CHAPTER 27: Intramurals

14.1K 629 15
                                    

Agad akong nakabawi mula sa pagkakasampal niya at sinampal siya pabalik.

"Ang kapal ng mukha mong isampal yang kamay mo sa mukha ko. Sarili ko ngang nanay hindi ako sinampal. Ikaw pa!?"

"How dare you slapped me! That's what you've get for trying to steal my boyfriend! Layuan mo ang boyfriend ko malandi ka!"

"Sino ba ang boyfriend mo ha!? Konti na lang puputok na yang butchi mo e!"

"My boyfriend named Theodore Madrigal..."

Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil naka-focus ako sa pangalang binanggit niya.

Theodore Madrigal? Si Kupal?

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot, namalayan ko nalang naglalakad nako at nilampasan siya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero wala akong paki sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nababaliw na ata ako.

"Madam!"

May girlfriend na pala siya pero lapit siya ng lapit sakin.

"Madam!"

Lalayuan ko na siya! Bwisit siya!

"Huy Chloe!"

Baka hindi lang sampal ang abutin ko sa Georgia na iyon!

"MADAM!"

Natauhan ako sa sumigaw kaya tinignan ko iyon, si Jacob pala.

"Ano ba?! Ba't ka ba sumisigaw?! Ang sakit mo sa tainga!"reklamo ko sakanya.

"Kanina kapa kasi tintawag ng coach niyo. Kanina pa rin kita tintawag pero hindi mo ako pinapansin! Ano bang iniisip mo?" sabi niya at umupo sa tabi ko. Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa field.

"Balik na ako sa laro!" Iniwan ko na siya para iwasan ang tanong niya baka kung ano-ano ang maisagot ko sa kanya.

Bumalik na ako sa laro. Hanggang maguwian nasa laro lang ako at ngayon nandito na ako sa bahay. Dahil siguro sa pagod nakatulog ako kaagad.

--------
Nandito pa rin ako sa practice ngayon. Pagkapasok na pagkapasok ko kasi kanina pinatawag na lahat ng player kasi two weeks nalang Intramurals na.

Hindi pa ako kumakain. Last na kain ko, kanina pang breakfast. Hindi ako nagrecess at naglunch buti nalang dinalhan ako ni Jacob ng pagkain pero hindi ko pa rin nakakain kasi laro lang ako ng laro. Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa laro dahil hindi ako pwede agad mapagod.

Pinilit lang ako ni coach na kumain na kasi kanina niya napapansin na hindi ako tumitigil kakalaro baka daw magkasakit ako at hindi pa makapaglaro kaya sinunod ko siya.

Kinain ko yung dala ni Jacob at nung maubos ko tumayo ako para pumunta mg locker magpapalit ako ng damit kasi pawis na pawis na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng damit ko sa locker ng may tumabi sa akin kaya napatingin ako. Agad ko rin iniwas ang tingin ko ng makitang si Kupal yun. Ngayon ko lang siya nakita kasi simula kaninang umaga nasa field na ako.

Nang makuha ko ang damit ko pabagsak kong isinara ang pinto ng locker ko at nilagpasan siya, naglakad na ako kaso hinabol niya ako.

"Hey, why are you ignoring me?"

Hindi ko siya pinansin sa halip mas binilisan ko pa ang lakad ko papuntang CR.

"Where are you going?" Sa inis ko hinarap ko siya.

"Sa CR! Sama ka?"

"Sure!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya nahampas ko siya at wala sa sariling tinakpan ko ang dibdib ko ng dalawang kamay ko.

"MANYAK!" pagkasigaw ko nun ay tumakbo ako palayo sakanya.

Ang manyak ng gagong yun ah!

--------------

Tatlong araw ma simula nung sinabihan ko ng manyak si Kupal. Akala ko titigil na siya pero hindi pa pala.

"Hey, are you listening to me?" kanina pa siya kwento ng kwento tungkol sa nangyari sa room kanina.

Wala kasi ako sa room buong araw nasa field lang ako excused naman kaming mga players kaya okay kang at ito, kanina pa kwento ng kwento sa nangyari kanina akala niya may paki ako.

