QUINDECIM

282 50 3
                                    

"Friendly advice: stay away from me."

Napakamot na lang sa kanyang ulo ang binata, pero mukhang wala pa rin itong balak umalis sa tabi niya. Maya-maya pa, pinatong nito ang kanyang tray sa mesa at naglahad ng kamay. 

"I'm Raffaelo, by the way. You're Kleo, right?"

Kleo stared at his hand and scooted away, as if she was allergic to human touch. Tumikhim naman si Kesa para kunin ang atensyon nilang dalawa.

"Aw, don't be rude, Kleo! He looks like a nice guy," she teased. "Pagkakataon mo na 'to para magkaroon ng mga kaibigan."

Napasimangot na lang si Kleo.

Yes, this is an awkward lunch. Sana pala nag-picnic na lang siya ulit sa ilalim ng bleachers. Wala namang nakapagsabi sa kanyang nakakapagod palang makipagkaibigan...

*

I barely slept last night.

At sa pagkakataong ito, mukhang hindi na tumatalab sa'kin ang sleeping pills. I knew I shouldn't be surprised, though. Hindi ko na nga matandaan kung bakit ko ulit sinubukan. Matagal ko na dapat tinanggap na wala nang epekto sa'kin ang gamot ng mga mortal.

'Damn luck.'

To make the long story short: hindi namin nahanap ang bangkay, but we saw tire tracks along the road adjacent to where Kleo's house is. Sa kasamaang-palad, biglang umulan kagabi kaya hindi ko na ito nasundan.

Joker wasn't much help, either.

Sa kabila ng paminsan-minsang mga biro niya, halatang hindi niya rin kayang mag-concentrate. Right then, I knew he was still bothered by seeing Marquessa again, especially now that he realized her connections with Sadako.

I sighed and made my way to the college cafeteria.

Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling kumain.

Who needs food when you're an immortal with healing powers, anyway?

"Hi, Prof Everick!"

"Sir, ang pogi mo po ngayon, ah!"

"Prof, pwede mo po ba akong i-'tutor'? Hihi."

I smiled and acted normal. Nakakaaliw isipin na para bang wala nang nakakaalala kay Professor Rivera mula nang palitan ko siya. Humans are really interesting. Pero pagkapasok ko pa lang sa maingay na silid, agad kong nakita si Sadako.

'Anong ginagawa niya rito?'

I quickly made my way towards her. With her creepy appearance, she easily stood out from the crowd!

Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako.

Not until I saw her sitting with Kesa and another male student. Mukhang abala pa sa pakikipagkwentuhan ang mga ito. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang pasimpleng pag-usog papalapit ng binata sa walang kamalay-malay na si Kleo.

Napasimangot ako.

"Ehem."

Napalingon sa'kin ang tatlo. Kesa furrowed her eyebrows when she saw me. Para bang kinikilatis niya ako. Damn, there's that guilt again. Lalo na noong sinabi niyang, "Parang kilala kita..."

Shit!

"No, you don't---"

"---ikaw 'yong nasa bahay kahapon ni Kleo, 'di ba?"

Nakahinga ako nang maluwag. Thankfully, the drug Joker gave her is working magic. Kaya tumango na lang ako at tumabi sa kanila. "Yeah. I had to help Sada---I mean, Kleo, with something yesterday."

Marquessa eyed me again with that awfully familiar look. One filled with curiosity.

"And that other guy I saw yesterday is...?"

I hesitated.

"My brother."

Ramdam kong marami pa siyang gustong tanungin, pero pinili na lang niyang manahimik at ituon ulit ang atensyon sa pagkain. Kung natatandaan pa kaya kami ni Marquessa, how will she even react? Mapapatawad niya kaya kami kahit na sinira namin ang buhay niya? Magiging masaya kaya sila ng kapatid ko? Kung tutuusin, nadamay na lang din siya. But then again, Kleo is now following in her footsteps, making the same mistakes Marquessa made... No, this is not the time to wonder about such things.

"Hindi ko talaga inaasahang makikita ko kayo rito," I directed my question to Kleo.

Nagkibit lang siya ng balikat at ipinagpatuloy ang pangma-massacre sa pork and beans niya sa plato.

Nang dumapo naman ang mga mata ko sa katabi niya, I saw him tuck something into his backpack. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na envelope.

A black one.

Gustuhin ko mang isipin na wala itong kinalaman sa mga nangyayari ngayon, my guts were telling me otherwise.

"Where did you get that?"

Napahinto naman ng binata. Nakita ko ang pag-aalinlangan niya. His eyes then darted to my faculty badge. Sa huli, wala na rin siyang nagawa kung hindi ilapag ang black envelope sa harap namin. Even the girls averted their attention at the peculiar object.

"It's an invitation."

"For what?"

"I don't know. Basta inaalok nila akong maging referee," he said. "Malamang naging matunog na naman ang pangalan ni papa. Tsk! I hate how everyone thinks I want to be like that grumpy old bastard."

A referee, huh?

Mukhang kumikilos na nga sila. Agad na napabalutan ng tensyon ang paligid. Damn. Ayoko nang isipin kung anong mga pakulo ang hinahanda para sa tournament na 'yon. Pero kung hindi nila binanggit na para ito sa tournament...

"By any chance, nakalagay ba diyan kung nasaan ang opisina nila?"

He nodded, as if recalling this one tiny detail.

"Iyon na rin ang nakapagtataka.Their office address is the same as one of those bars downtown... sa Limekiln's."

---

She painted the world in shades of black,
to cover the ugly sketches underneath;
Only to realize that no amount of pigment
can conceal the remorse she keeps.

---Everick Neverwood

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now