VIGINTI QUINQUE

287 51 5
                                    

I woke up with a fucking migraine.

'Great. Just what I need. Tsk!'

Hindi ko alam kung ilang oras nang nakakalipas, pero sa dilim ng paligid, it has probably been just a few hours after I passed out. Huminga ako nang malalim at mahinang napamura sa pananakit ng katawan ko. I laid on the grassy ground with perspiration and specks of blood coating my body.

Nagkalat sa paligid ang koleksyon ko ng mga patalim. Hindi na ako nag-abala pang pulutin ang mga 'yon.

Ayoko nang isipin kung ilang hayop na naman ang nadamay sa pagwawala ko.

I picked up my trench coat and frowned at the dirt on the sleeves. Mukhang kailangan ko na namang pumunta sa Tartarus para ipa-laundry ito. Gustuhin ko mang ipasabay na lang kay Joker sa pagkuha niya ng supplies, wala akong tiwala sa isang 'yon. I doubt he'll give a damn about anything other than his own property.

But right now, I think I need to get my mind off things.

"But before that, I need to take a shower first...unless women don't mind me romancing them while I look like a mess."

Matagal-tagal na rin pala mula noong may naiuwi akong babae sa treehouse. Don't get me wrong, I've had lapses in my nighty "routines" before, but they didn't last longer than a couple of nights. Ano bang nagbago? Kung hindi ako nagkakamali, I haven't slept with anyone ever since I've met...

Napailing na lang ako.

'Malala na nga 'to.'

Bago pa man pumasok ang kung anu-anong ideya sa isip ko, agad kong sinuot ang coat ko at nabagong-anyo.

When I reached the treehouse nestled on one of the oldest acacia trees in the forest, agad kong hinubad ang pang-itaas ko at sinulyapan ang koleksyon ko ng mga kamay. Walang nakakaalam na dinagdag ko dito ang mga kamay ni Hitler, Abraham Lincoln, at Michael Jackson. Of course I had to steal them, but it's worth it.

I frowned when I saw dust on the glass. Sa sobrang busy ko, hindi ko na pala nalilinisan 'to.

Just when I was about wipe the glass case, nahagip ng mga mata ko ang repleksyon ng kung anumang umaangat mula sa bintana.

The moonlight from behind me illuminated the figure of a dark creature creeping in.

"W-What the hell?"

Mabilis kong nilingon ang halimaw at binato sa kanya ang t-shirt ko. The impact sent the monster flying back, making me grin with satisfaction.

'Akala siguro ng mga baliw na 'to, maiisahan nila ako? Bastards. They should've known that no one can surprise Everick Ne---'

"AAAAAAAHHH!"

Teka...

BAKIT PARANG BOSES NI SADAKO 'YON?!

"Shit."

I quickly jumped out of the window and half-transformed. Black wings unfurled from my back as I dived in to catch her. Nakatuon ang atensyon ko sa kanya. Pero panandalian akong nawala sa konsentrasyon nang hinawi ng hangin ang buhok ni Kleo habang nasa ere siya.

I finally got a glimpse of her eyes.

Hindi ko alam na---

"HOY! MAY PLANO KA PA BANG ILIGTAS AKO?!"

Oh, right.

I zoomed in and wrapped my arms around her before she could even hit the ground. Mabilis akong umangat sa ere at lumipad pabalik sa bintana ng treehouse.

Nang maibaba ko na si Kleo, she quickly turned around to fix her bangs before facing me again with crossed arms. Suot pa rin niya ang paborito niyang gray sweater, her leggings were replaced with fluffy white pajamas.

✔The Knight's MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon