. Nagulat ako sa nakita ko.

His eyes buried. It's like, anytime he could kill. He gritted his teeth tightly that making his jaw moved in anger. I don't know if im just assuming these thing but i can see the anger on his whole face. Why?

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now