CHAPTER 54: Help

11.5K 481 4
                                    

Simula ng malaman kong may laman ang sinapupunan ko ay naging mas maingat na ako. Bumili ako lahat kailangan ko para maging malusog ang baby ko.

"Wah! I can't wait! OMG! Two babies!" parang tanga na sabi ni Alex habang hinahawakan ang tiyan naming dalawa ni Yumi.

Oo buntis ai Yumi at kabuwanan niya na ngayon. Dapat nga ay nagpapahinga siya dahil malapit na lumabas ang bata pero ayaw paawat ni gaga. Natutuwa ako dahil sila ni Jacob ang nagkatuluyan. Mukhang masaya sila sa isa't-isa na hiniling ko na sana ako rin.

"Umayos ka nga Alex! Umiinit ulo ko sayo!" Sita ni Yumi.

"Tsk. Por que buntis ganyan na! Naku! Pasalamat ka at buntis ka kung hindi kanina pa kita najombag! Dito na nga lang ako kay Chloe!" natawa na lang ako sa pinagsasabi ni Alex.

"Bakit hindi pa kasi kayo mag-anak ni Kuya? Halatang gustong gusto mo na e."

"Naku, sinabi mo pa! Gustong gusto ko na magka-jonakis no Pero iyang Kuya mo, baog ata yan! Taena na yan! Ang hina ng sperm, hindi makabuo. Sira na hymen ko wala pa din." natawa ako sa kabastusan ng bibig ni Alex. Minsan talaga walang preno ang bibig niya kahit nasa public place kami.

"Prenuhan mo nga yang bibig mo!"

"Tse! Akala mo ikaw, babae! Napakalandi mo. Wala pa kayong taon ni Matt ay nakipag-chugchugan ka. Iba ka din!" muntik ko na suntukin ang bibig niya sa sobrang walang preno pero natigilan ako ng sabihin niyang si Matt ang ama kahit alam kong hindi naman.

Sasabihin ko ba?

Balak ko na sanang sabihin ang totoo ng biglang sumigaw si Yumi.

"Hoy! Hindi ka nagsasabi na kinasuhan ka pala ng punyetang haliparot na iyon. Bakit hindi ka nagsasabi ha? Bakit sinarili mo iyang problema mo?!" Ayan sumisigaw siya, buntis nga kasi.

"Ayoko lang na abalahin kayo.."

"Hindi ka naman abala! Gagang to! Kutusan kita diyan e! Namumuro ka na ha. Kung makaasta ka parang hindi mo kami kaibigan. Gaga to!" sabi ni Alex.

"Hoy, wala akong sinasabing hindi ko kayo kaibigan ah. May sari-sarili din kasi kayong problema. Ayoko na maikidagdag."

"Aww.. gago!" sabay nilang sabi.

"Ingay niyo. Irita niyo ako!" sigaw ko.

Nanahimik na silang dalawa kaya naisip ko ulit sabihin sa kanila ang tatay ng anak ko.

"Hindi si Matt ang tatay."

Nabitin sa pagsubo ng cake si Alex na nakanganga at handang isubo ang cake at si Yumi naman ay nabilaukan sa avocado shake na iniinom niya. Sabay silang napatingin sa akin at sabay din nagtanong.

"A-ano s-abi mo?" huminga ako ng malalim bago ulitin ang sinabi ko.

"Hindi si Matt ang tatay."

Mas lalo silang nagulat. Unang nakabawi si Alex at hinampas ako.

"Hoy, gago ka!Kanino ka nagpabuntis? Tanginang to! Sino tatay niyan? Alam ba ni Matt? Naku, anong kagagahan ang ginawa mo?!"

"Hin--"

"Hoy, sino ang tatay niyan?! Magsabi ka Chloe Mae Santos! Taena mo. Malandi kang gaga ka!" sigaw sakin ni Yumi.

Ganyan ba talaga pagbuntis? High-blood na high-blood.

"S-si.."

"Si?" sabay nilang sabi.

"Si Theodore."

"Si Theodore la--" napatigil sa pagsasalita si Alex ng marealize niya yung pangalan na binanggit ko at malalaking mata na tumingin sa gawi ko. "Gaga ka! Theodore Madrigal ba?H'wag ka magbiro! Sira-ulo ka talaga! Sino nga? Seryoso."

Mr. SSG President (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz