CHAPTER 8: Picture

20.7K 830 22
                                    

090667*****

'Miss me, madam?'

Madam?

Isa lang naman ang tumatawag sakin ng MADAM e.

Si Jacob.

Ang Boy Best friend ko.

Natauhan ako mula sa pagkakagulat ko ng biglang nagring yung phone ko. At mula iyon sa unknown number na nagtext sakin kanina.

I know its him so I picked it up.

[Hello madam! Miss mo na ako no?]

"Jacob? Saan ka ba nagpunta? Dalawang buwan na din kita hindi nakikita ah! Hindi ka din dito sa school nag-aaral! At mas malala pa dun hindi ka na nga nagpaalam tapos dalawang buwan pa ang lilipas bago moko kumustahin? Hmp." Nagtatampo kong binabaan siya ng tawag. Naiinis ako sakanya! Matapos niya akong pag-alalahanin ng dalawang buwan. Ngayon tatawag siya at aaktong parang hindi niya ako iniwan!

Maglalakad na sana ako ulit ng biglang.....

*Kring*Kring

Naiinis ko sinagot ang tawag.

"Ano ba---"

[Hays na'ko madam! Wag ka naman ganyan umakto baka mamaya isipin ko na gusto mo'ko sige ka!]

"Letse ka----"

[Opps! Wordings Madam!]

Hmp. Nakakainis! Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kausap siya.

"Bakit ba? Para ipaalala ko sayo, dalawang buwan ka nawala at hindi man lang nagpaalam sakin---este samin nila Alex. Tapos kung umakto ka ngayon parang wala kang iniwan dito. Manigas kang hinayupak ka! Anong pake mo sa wordings ko. Wala na yung usapan natin! Galit ako sayo. Hmp. Kahit murahin kita ng sandamakmak na mura, hindi kita babayaran ng twenty pesos. Dahil wala na yung uspan natin! You left, remember?"

[ Hay naku naman madam ang dami mong dama. Bat di mo nalang sabihin na miss mo ako edi mas naintindihan kita.]

"OO NA MISS NA KITA! ANO MASAYA KANA?!"

Ayan tuloy nadulas ako! Letse talaga tong bibig na'to. Pasmado. Tsk.

[Ay! Madam naman e, masyado mo akong pinapaki---]

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Pinatay ko na agad yung tawag dahil sa hiya na naramdaman ko.

Nang tignan ko ang paligid halos lahat ng tao sa hallway nakatingin sakin. Letse! Ano nanamang katangahan ang ginawa ko?!

Binilisan ko nalang yung lakad ko para makarating na ako agad sa room. Malapit na ako sa room ng magvibrate ang phone ko. Kaya tinignan ko. Messege from Jacob.

090667*****

'Hey madam! Sorry na! Let me explain. SORRY TALAGA! I'll tell you everything. Promise. I have my reason naman. So don't be mad at me. I'm so sorry madam!"

Hindi ko siya nireplyan kasi. Kasi galit padin ako sakanya. GALIT hindi TAMPO. Nakakainis kasi e. Aalis nalang siya bigla bigla. Tapos babalik siya na parang walang nangyari!

Pagpasok ko ng room ay siyang pagpasok ng teacher namin.

*Discuss*
*Discuss*
*Discuss*

Discuss lang sila ng discuss hindi naman ako nakikinig. Hindi ako makapag-focus.

*Kring*Kring

'UWIAN NA!'

Dali-dali akong lumabas ng room kasi susunduin ko pa si Chase. Hindi na nga ako nakapag-paalam pa kila Yumi. Takbo-lakad ang ginawa ko para mabilis na nakapunta sa Building nila Chase. At nakita ko siya sa tapat ng room nila habang nakaupo sa trolley bag niya na para bang may hinihintay. Dahan-dahan ako lumapit sakanya. Para na rin gulatin siya.

"RWAR!" At kinagat siya ng konti sa balikat niya.

Pero ako ata ang nagulat kasi wala man lang siyang reaksyon nung ginulat ko siya. Pero nung humarap siya sakin saka lang nanlaki ang mata niya na parang gulat na gulat. Weirdo...

"Ate! Buti ikaw ang sumundo sakin ngayon!" Napayakap pa siya sa leeg ko.

Gusto kong umiyak sa harap niya ngayon. Kasi natouch ako. Kaya siguro siya nagulat kasi unexpected niyang ako pala ang susundo sakanya. Minsan ko lang kasi siya masundo kasi lagi akong dumidiretso ng Detention Room pagkauwi na pagkauwian. Kaya hindi na nila ako nahihintay ni Kuya.

Ginulo ko muna yung buhok niya bago ko siya niyaya sa may parking lot. Andoon na si Kuya hinihintay kami. Pagkasakay namin ay kaagad din kaming umalis para umuwi na.

Pagkarating namin sa bahay ay kaagad akong nagbihis at pabagsak na humiga sa kama.

'Hmm.. Bakit feeling ko parang andaming nangyari ngayong araw?'

Kaagad kong kinuha yung phone ko nung nagvibrate iyon. At ng tignan ko, Chat galing kay Pres!

Theodore Madrigal

Theodore Madrigal send 9 photos

Theodore Madrigal

I'm having a hard time to choose. Can you help me?

Huh? Bat sakin pa siya magpapatulong. Binalikan ko yung pictures na sinend niya at pinindot. Muntik na malalag ang panga ko at tumaas lahat ng dugo ko sa ulo. Naiinis nanaman ako!

"Pa-paano? H-indi! Na-nabura ko n-na ito e. Bakit?" Napahinto sa pagsasalita magisa dito ng malaman ko ang dahilan kung paano niya nabalik yung mga pictures.

"PRES!!"

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon