CHAPTER 20: Enemy tayo!

16.8K 693 32
                                    

"Bati na tayo kako!"

Di ba nadaan niya talaga ako sa puppy eyes niya. Hmp.

Nagulat ako ng bigla niya akong.....

NIYAKAP!

Akmang itutulak ko siya kaso may biglang naghiwalay samin dalawa at dumaan sa gitna namin.

"Too close." Sabi ni....

KUPS!

"Pwede ka naman sa gilid dumaan bakit sa gitna namin?!" Singhal ni Jacob

"Nasa gitna kayo ng kalsada tapos naglalandian kayo. Mahiya naman kayo!" Sabi niya at nagumpisa nang maglakad ulit.

Mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ko sakanya! May kasalan pa siya sakin tapos ngayon sasabihan niya akong nakikipaglandian? Sa daan?!

"Hoy! Ang kapal mo! May ka---" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang takpan ni Jacob ang bibig ko.

"Hayaan na natin siya. Pampa-bad vibes lang siya. Ang ganda nang umaga ko ngayon para sirain niya." Sabi ni Jacob at dahan-dahan binitawan ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.

"Good mood ka?"

"Syempre! Bati na tayo e!"inakbayan niya pa ako."Maaga pa naman.Tara Goto! Libre ko!" Aya niya sakin.

"Libre mo ah! Sabi mo yan!" Sabi ko at ako na ang naghila sakanya papunta sa lagi naming kinakainan na gotohan.

Hindi na'ko tatanggi no! Bukod sa burger, lagi naming kinakain bago kami pumasok ay Goto. Kaso hindi ko na paborito ang burger. Kasi, i love it na!

Nang makarating kami sa gotohan pinili ko yung pinaka-malaking bowl. Minsan lang to no! Kaya kailangan sulitin!

"Ngayon ko nalang kayo nakita ulit magkasama ah!" Sabi ni manang na nagseserve samin. Suki na kasi kami dito. "Buti naka-balik kayo, lagi nalang kasi itong si ineng nalang ang nandito. Mag-isa. Umalis ka ba iho?" Chismosa din itong si manang e no. Joke!

"Talaga? Kumakain pa din siya dito kahit wala ako dito manang?" Si Jacob na may ngiting nakakaasar ng tignan niya ako.

"Aba! Oo iho! Sige na maiwan ko na kayo, marami pang costumer." Sabi ni manang at umalis na.

"Ikaw ah! Ganun mo ba ako kamiss para kumain kapa din dito kahit wala ako?" Nangaasar niya sabi.

"Aasarin mo ako o hindi tayo bati ulit?" Pananakot ko.

"Sabi ko nga titigil na e." Sabi niya at nagsimula nang kumain. Natawa nalang ako at nagsimula na ding kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may umupo sa isang upuan ng table namin. Sabay kaming napatingin ni Jacob at nakita namin si KUPS!

"Nandito ka nanaman? Sinusundan mo ba kami?" Inis na sabi ni Jacob.

"Nah, who are you to stalk at? Are you a celebrity? I'm here because I'm hungry." Sabi niya habang hinihimas himas pa ang tiyan niya.

"Tsk. Bat dito ka pa umupo? Dun ka sa iba! Epal ka dito!" Sinigawan siya ni Jacob.

"Shut up! There's no available seats. So shut up!"

Tinignan ko ang paligid at punuan nga. Tsk. Ang aga-aga tapos ito ang makikita ko! Naiinis pa din ako sakanya pero mamaya ko na siya susuntukin, nasa harap kami nang pagkain.

Nakita kong nakatingin lang siya sakin habang kumakain ako. Hindi paba siya nagoorder?

"Nagorder ka na ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya. Napakunot-nuo ako at nagtanong ulit. "Bat hindi ka pa nagorder?"

Mr. SSG President (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu