SEPTEMDECIM

282 49 13
                                    

'A cat and human hybrid, huh?'

Hindi na ako nabigyan ng oras makapag-isip nang bigla na lang niya kaming hinampas ng dambuhalang latigo. Mabilis kong hinila palayo si Kleo nang mapansin kong sinusubukan na naman niyang lumapit sa mamamatay-tao at kumuha ng picture.

"Aww. I thought you love playing games, Neverwood?" She purred.

To my surprise, the whip left a large crack on where it hit the floor. Of course it wasn't an ordinary weapon! Tsk. I can only assume that one hit will be enough to break a bone or two.

'Kanina pa ba nila kami inaabangan?'

Kinuha ko ang Swiss army knife na nakatago sa manggas ko at akmang ihahagis na sana sa kanyang direksyon nang tumama ang latigo sa kamay ko. I cursed with the sting of pain, causing me to let go of the knife. Tangina, pakiramdam ko nabalian pa ako ng buto.

My blood spilled on the concrete as Kleo worriedly stared at the gaping wound.

"I'm fine. Don't worry about me, Sadako," kumindat ako sa kanya at ngumiti. "Kakayanin kong masugatan nang paulit-ulit para sa'yo."

But then again, my charms never worked on this girl.

"Aba, malamang! May healing abilities ka naman, eh. Pero hihingi lang muna sana ako ng sample ng dugo mo. I always wanted to study immortal blood! Wait, I think I have a vial here..." At sinimulan na niyang kalkalin ang laman ng kanyang bag.

Tsk. Why do I even bother?

Samantala, ngumisi nang nakakaloko sa'kin ang dalagang...pusa. Damn, I don't even know what to call her. Anyway, she sensually licked the blood off her whip while keeping her gaze on me.

"Yummy. I wonder how you taste in 'different' areas, too.. Meow~"

Disgusting.

Bumaling ako kay Kleo na abala pa rin sa paghahanap ng botilya para sa dugo ko. Halos hindi na niya mahawakan nang maayos si Roberta dahil sa dami ng hinahalungkat niya. Damn this.

"Kleo, for the love of crows, get out of here! Nakikita mo namang may mamamatay-tao, 'di ba?"

"Correction: mamamatay-daga din siya... Hmm. Do you think she'll agree for an interview?"

Napasapo na lang ako sa noo ko. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong mukhang aliw na aliw naman ang kalaban namin sa kasama ko. She grinned at me, showing off her pointed teeth. "How do you even keep up with humans like that? Nakakatawa ang pagiging inosente nila. Kung ako sa'yo, baka matagal ko nang tinapos ang taong 'yan."

Without a warning, the enemy attacked again.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang mapansing hindi ito nakadirekta sa'min...

"R-Roberta!"

Natigilan kaming lahat. It felt like time froze in that very moment, emphasizing the tragedy that happened. "Roberta..." Her voice sounded so heart-breaking. Matagal na hindi nakakilos si Kleo. Natuod naman ako sa kinatatayuan ko habang pinamamasdan ang nasirang manika sa sahig. Nagkalat ang bulak mula sa tiyan nito na parang mga laman-loob. Her limbs were all over the place.

"Crying over a fucking doll? Your innocence surprises me." The hybrid scrunched up her nose while staring at the doll. "Sino ba naman ang may gusto sa ganyang kapangit na manika?"

Walang umimik.

Nang tingnan ko ulit si Kleo, doon ko napansing nakakuyom na pala ang kanyang nga kamao. Bago pa man ako makapagsalita, mabilis niyang inilahad ang kanyang kamay sa'kin.

"Give me a knife."

Naalala ko na naman ang ginawa niya sa hamster. But hell, I doubt she'll use her powers to actually revive someone right now. Masama ang kutob ko rito.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now