CHAPTER 58: Engaged

15.5K 625 45
                                    

Bumitiw ako sa yakap namin nang may maalala ako. Paano ko nagawang kalimutan ang bagay na ito?

Napahawak ako sa tiyan ko.

"A-ang baby ko? A-ayos lang naman siya di ba? Sabihin mo.. ayos lang siya di ba?" Nakikiusap kong ani.

"Oo ayos lang ang bata." may lungkot na bahid ang boses nito.

"Salamat naman.."

"Congratulations pala... sa inyo ni Matt." nang tignan ko siya ay nakangiti ito pero pilit.

Anong sabi niya? Samin ni Matt?

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Magkakaron na kayo ng anak ni Matt. I'm so happy for you." gusto kong natawa dahil sa mga sinasabi niya. Inaakala niya ba nasi Matt ang tatay?

"Seriously? Si Matt?"

"Bakit? Sin--"

"Tsk. Wala naman nangyari sa amin ni Matt. Sa isang lalaki lang ang magpapahawak. Hindi ako ganoong babae no!"

"A-ako? Ako t-talaga? P-paano? Ka--"

"Ayaw mo ba? Hindi naman kita pipilitin. Kaya ko naman buhayin ang anak ko. H'wag ka mag---"

"What are you saying? Gusto ko! God! I'm now a father! I should call mom! The wed--" napatigil ito sa pagsasalita kaya hindi ko alam ang susunod niyang sasabihin.

"Wed what?"

"Nothing. I promise, i will take care of you and to our baby."

Our baby

Sarap sa ears..

"Our baby..." napangiti siya.

"Burger... i love you." ngumiti lang ako at hindi sumagot.

I love you too

Pero ko muna sasabihin sa iyo. Bleh!

-----------------

Isang linggo na simula nang lumabas ako sa ospital. Dito ako tumuloy sa bahay namin kasi nagaalala sila Kuya sa lagay ko kung sa condo ko ako tutuloy.

"Burger, nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?" kanina pa tanong ng tanong si Kupal kung anong gusto kong kainin e hindi pa naman ako nagugutom.

"Hamburger nalang nga." sabi ko at humiga sa kama ko.

Nagulat ako ng punaibabaw siya sakin at nilapit ang mukha sakin.

"H-hoy! Anong g-ginagawa mo? A-alis nga!" pilit ko siyang tinutulak pero ang lakas niya talaga.

"Sabi mo gusto mo ng hamburger." Painosente nitong tanong.

"Oo nga. Anong ginagawa mo? Hindi naman ito burger e!"

"For me, hamburger means kiss. Kasi dahil sa hamburger nakuha ko ang first kiss mo kaya kapag humingi ka ng hamburger, kiss ang ibibigay ko sayo." Pagkasabi niya nun ay naramdaman ko na malambot niyang labi sa labi ko.

We kissed passionately until the door opened.

"Pandak, ano--TAENA NAMAN!" Agad kong naitulak si Kupal.

"ANO BA YAN KUYA? BAKIT HINDI KA KUMAKTOK?!"singhal ko sakanya.

"KASALANAN NIYO YAN! HINDI KAYO NAGLO-LOCK NG PINTO! Masyadong malandi!" Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.

Maka malandi kala mo talaga! Baog kasi!

Bati na sila Kuya at Kupal dahil kinwento na ni Kupal ang lahat-lahat. Kaya ngayon ay pwede na siyang pumunta dito sa bahay ng hindi nabubugbog.

"Burger..." napatingin ako sakanya ng tawagin niya ako.

"Hmm?"

"Can... can i court you? Again?"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ayoko."

"Why? Ayaw mo ba sa akin? Si Matt na ba--"

"Masyado na tayong matanda sa ligaw ligaw na yan. May anak na nga tayo tapos liligawan mo pa ako."

"Anong ibig mong sabihin?" I walk closer to him and sit on his lap.

"Kupal.. i love you.."pagsabi ko nun ay hinalikan ko siya.

Hindi niya na kailangan ng oo ko dahil sa halik na iyon. Alam niya na ang sagot ko...

--------------

"Saan mo ba ako dadalhin?"tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Nakapiring ako at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Inaalalayan niya lang ako sa kung saan. Nang ihinto niya ako ay akmang tatanggalin ko na ang piring ng pigilan niya ako.

"Don't. Hintayin mong sabihin ko."

Naghintay ako ng ilang minuto.

"Remove it now."

Tinanggal ko ang piring ko at tinignan ang paligid medyo malabo pa pero ng luminaw na ay gusto maiyak. Eto ang lugar kung saan ko siya sinagot noong highschool kami. Nandito yung mga kabayo na pinaglagyan niya ng letters pero nakatalikod ang mga ito.

Tumingin ako sakanya at nakitang ang masaya nitong ngiti.

"Ano to--"

"Let me talk first Burger. Baka kasi mamaya wala na ang lakas ng loob ko." huminga ito ng malalim bago kinuha ang kamay ko. "Burger.. natatandaan mo ba ang lugar na ito? Ito ang lugar kung saan mo ako sinagot. Alam mo bang sobrang saya ko ng araw na iyon dahil akala kong hindi na mangyayari ang lahat ng iyon. Torpe ako! Napaka torpe ko. Pero masisisi mo ba ako? Takot ako na ma-reject lalo na alam ko na ka-away ang tingin mo sa akin noon. Ayoko naman talagang maging abogado pero dahil sayo ginawa ko. Alam mo kung bakit? Nakakatawa yung rason ko pero iyon ang totoo. You're a troublemaker, lagi kang nasa detention room, masyado kang maingay, ang liit-liit mo pero ang ingay-ingay mo kaya ang daming naiinis sayo. Kulang nalang ay idemanda ka nila. Kaya abogado ang kunuha ko kasi ipagtatanggol kita, ako ang sasalo sayo. Because as I've said you are my Highest Law. Ikaw ang batas ko. Lahat ng ipagawa mo susundin ko pero may isa kang hiniling noon na hindi ko sinunod kahit alam mong ginawa ko iyon. Iyon ay ang iwan ka. I will never leave you Burger... You're always in my heart, that'll will never change. Noong araw na hiniling mong iwan kita, umalis ako pero iniwan ko sayo ang puso ko. Lagi akong nasa malayo nakatingin sayo kasi kahit iyon lang magawa ko para sa taong mahal ko. Ang mabantayan siya. Pero kung sa pagkakataon na ito ay hihilingin mo na iwan kita ulit. Sorry to say my Burger.. i will never ever do it again."umiyak ako sa sinabi niya.

Sobra ko siyang nasaktan... Hindi ko alam..

"Shh.. don't cry my Burger. Chloe Mae Santos, will you let me change your surname and replace it as mine?" Napasinghap ako sa sinabi niya. Mas nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko. "Burger.. it's been a years but still. It's you, my one and only burger. The one who can make me laugh. The one who can make me smile and the one who can make me sad. I don't see myself spending my last breath to other woman. I only see one woman and that's you. My Burger. My one and only Burger."

Nagulat ako ng biglang umikot ang mga kabayo at may letra nanamang nakasabit sa mga leeg nito. Binasa ko iyon...

"Will you marry..."

Tumayo ang lalaking nasa harap ko at ipinakita ang damit niya ME.

"Me?" pagkasabi nun ay may kinuha ito sa likod ng bulsa bago lumuhod ulit.

Nang buksan niya ang box na amhawak niya ay nakita ko ang isang singsing na mas mahal pa ata sa buhay ko.

"My Burger. Do you want to spend your last breath with me? Kasi kung ako ang tatanungin, oo handa ako. Ikaw nalang ang kulang. Burger.... Will you marry me?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay hinila  siya patayo at doon hinalikan.

Sa pamamagitan niyon ay nalaman niya ulit ang sagot ko.

YES!


----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now