CHAPTER 26: Georgia who?

15.3K 637 28
                                    


Ilang linggo na ang nakakaraan simula nung umamin sakin si Jacob. Simula nun ay naging maalaga siya sakin at hinahatid sundo niya ako. Dahil nakita ko naman na pursigido talaga siya, kahapon lang ay pinayagan ko na siya manligaw.

Kasabay nung pagamin niya ay ang hindi pagpansin sakin ni Kupal. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pinagusapan nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam o baka nagaassume lang ako dahil baka busy lang talaga siya sa pagiging SSG President niya. Lalo na't magi-intramurals na kami.

Sumali ako sa volleyball, sports ko yun. Tumigil lang ako, pero ngayon sumali na ulit ako.

"Anong gusto mo?" tanong sakin ni Jacob.

"Kahit ano nalang" sabi ko at nginitian siya ng tipid.

Kahapon ko siya pinayagang manligaw, dahil daw natuwa siya ilalabas niya daw ako. Um-oo nalang ako, linggo naman ngayon.

Nang dumating ang pagkain namin agad akong kumain, inilibot ko saglit ang tingin ko at may nahagilap akong hindi kanais-nais.

Si Kupal at si Georgia, si Georgia and SSG Vice-President namin. Nitong nakaraang linggo napansin kong lagi silang magkasama. Madalas niyang tinatawag si Kupal kahit nasa kalagitnaan kami ng klase. Kung hindi lang siya Vice-President malamang iisipin ko bastos siya!

Hindi ko alam pero naiinis ako sa pagmumukha niya samantalang dati halos puring-puri ko siya sa sobrang ganda niya. Ewan. Nababaliw na ako!

Nakita ko silang papasok sa restaurant kung nasaan kami kaya agad akong napaiwas ng tingin pero hindi nakatakas sakin ang paghampas ni Georgia sa malapad na dibdib ni Kupal.

Binilisan ko ang pagkain para sana umalis na kami agad kasi hindi ko kayang huminga sa iisang lugar kung nasaan ang babaeng iyon. Pero bumagal ang pagkain ko ng may bumati sa amin.

"Oh, hi! We're schoolmates, right?"nag-angat ako ng tingin at nakita ko silang dalawa. Pinigilan kong huwag mapa-irap dahil nakita kong kapit na kapit yung babae sa braso ni Kupal.

"Ah yeah." yun lang ang naisagot ko at tumayo na. Ayoko na kumain.

"Madam, saan ka--"

"Tara na Jacob, busog na ako e." hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana.

"Sige." yun lang at umalis na kami, hindi ko pinansin ang pagpapaalam samin nung Georgia na iyon!

Inaya ako ni Jacob sa World of Fun, kahit papaano ay nawala ang inis na nararamdaman ko. Naglaro kami sa iba't-ibang arcade at ngayon ay nandito na kami sa basketball. Nageenjoy lang kami ng biglang may nagsalita.

"Oh, what a coincidence."hindi ko na kailangan lumingon dahil kilala ko na kung sino ang maarteng boses na iyon.

"Georgia? Kayo nanaman?" alam kong pinipilit lang ni Jacob na wag iparinig sakanila ang naiirita niyang boses. Kahit ako naiirita no.

"Yeah, i want to have some fun kasi kaya we go here. I didn't know you two are here rin. So we go here." talaga? Hindi niya alam? Sungalngalin ko siya e.

"Tara, mag-drive tayo Jacob." aya ko kay Jacob.

"Sige." Pumunta kami sa driving booth, dalawa ang pwede sumakay dun kaya magkatabi kami.

Nagenjoy lang kami hanggang sa mapagod kami at naisipang umuwi na. Buti nalang at hindi na kami pinansin nung dalawang yun kasi talagang sisigawan ko na siya.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong humiga. Dahil narin siguro sa pagod ay nakatulog ako agad.

--------------

Simula nung umamin sakin si Jacob, hindi na ako nalalate kasi lagi siyang pumupunta sa bahay para sunduin ako at oo pinayagan siya nila Papa at Kuya na manligaw sakin at si Mama tuwang tuwa pa kasi daw sa wakas may nagbalak na ring manligaw sa akin.

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon