UNDECIM

297 41 7
                                    

I memorized her schedule. 

And before you jump into any shitty conclusions: I just did this to keep track of her---to make sure Sadako doesn't scare the entire student population.

Wala namang masama sa ginagawa ko.

Pero ang nakakapagtaka, bigla na lang siyang naglaho noong lunch time. Wala siya sa main cafeteria ng kanilang college at wala rin siya mga kainan sa Area 13. I walked around the campus and glanced inside several cafés, but that freak is nowhere to be found! Damn. Saan naman kaya pupunta ang isang 'yon?

I sighed.

'Nagsayang pa ako ng oras sa paghahanap.'

Naupo na lang ako sa bleachers na katapat ng malawak na field ng Eastwood Central University. From here, I got a good glimpse at those pretty cheerleaders who kept giggling since they spotted me. I knew they were trying to catch my attention with how they swayed their hips and angle their bodies to show their lovely curves.

Napangisi na lang ako at kinindatan sila.

One of them blew me a flying kiss.

"It's nice to know that my charms still work." Sumandal ako at nakangiting pinanood ang kanilang practice. Ah, now this is relaxing! Dapat pala kanina pa ako nagpunta ri---

"Kasama ba sa kapangyarihan mo ang akitin ang mga babae o ipinaglihi ka ng nanay mo sa magnet?"

"Shit!"

Kamuntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko. Bakit ba bigla na pang sumusulpot sa pagitan ng mga binti ko si Sadako?! And no, you green-minded humans, it's not what you think.

She literally popped out of nowhere!

"D-Damn it, Sadako! Anong ginagawa mo diyan?!"

Wala na pala roon ang kausap ko.

Ilang sandali pa, doon ko napagtantong may siwang nga pala ang bleachers na 'to; gawa sa kahoy at butas ang ilalim. I peaked through the gaps and saw she was sitting under me. May nakalatag pang itim na picnic blanket at nakatitig sa'kin ang kanyang manika.

'Dito siya nagpupunta tuwing lunch break?'

Confused, I jumped down, walked around, and stared at her with my hands shoved into my pockets. Nakakapanibagong hindi ko suot ang trench coat ko tuwing magpapanggap akong propesor sa unibersidad nila.

"Mind if I join you?"

Kleo looked up at me, and silently shook her head.

Naupo ako sa tabi ni Roberta na may platitong walang-laman sa kanyang harapan. I ignored the creepy doll and turned my attention to the weird girl nibbling on a sandwich.

I smirked. "So, are you eating the flesh of your enemies?"

"No, I'm eating a tuna sandwich. Want some?"

"Sure."

Base sa kanyang mga kilos, alam kong hindi siya sanay na may sumasabay sa kanya sa pagkain. Hindi na nakakapagtaka. From what I know of her so far, she doesn't seem like a sociable person. Mukhang wala rin siyang kaibigan. Kung naging consequence na lang ito ng pagiging "weird" niya---or if it's the other way around---I have no idea. Hindi ko maiwasang maawa sa mortal na 'to.

Kleo has been isolating herself from everyone, and she seems perfectly okay with it...

"About the corpse in your---"

Agad na naputol ang sasabihin ko nang umalingawngaw sa katahimikan ang kanyang ringtone. It was the song from that Tim Burton movie, "The Corpse's Bride". Hindi na ako nagtaka rito.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now