CHAPTER 53: Gift

11.8K 524 40
                                    

Bumitiw ako sa yakap namin. Lasing na ako at wala na ako sa tamang pagiisip.

"My lawyer? Isa lang ang lawyer ko. Yung gagong ex ko. Gago siya! Ipinagpalit daw ba naman ako. Napakalaking niyang gago!" humagulhol ako ulit.

"Yeah, you're right. Gago siya, pero ginawa niya lang ang kagaguhan na iyon kasi mahal ka niya." natawa ako sa sinabi ng kasama ko ngayon.

"Mahal? Hindi din. Mahal niya yung haliparot na yun. Alam mo ba? Tinanong ko siya kung mahal niya ba yung haliparot na yun. Alam mo yung sagot?" tumawa ako ng mapait bago ginaya kung paano ang boses at paraan ng pagkakasabi ng lalaking yun "Oo. Yun ang sagot niya. Hindi man lang siya nagabalang magsinungaling. Hello? Ako to, ex niya!"

"Pero may boyfriend ka na." natigilan ako sa sinabi niya.

"Yeah. Meron na. Si Matt, ang swerte ko sakanya kasi lagi niya akong iniintindi. Lagi niyang pinaparamdam na mahal niya ako, pero alam ko sa sarili ko na hindi. Hindi ko siya mamahalin kasi isa lang naman yung taong mahal ko e!"

"Who?"

Tumingin ako sakanya. Medyo malabo pa dahil sa mga luha na namuo sa mata ko pero nang makita ko siya ng tuluyan ay nanlaki ang mata ko.

Theodore?

"A-anong ginagawa mo dito?"

"I'm your lawyer"

"Kanina mo pa sinasabi yan! Hindi ko alam kung bakit mo ba ginagawa ito. Pero sabi ko sayo. Okay lang. Wag mo na gawin to! Dapat nga yung fiancé mo ang pinagtatanggol mo hindi ako. Okay lang ako. Magiging okay din ako...."

Oo tama.. magiging okay din ako...

"Naniniwala ako na wala kang kasalanan." napaiyak ako at napatingin sakanya.

Naniniwala siya sa akin?

"Pero tingin ng lahat ako ang may kasalanan. Wala naman akong ginagawa. Dinidiin nila ako para makulong. Dinidiin nila ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa. Nakita ng lahat kung paano ko alagaan ng isang buwan si Mr. David, kasi pasyente ko siya. Pero dahil lang nawala siya ako na ang sinisisi. Hindi nila nakikita yung paghihirap ko ng isang buwan para lang mabuhay ang taong yun!" tinakpan ko ang buong mukha ko at doon umiyak. "Makukulong ako. Alam ko yun! Hindi mo na kailangan iligtas yung taong tulad ko. Hindi mo dapat iligtas ang mamamatay tao na tulad ko. Lalabagin mo ang batas. Labag sa batas ang gagawin mo! Mamamatay tao ako! I'm murderer! Pumatay ak--"

"Don't say that! You are not a murderer. Kung gigiitin ka man nila handa kong isakripisyo ang trabaho ko para saiyo. Gagawa ako ng paraan para hindi ka makulong. I will pull some strings if i need it!" Tumigil siya panandalian sa pagsasalita bago nagsalita muli.

"Whatever the law is. I wouldn't obey it. Because, I only have one law. You. You are my only law. Of all the laws, you are my highest law."

Sinabi niya ulit yun. Sinabi niya na sakin dati yun.

"You're confusing me. Sinabi mo na yan sakin dati! May fiancé ka na.Siya dapat ang batas m--"

"Shh. Burger, Ikaw lang. Ikaw lang ang batas ko."

Burger?

Tinawag ulit akong Burger?

Bumaba ito at iniwan akong nakatulala. Natauhan nalang ako at nalaman kong buhat-buhat niya na pala ako papunta sa kung saan. Hindi na akong pumalag dahil nahihilo na din ako. Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko.

"Sle--"

Napatigil siya sa pagsasalita ng hilahin ko ang leeg niya at hinalikan ko siya. Wala na ako sa tamang pagiisip at ang nais ko lang ngayong oras na ito ay maramdaman siya.

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now