"Hey--"

"Pwede ba. Kailan mo ba ako lalayuan!? May girlfriend ka na di ba?Ba't di mo pagtuunan ng pansin yung girlfriend mong kulang sa pansin? Kapag hindi mo pa ako tinigilan baka hindi lang sampal ang aabutin ko doon. Kaya layuan mo na ako!" singhal ko sakanya.

"Wha---"

"LETSE!"

Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako paalis sa harap niya at iniwan siyang tulala. Ayan, nasabi ko na. Sana tigilan niya na ako. Ayoko ng gulo!

---------
Nandito ako ngayon sa locker ko at kumukuha ng damit. Isasara ko na sana ang pinto ng locker ng may tumulak doon pasara at nasama ang kamay ko kay naipit ang kamay ko at napadaing sa sobrang sakit.

"Ah!"

"Sorry, i didn't know" sabi niya pero hindi man lang niya inalis ang pagkakahawak sa pinto para makawala ang kamay ko sa halip ay mas diniinan niya pa kaya mas lalo pang naipit ang kamay ko.

"Aray! L-let go!"

"I told you, didn't i? What did you do? I told you stay away from my boyfriend but you didn't! You stubborn!"singhal niya sakin.

Nagipon ako ng lakas para itulak ang pinto. Nang matulak ko iyon nakita ko pa siyang napaupo sa lakas ng tulak ko pero wala roon ang pansin ko. Nasa kamay ko na sobrang pula ma may marka pa!

Agad kong isinara ang locker ko at tumakbo papuntang clinic.

"Ano ba ang nagyari dito? Sobrang namamaga. Pag hindi ito gumaling baka hindi ka makapaglaro." sabi nung nurse na ginagamot ang naipit kong kamay.

"Naipit lang po. Kaya ko naman po. Araw lang yan, gagaling na."

"I'm a nurse, i know what's worst and what is not, at para sa kamay mong naipit, malala ito." Diniinan niya pa ang pagkakasabi ng word ma 'naipit' para ang dating ay hindi siya naniniwalang naipit lang talaga iyon.

Nang matapos niya akong gamutin hindi niya na ako pinapunta ng field ulit para maglaro. Pinadiretso niya ako ng room para makapag-pahinga ang kamay ko.

Buong araw na akong nasa room at wala akong katabi. Kanina nandito si Kupal kaso umalis siya nung tinawag siya ng ibang SSG Officers. Kahit nandito pa siya kanina hindi niya pa din kami nagpapansinan. Mas okay na yun. May girlfriend na siya e.

Hanggang sa makauwi ako ay hindi ko na siya nakita. Humiga agad ako sa kama at tumitig sa kisame hanggang sa dapuan ako ng antok.

-------------

This is it!

Ito na ang araw na yun. Intrams na. Lahat kami kinakabahan na lalo na ako. Dahil hindi pa gano'n kagaling ang kamay ko. Pero napagaralan ko na pano ko itatama sa kamay ko ang bola para hindi sumakit.

Nagwawarm up kami ngayon. Habang nagwawarm up kami inilibot ko ang paningin ko at nahagilap ng mata ko si Kupal.

Busy siya kakaasikaso ng kakainin ng mga players. Para pag nagutom o nauhaw ang players kukuha o bibigyan nalang sila.

Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan. Ako busy sa practice siya naman busy sa pagoorganize ng mga kailangan sa intrams.

"Players! Ten minutes!" sigaw nung coach namin.

Naputol ako sa pagiisip at pinagpatuloy ang pagwawarm up. Maingay dito sa loob ng gymnasium dahil sa sobrang dami ng tao. Kahit ata ibang school ay nandito na. Inaabangan kasi nila ang volleyball at basketball na laro.

"GALINGAN MO CHLOE! MAGPA-PARTY AKO KAPAG IKAW ANG MVP! KAHIT NA HINDI IKAW! PANALUNIN MO LANG ANG TEAM NATIN!". sigaw sakin ni Alex.

Eto na yun!

Let's get it on.

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now