CHAPTER 36: Lovers

12.4K 567 25
                                    


*ring*ring

Ah! Ang aga aga e. Sino ba yang tumatawag?

Kinuha ko ang cellphone ko, halos mapatalon ako sa gulat ng makita kung sino ang tumatawag.

•KUPAL MY BABY•

Bwisit! Pinalitan niya nanaman yung pangalan niya! Pero kinikilig ako.

Inayos ko muna ang sarili ko. Buhok, mukha saka damit. Akala mo naman makikita ko siya e tawag lang naman to. Haha

"Hell-"

[Asan ka na?! Kanina pa-]

"BAT KA SUMISIGAW?!"

[Okay. Sorry burger, where are you? Kanina pa ako dito sa labas e.] malambing niyang sabi. Napangiti nalang ako.

Under talaga. Haha

Huh? Kanina pa siya? Saan?

"Kanina pa? Saan?"

[Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Malalate na tayo]

Hala! Monday pala ngayon!

Hindi na ako nagpaalam sa kanya at binaba na ang tawag. Agad akong pumunta ng CR. Five minutes lang ako naligo. Bahala na anong ginawa ko sa loob ng five minutes at least naligo!

Nagbihis na ako. Hindi ko pa naayos ang necktie ko dahil sa sobrang pagmamadali. Bumababa na ako na ako at nagpaalam kila Mama bago kumuha ng tinapay at lumabas.

"Bakit ang tagal mo?" bungad niya sakin.

"Bakit hindi ka kasi pumasok?"

"Tsk." Sabi niya at kinuha ang bag ko. Napansin niya ata ang itsura ko kaya pinagmasdan niya ako. "Naligo ka ba?"

"Oo naman! Bwisit na tanong yan!" tinawanan niya lang ako at siya ang  nag-ayos ng necktie ko pati na rin ang uniform ko. Saka niya ako hinila para maglakad.

"Oh? Akala ko ba late na tayo? Asan ang kotse mo?" tanong ko habang kinakain ang tinpay ko.

"Uhm.. hindi ko dinala" umiwas siya ng tingin sakin kaya napakunot ako ng nuo.

"Huh? Bakit nga? Mas mapapabilis tayo kung dala mo yun."

"Kasi.. kasi.." parang hirap na hirap na sabi niya.

"Kasi?"

"Gusto ko maranasan yung... yung HHWW sayo." Mas lalo niyang tinago ang mukha niya pero nakita kong namula ang tainga niya.

Natawa nalang ako sa kakornihan niya.

"Nagbublush ka! Haha!"

"Tsk." sabi niya at iniwan ako.

"Oi! Saglit lang haha!"

Pigil na pigil ko ang tawa ko baka magalit nanaman siya. Bwisit haha! Mang makalabas kami ng subdivision sumakay na kami ng jeep. Mukhang hindi ata marunong sumakay tong Kupal na to.

"Bayad mo?" Sabi ko sabay lahad ng kamay. Inaasar ko lang talaga siya, ako naman magbabayad.

Nakita kong naglabas siya ng isang libo sa pitaka niya kaya agad akong nagsalita.

"Ano yan?" Bwisit, sabi na e. Hindi talaga narunong to.

"Bayad?" Note his sarcasm.

"Tsk. Hindi na. Ako na!" Magsasalita pa sana siya kaso nakabayad na ako.

"Bakit ikaw ang nagbayad?"

"Baka ilabas mo yang isang libo mo. Maholdup ka loko."

"Why?"

"Ih! Bahala ka diyan! Problema niyong mga mayayaman hayss.."

May pera rin naman kami ah! Pero alam ko tong mga ganitong bagay, kasi tinuruan ako ni Mama.

"You didn't comb your hair?" Bigla niyang tanong at hinamplos ang buhok ko.

"Hindi pa. Wait magsusuklay na ako may dala naman ako e." Sabi ko at kinuha ang suklay ko sa bag. Magsusuklay sana ako kaso kinuha niya.

"Ako na."

Pwede kiligin? Hihi

"You're blushing." Tukso niya sakin.

"Tsk." Tinawanan niya lang ako.

Hanggang mabababa kami ng jeep tawa pa rin siya ng tawa.

"Isa. Tumigil ka na nga!" Tumigil naman siya pero nagpipigil siya kaya napairap ako. "Bilisan mo na late na tayo!"

Imbis na bilisan mas lalo pa siyang nagbagal lumakad. Anong problema nito?

"Huy! Bilisan mo! Nagbibilang na yung dragon!"

"Dragon?"

Paktay!

"Ha? Dragon? Ano yun?"

"You said--"

"Tara na!" Sabi ko at hinila siya. Nadulas ako kay dragon e. Haha!

"60! Sarado na yan!"

Hindi na kami nakaabot! Hinarap ko siya sa inis! Siguradong madedetention kami mamaya neto!

"Wala na! Hindi na tayo nakaabot. Ang bagal mo kasi e. SSG President ka pero late ka! Ano nalang---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng halikan niya ako.

HINALIKAN NIYA AKO!

"So loud! Dapat lagi kang hinahalikan para nanahimik ka." he said then he smirked at me when he saw that im stunned.

"H-hinalikan mo a-ako?" gulat na tanong ko.

"Yeah. Why? You're my girlfriend. What's wro--" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Isa pa nga" at ngumuso pa pero tinawanan niya lang ako.

Ay! Ang lande ko naman.

ISA LANG NAMAN E!

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now