VIGINTI DUO

215 43 6
                                    

The College of Performing Arts is the home of ECU's greatest theatre. Halos kasing-laki nito ang concert hall sa kolehiyo nina Marquessa, pero imbes na musical instruments, dose-dosenang stone pillars, medieval props, at makakapal na kurtina ang sumalubong sa kanila.

Hindi na sila nahirapang hanapin ang Joker...

"To be, or not to be, that is the frabjous question!"

Sa harapan ng stage, nakita nilang napapailing na lang ang propesor sa ginagawa ng binata. Nakatutok pa sa kanya ang spotlight habang pilit hinahanap ng ibang theatre students kung saang parte ng script ang nire-recite niya. On one end of the stage, the folks dancers were having a hard time concentrating, too.

"Whether 'tis nobler in the mind to suffer the slings and arrows of outrageous fortune of knock-knock jokes!"

Damang-dama pa ni Joker ang pagre-recite ng mga linya. As they neared the stage, napabuntong-hininga na lang si Kleo. "Is that suppose to be from Hamlet? Tsk. Hindi na ako magtataka kung babangon sa libingan niya si Shakespeare para ilibing nang buhay ang baliw na 'to," she didn't even bother to whisper.

Pero nang sulyapan niya si Kesa, napansin niyang nakatitig lang ito kay Joker.

Halatang naaaliw at pinipigilan nitong matawa sa kalokohan ng binata.

Kleo raised an eyebrow, even though no one actually sees it.

'Bagay talaga sila.'

"For in that sleep of death what dreams may come of my insane little sweet---"

Natigil sa pagda-drama si Joker nang mapansing nasa front row na ang dalawang dalaga. Lumawak ang ngiti nito at hinagis kung saan ang script bago natungo sa kinaroroonan nila. He grinned from ear to ear, jumped off the stage, and placed a rubber duck on their bald professor's head.

"Ah, fancy seeing you two here! Nakakatuwang malaman na dumadayo pa talaga ang mga tagahanga ko. Hahahaha!"

Napairap na lang si Marquessa at mabilis na hinagis ang punyal sa binata. Walang kahirap-hirap itong nasalo ni Joker habang nakangiti pa rin sa kanila.

"Do you want me to sign this for you? Frabjous choice of weapon, by the way."

"Logo ng EKT ang 'yan, hindi ba?" Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Kleo. Mabuti na lang at bumalik na sa ginagawa nila ang iba pang mga estudyante. They'd surely be sent to the disciplinary office kapag nakita nilang totoo ang patalim.

Naningkit naman ang mga mata ni Evarius Neverwood at sinipat ang hawak niya. Maya-maya pa, agad siyang naupo sa harapan ng dalawa at seryosong tinanong, "Where the duck did you get this?"

"Someone attacked us earlier," Kleo started. "Hindi namin nakita kung sino at hindi namin alam kung bakit niya kami target. Pero base sa mga nangyayari ngayon, hindi malayong pinaghihinalaan na rin ng tournament admins na may koneksyon kami sa inyo."

Joker cursed under his breath and hid the dagger inside his chaleco.

"Yeah, I'll take note of this. 'Wag na kayong makialam. Just forget this ever happened..."

Hindi nakaligtas sa obserbasyon ni Kleo ang pagtagal ng tingin ni Joker kay Kesa. It was as if he was directing that last statement more to her. At kung hindi siya nagkakamali, naroon ang pangungulila sa mga mata nito.

'Ano ba talaga ang nangyari sa kanila?'

Nagulat na lang si Kleo nang bigla na lang humalukipkip si Marquessa at sinamaan ng tingin si Joker.

"Forget about it? Just like how I forget about everything else in my past?"

"Yup."

"At may kinalaman rin kayo dito? Tell me, ikaw ba ang dahilan kung bakit wala akong maalala ngayon?"

A pained expression crossed the immortal's face.

"Let's not talk about this. Hindi mo rin maiintindihan---"

"Dahil ayaw ninyong ipaintindi sa'kin!" Inis na napabuntong-hininga na lang ang dalaga. Ramdam ni Kleo ang frustration boses ng kanyang kasama. Hindi niya maisip kung gaano kahirap mawalan ng mga alaala, but from the look on Marquessa's face, it must be really exhausting to live every single day with a gap in your memories.

Before the Joker could even reply, Marquessa Legazpi walked out of the theatre and left them.

Tahimik na sumandal sa upuan si Kleo at pinagmasdan ang reaksyon ni Evarius. Tuluyan nang naglaho ang kaninang malawak niyang ngiti. Napalitan ng lungkot ang kabaliwan sa kanyang mga mata. In that brief moment, he actually looked like a normal person and not some masochistic madman.

"Kasali noon sa EKT si Kesa, hindi ba?"

He forced a laugh. "Let me guess... she's having nightmares, again?"

Tumango si Kleo.

Hindi niya man lubos naiintindihan kung ano talagang nangyari sa kanila, pero hindi siya bulag. She can see the way he looks at Marquessa. Malinaw na malinaw, kahit pa natatakpan ng bangs ang mga mata niya.

"I had to do it..."

His words were barely audible, pero narinig pa rin ito ng dalaga.

'He had to do it... Iyon rin ba ang dahilan kung bakit ilang araw nang di nagpaparamdam si crow-shifter? Do they really believe they're protecting us?'

Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, tumayo na rin si Kleo. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin sa mga ganitong sitwasyon, but she found the words stumbling out of her mouth, anyway.

"Immortality doesn't give you any power over humans... Minsan nakakalimutan niyo yatang may kakayahan rin kaming magdesisyon para sa mga sarili namin."

And with that, Kleopatra Claveria walked away.

---

So what if others don't agree with you
or with the opinions you have in mind?
It's disaster if everyone thinks the same,
for humanity will see nothing as a crime.

---Kleopatra Claveria

✔The Knight's MadnessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang