DUODECIM

283 50 10
                                    

A new batch of serial killers, huh?

Sa hindi malamang dahilan, bumalik sa alaala ko 'yong batang nagpakita sa'min kagabi sa sementeryo. I knew there was something odd about him, and he made it clear that he has some extraordinary powers of his own.

'Sa pamamagitan ng pagsipol, namamanipula niya ang mga demon hounds,' I mentally noted.

And that invitation he left...

Tuluyan nang naglaho ang anumang pag-asang mayroon akong hindi totoo ang lahat ng ito. The truth is staring at us, dead in the eyes: the Elite Killing Tournament has returned, bringing along new nightmares.

Agad akong bumaling sa dalagang abala pa rin sa pagkain.

"Kailangan na nating buhayin ang bangkay niya, Kleo. Bago pa mahuli ang lahat."

To my relief, she nodded in understanding.

*

"Frabjous neighborhood, Miss Creeps. At dahil diyan, may joke ako!"

'Is he fucking serious?'

Bago ko pa man mapigilan ang nababaliw kong kapatid, mabilis siyang sumabay sa paglalakad ni Kleo at ngumiti nang nakakaloko.

"Knock! Knock!"

"Walang tao."

"Hey! No fair..."

Sadako glanced at him with a bored expression. "Life isn't fair to everyone, so that makes it fair."

Sandali namang natameme ang kapatid ko. Nang makabawi na siya, napapailing na lang si Joker. "Tsk! Kung hindi lang natin kasama si Everick, I'd probably stitch a smile on your lips right---"

I glared at him.

"---just kidding! Sheesh. Talk about having no sense of humor," he mumbled. "Sige, ulitin natin... Knock! Knock!"

Agad akong nilingon ni Kleo na para bang nagtatanong ng "hindi ba talaga siya susuko?" In response, I shrugged and smile apologetically. Unfortunately, Joker is the most persistent bastard I know. Dahil dito, wala nang nagawa ang dalaga kundi tanungin, "Who's there?"

Kuminang naman ang mga mata ni Joker.

"Bakit sikat si Sadako?"

Kleo crossed her arms over her chest. "Dahil nakakatakot siya?"

"Dahil lumabas na kasi siya sa TV! HAHAHAHAHA!"

Kleopatra Claveria didn't even react. Para bang pinag-iisipan niya lang ang biro ni Joker na lalo namang ikinasimangot ng kapatid ko. Maya-maya pa, nagkibit na lang ng balikat si Kleo.

"Hindi ko maintindihan. Why are you even called Joker when your jokes aren't even funny?"

Napanganga na lang si Evarius.

"A-Anong sinabi mo...?"

Hindi ko napigilang matawa sa reaksyon niya. Buti nga sa kanya. A smug smile formed on my lips as I slung an arm around Kleo's shoulder and urged her to walk ahead, leaving a stunned Joker behind.

Nang makarating kami sa bahay nina Kleo, naaubutan namin itong walang katao-tao.

Sa tabi ko, nagtuloy-tuloy lang sa kanyang silid ang dalaga habang abala sa pagta-type sa kanyang cellphone. Ni hindi niya kami nilingon.

"Nasa bingguhan si Tita Elvie tuwing ganitong oras. We should hurry up if we don't want her to see a revived corpse walking inside the house."

Sumunod kami sa kanya. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong nililibot pa rin ni Joker ang kanyang mga mata sa loob ng bahay. A bored look on his face as he started tapping the walls with his cane. Tumalim ang mga mata ko sa kanya nang "aksidente" pa niyang nasagi ang mga China displays sa kabinet nila.

✔The Knight's MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon