TRES

400 62 1
                                    

Sa gilid ng isang botika, ilang kanto mula sa Limekiln, ibinaba ng dalaga ang kanyang binoculars at kinausap ang dala-dala niyang manika.  

"Nakita mo ba 'yon, Roberta? That man just sliced off the other guy's hand even when he was 10 meters away! Siguradong hindi siya tao!"

Kleopatra grinned when her eyeless sockets stared back at her. Agad na lumayo ang ilang mga mortal na nakapansin sa kanya. Some parents even shielded their children's eyes from them as if the sight of the creepy doll will cause emotional trauma.

Of course, she doesn't expect them to understand.

'Naiinggit lang sila,' muling paalala ni Kleo sa kanyang sarili sabay yakap kay Roberta. Pero kumalas rin siya nang mapansing nalalaglag na naman ang nakatahi nitong braso. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at ibinalik ang atensyon sa gusali kung saan pumasok ang misteryosong lalaki.

Walang nakapansin sa kanya bukod kay Kleopatra.

Nahagip pa ng mga mata ni Kleo ang itim nitong trench coat.

Hindi siya maaaring magkamali. Siya nga yung lalaki sa magazine article! Lalo siyang nakaramdam ng excitement.

'I finally found you, crow-shifter.'

*

The Limekiln Antigone Turtle.

In all honesty, the inside of this bar isn't as lame as its name.

Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng gusali, agad akong sinalubong ng multi-colored disco lights at ang nakabibinging musikang nanggagaling sa stage. I'm surprised any musician will agree to play at this crappy place. Mukhang malaki nga talaga ang ibinabayad nila sa mga ito.

'Bakit pa nga ba ako magtataka? Humans inhale money and exhale compassion regularly,' I mused while scanning the area.

Unfortunately, all I can see is a sea of helpless souls trying to drown their misery by dancing, drinking, or making-out with other helpless souls.

Don't get me wrong, humans are interesting creatures. Matagal-tagal ko na ring inoobserbahan ang kanilang mga kilos mula nang makalimutan ko na kung paano maging mortal. Pero aaminin kong mas interesante sila tuwing napapahamak sila sa sarili nilang katangahan. These past centuries, our enemies either die by their own stupidity or by the knife I slit their throats with.

Am I a sadist? Well, perhaps I am.

Kung normal na nilalang lang siguro ako, baka kanina pa ako nahilo sa pinaghalong
amoy ng alak, usok na nagmumula sa mga vape, at sa mga drogang hinihithit ng ilang kalalakihan sa isang sulok.

Half-naked bodies moved in a synchronized chaos.

Mouths whispered the sins of the flesh.

Maya-maya pa, agad akong napasimagot nang hindi ko nakita ang taong hinahanap ko. "Mukhang nagpunta na nga siya sa meeting nila."

Nakapamulsa akong lumapit sa isang waiter na abala sa pakikipagkwentuhan sa bartender. Dahil wala na akong oras para maging "mabait", I swiftly grabbed the hidden pocket knife inside my coat and pulled him by the collar. Napalitan ng takot ang kanyang ekspresyon nang mapansin niya ang patalim na nakatutok sa kanyang leeg.

"Private room 9?"

Napalunok ang waiter at nangingnig na tinuro ang kabilang bahagi ng bar. "D-Diretsuhin mo lang 'yong pasilyo. T-Third door from the left!"

I nodded and pushed the man away. Ngunit bago ako umalis, isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila ng bartender. "You can try calling the police if you like. Pero kung ako sa inyo, uunahin ko munang magtawag ng ambulansya. Someone will probably need it within the next hour."

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now