VIGINTI TRES

229 45 6
                                    

Being a referee sounded easier in his father's stories.

Hindi alam ni Raff kung ilang beses na niyang inayos ang kwelyo ng kulay ginto at itim niyang uniporme. As comfortable and expensive the fabric was, mukhang hindi pa rin siya nito kayang pakalmahin.

'Kung hindi lang mataas ang sahod dito, eh!'

Not to mention that little "bonus" he got from being a spy. Wala siguro talagang delikadong trabaho para sa mga katulad niyang nangangailangan ng pera. Sa huli, sinulyapan ulit ni Raff ang screen ng kanyang cellphone.

One minute left.

Wala sa sariling napangiti na lang siya nang makita si Kleo sa kanyang wallpaper. It was a stolen shot he took at lunch while she was busy reading a paranormal magazine.

It's not a crime if he thinks she's cute, right?

Hindi niya talaga maintindihan kung bakit nawiwirduhan ang lahat sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Raff at mabilis na ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone nang dumaan ang sekretarya. She had her eyes glued on her clipboard, pero seryoso nitong ipinaalala, "Wag kang mag-aalala, tulad ng nakalagay sa kontrata, may hinanda na agad kaming kabaong kung sakaling hindi ka umabot ng umaga."

'Well that's reassuring.'

Nang marinig na ni Raff ang mga trumpeta, alam niyang 'yon na ang hudyat. He took another deep breath and passed by Nica, the girl who recruited him in the first place. Hindi tulad ng kanyang tiyahin, para bang wala itong pakialam kung anong mangyari sa kanya.

Sumusunod lang din siya sa mga utos.

The moment he stepped into the ring, Raff was almost blinded by the spotlight.

'What the hell?'

Pinuno ng ingay ng mga champagne glasses at mahihinang kwentuhan ang paligid. Nang makapag-adjust na ang kanyang mga mata sa liwanag, doon niya napagtantong tila nasa loob siya ng isang higanteng haula.

Thick metal bars trapped him inside a circular enclosure.

The sides of cage where the audience watched were pitch black. A hundred eyes focused on him, making Raff even more anxious. Above, giant screens were set up as the drones zoomed around the area, making sure to capture every angle on camera. The place smelled like strong perfume and paper bills.

'Ito ang Elite Killing Tournament?'

Agad na naramdaman ni Raff ang bigat ng paligid nang makapwesto na siya sa maliit na platform sa sentro ng kaguluhang ito. Maya-maya pa, kinuha na niya ang mikropono at pinilit kalimutan ang panginginig ng kanyang mga kamay.

Bahala na.

"WELCOME TO THE NEW ELITE KILLING TOURNAMENT!"

His voice echoed in the hall, shattering the chatters of the masked guests.

Maya-maya pa, agad na napuno ng sigawan sa mga manonood kasabay ng mangilan-ngilang pustahang nagsisimula na. Matapos niyang basahin ang ilang revisions at schedule ng matches, oras na para ipakilala ang mga kalahok.

"For our first match this season, we have..." Binasang muli ni Raff ang nakalagay sa itim na card. Geez. Bakit ba ganito ang mga pangalan nila?

"THE TOYMAKER VS WHISTLER!"

Lumakas ang hiyawan ng mga tao.

In a spectator's perspective, it must be really entertaining to see two killers enter the arena. But in a referee's perspective, it was terrifying.

Sa kanyang kaliwa, lumitaw mula sa kawalan ang isang batang lalaki. Naksuot ito ng Victorian clothes at mukha namang inosente.... well, that was before he whistled and called his monstrous and blood-thirsty hounds. Napapitlag si Raff nang tahulan siya ng mga halimaw.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now