UNUM

506 64 11
                                    

Nobody really liked her.

She can't blame them.

Kung sabagay, matagal naman nang hindi "likable" sa mata ng mga tao si Kleopatra. Hindi niya alam kung may sama ba ng loob noon ang nanay niya habang naglilihi ito o talagang since birth na siyang hindi "kaaya-aya" sa mundo ng mga mortal. Not that she cares, anyway. The only thing she's sure of is that she's been "different" for a very very very long time now. Matagal nang ipinaparamdam 'yon ng mga taong palaging tumitingin sa kanya nang puno ng panghuhusga.

Again, she can't blame them.

"Kahit naman ako, ayoko sa sarili ko."

Dahil wala naman talaga siyang rason para magustuhan ang repleksyong nakikita niya sa salamin.

In fact, whenever she stares at the mirror, she only sees the image of an emotionally unstable girl who wears her sweater even during summer. Her black bangs almost covered her eyes. Mula nang ginupit niya ang kanyang buhok noong elementary, ilang beses na rin siyang pinagsasabihan ng kanyang tiyahin na "ayusin" ito. Pero dahil na rin sa katigasan ng ulo ni Kleo, kalaunan, sumuko na rin ang kanyang Tita Elvie.

What's wrong with her hair?

Nothing.

Definitely nothing.

Para sa kanya, wala naman kasi siyang dapat baguhin. Mas mainam na ito para maitago kahit papaano ang "hindi kaaya-ayang" hitsura niya sa lipunan ng mga mortal na obsessed sa kagandahan. She's doing them a favor by trying to mask her existence, pero sa kabila nito, alam ni Kleopatra na hindi pa rin effective.

Dahil hanggang ngayon, kilala pa rin siyang "weirdo" sa kanilang kolehiyo.

Paano?

Well, let's just say that some kind-hearted journalist made an article about her last year. Sa totoo lang natuwa siya dahil na-feature siya sa Halloween special. Ang sabi pa nga sa article, "effortless" raw ang kanyang "everyday horror costume". Of course, Kleopatra was touched that someone actually wrote something sweet about her. Pero dahil iba nga pala ang hulma ng utak ng mga taong nasa paligid niya, she became the laughing stock at the College of Fine Arts for a week.

Hindi na nga siya magugulat kung sikat na rin siya sa buong campus.

'Kaya ayoko sa college, eh. Kung pinayagan lang sana nila akong sumali sa mga kulto o mabulok sa kwarto ko habang nagbi-binge watch sa Netflix kasama sina Roberta, at---'

"Ay, anak ng tikbalang!"

Sinusubukan niyang maging invisible pero hindi naman niya intensyong mabunggo ng kung sino-sino. Literal na nga sigurong naging "invisible" siya sa mata ng mga mortal (yes, she likes to call them "mortal" dahil mas masayang pakinggan).

"Oops! S-Sorry... M-Medyo nagmamadali kasi ako, kaya hindi kita napansin agad. Ayos ka lang ba?"

"Uhh it's okay. Sanay naman akong hindi pinapansin."

Thankfully, the mortal who bumped into her had some humanity left. Tinulungan siya nitong tumayo at mabilis na dinampot ang mga nahulog niya magazines. Sa kabila ng mahaba niyang bangs, kitang-kita pa rin ni Kleo kung paano kumunot ang noo ng dalaga nang mabasa niya ang nakasulat sa cover nito.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now