VIGINTI

246 42 18
                                    

"So, the both of you were fooling around behind my back?" Naningkit ang mga mata ni Evil sa'min. "Even when I clearly commanded you NOT to?"

The calmness in his tone made me shut my mouth. Sa ilang taon ng pagkakakilala ko sa isang 'to, nalaman kong mas dapat mong katakutan ang isang Evillois Neverwood sa ganitong mga sitwasyon. No, I'm not particularly "afraid" of him, but let's just say that I'm stupid enough to pull the trigger, either.

Pero syempre, walang pakialam dito si Joker.

"Oh, who the duck cares, brother? Ang importante nalaman na natin kung saan sila nagtatago!" Evarius Neverwood grinned like a maniac. "Now, if you'll excuse me, I have to order more laughing gas at Tartarus... Damn. Bakit ba kasi wala silang online transactions? Geez. Mukhang napag-iiwanan na talaga sila ng panahon."

"Stop treating this like a joke, you masochistic bastard! Ilang beses ko ba kayong pagbabawalang kumilos nang walang permiso ko?"

"Frabjous! Then why don't you stop being bossy, huh? 'Di mo na lang aminin na kaya ayaw mo kaming makialam ay dahil pakiramdam mo kasalanan mo kung bakit hindi pa rin tumitigil ang EKT." At this, the Joker's smirk turned a little bitter, "you're just pissed off that you haven't finished the job by yourself."

Kulang na lang yata mamatay ang ilaw ng lampara at palibutan kami ng apoy sa talim ng tingin ng bunso namin.

"Alam nating hindi pareho na may mas malalim pang dahilan ang pagrerebelde mo, Joker... Are you still angry at me because of what happened to 'her'?"

That made the tension heavier than it already was. Hindi na kailangang banggitin ni Evil ang pangalan niya. Alam naming lahat kung sinong tinutukoy niya. Dahil dito, napansin kong naikuyom na ng panganay namin ang kanyang mga kamao. The Joker's eyes darkened even when he still plastered that goofy grin on his lips.

"Don't you dare mention her, again."

"Tsk! Ako pa rin ba ang sinisisi mo sa mga nangyari? She got in the way. She got herself involved in this mess. Kung hindi sana siya nakikialam---!"

"At kung pinagkatiwalaan mo lang sana kami dati, eh 'di sana hindi na umabot pa sa ganito!"

"Get over it. She's just a human. Mamamatay rin 'yon."

Sa isang kisapmata, kamuntikan nang malaglag sa sahig ang lampara nang kinuwelyuhan ni Joker si Evil. The whole cabin shook as Evil's back slammed against the wooden wall. Naalog pa ang ilang ulo sa katabing shelf, pero mukhang wala nang pakialam dito ang kapatid namin.

"Get over it, huh? Well, that's easy for you to say. Paano kaya kung tahiin ko na lang ang bibig mo? That will be frabjous! HAHAHA! Don't worry, you'll get over it, too..."

Ah, shit.

Hindi ko alam kung kasali ba sa sumpa ng pagiging middle child ang mang-awat ng mga nagwawalang kapatid, pero iyon na mismo ang ginawa ko. Over the years, it became my unspoken obligation. Madalas naman talagang hindi nagkakasundo ang dalawang 'to, but based on the crazed glint in the Joker's eyes, I doubt he was joking with his threats.

Nang mapaghiwalay ko na ang dalawa, inis ko silang pinagitnaan. "Will you two just shut the fuck up? Nag-meeting tayo para magplano, hindi para sayangin ang oras nating subukang patayin ang isa't isa. As interesting as that would be, hindi naman tayo namamatay at ayokong sayangin ang enerhiya kong pagalingin kayo."

Joker glared at Evil one more time before storming to the other side of the room. Samantala, inayos naman ni Evil ang kanyang sarili nang parang walang nangyari.

"Makapagplano sana tayo kung hindi lang umaaktong parang teenager na sawi sa pag-ibig ang isa diyan." Pagpaparinig pa niya bago dinagdag, "Pareho kayong hindi maaasahan. The both of you couldn't even be 'discreet' in anything."

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now