CHAPTER 33: Suitors

13.6K 581 56
                                    

"Uhm.. Jacob." Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon sa sobrang hina ng boses ko.

Kinakabahan ako. Paano ko ba sasabihin to? Pano ko sasabihin na pati si Kupal nanliligaw na sakin?

"Tawag mo ako Madam?" tanong niya.

Gusto ko ng sabihin pero parang unuurong ang dila ko.

"Ahm. J-jacob, ano kasi... ano.. ahm.."

"Huy, Madam! Ayos ka lang?"

"Oo naman. M-may sasabihin l-lang ako." ito na! Ito na talaga!

Napahinto siya sa pagbubukas ng kotse at humarap sa akin.

"Ano yun?"

"Ahm. Jacob kasi--"

"Burger!"

Nanlaki ang mata ko ng tawagin niya ako. Sasabihin ko pa nga lang e. Bigyan niyo lang ako ng oras!

"Burger? Bat mo tinatawag na Burger ulit si Madam? Hindi kayo bati!" sabi ni Jacob na masama ang tingin kay Kupal.

Hindi siya pinansin ni kupal kasi nasa akin lang ang mata niya.

"I'll drive you home. Let's go!" hihilain niya na dapat ako ng hinarang ni Jacob ang katawan niya.

"Anong drive home? Ako ang maghahatid kay madam! Alis nga diyan! Ako ang manliligaw kaya ako ang maghahatid." hinila na ako ni Jacob kaso hinila ako pabalik ni Kupal sa pamamagutan ng paghila sa kabila kong kamay.

Ene be te? Pinagaagawan niyo ba ako?

Ay! Malandi!

"I'm her suitor too." sabi ni Kupal na nakapagpalaki sa mata ko.

Ano daw? Ako dapat magsasabi no'n di ba? Bakit siya? Bakit?!

"A-nong s-sabi m--"

"I'm her suitor too. Kaya wag mo siyang angkinin." Magaaway ba sila?

"Opps!" Pigil ko baka magaway sila. Hindi ako ready! "Ahm. Hindi naman kasi ako nadetention ngayon. Baka nandiyan pa sila Kuya, sakanila nalang ako sasabay." pagkasabi ko nun ay inagaw ko na ang kamay ko sakanila at tumakbo na.

Pagnag-away sila. Labas na ako dun. Hindi ko kasalanan yun!

--------------

"Eat."

"Kainin mo ito."

Sabay nilang sabi kaya napatingin ako sakanilang dalawa. Seriously? Ginagago ba nila ako?

"Eto ang kakainin mo madam." sabi ni Jacob na binigyan ako ng spaghetti.

"No. Eat this" sabi ni kupal at hinila palayo ang spaghetti na binigay sakin ni Jacob at nilagay ang...

BURGER?

"Burger? Seriously?" hindi siya sumagot, nginisihan niya lang ako. Napairap nalang ako.

Manliligaw siya niyan? Bastedin ko kaya siya! Tsk.

"Kakainin ko nalang tong dalawa." Kahit busog pa ako pinilit kong ubusin ang spaghetti at burger na binigay nila sakin.

Nang matapos ang kinakain ko bumalik na ako sa room. Kami lang tatlo ang sabay na nagrecess. Kasi si Alex kasabay si Kuya, si Yumi naman pumunta lang ng library.

Pagpasok namin dumating na rin mayamaya nun ang teacher kaya nanahimik na kami.

Hanggang maglunch ay ginugulo pa din nila ako kaya napilitan akong kainin ang bingay nilang dalawa.

"Tataba ako nito e!" reklamo ko kay Alex at Yumi.

"Ginusto mo yan di ba? Panindigan mo!" Sigaw ni Yumi sakin.

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now