VIGINTI UNUM

229 44 2
                                    

Hindi na nagpakita ulit si "Professor" Everick Neverwood.

'Ni hindi nga yata siya nagpaalam sa faculty kaya nagkukumahog na naman silang maghanap ng papalit sa kanya,' Kleo thought in disappointment and stabbed the scissors into a skull-printed pin cushion. Dahil dito, napapitlag na lang si Kesa na abala sa paglilinis ng kanyang violin.

She casted a worried look at her friend's direction.

"Iniisip mo na naman siya?"

Hindi umimik si Kleo at bumalik sa pagtatahi sa braso ni Roberta. Tahimik niyang itinuon ang kanyang konsentrasyon sa pagbaon ng malaking karayom sa tela, hindi alintanang natutusok na rin niya ang kanyang mga daliri. It looks like she was already numb to physical pain, after all.

Marquessa sighed and quickly took the needle from her.

"Hay! Tama na nga 'yan. Can't you see you're already bleeding?" Turo niya sa mga daliri nito. It wasn't anything serious, but that didn't stop Kesa from grabbing a band aid.

It's still odd to have a friend who cares about you, pero hindi na rin nagreklamo si Kleo at hinayaan lang ito. Sa kanilang gilid, abala pa rin sa pagbabasa ng mga papel si Raff. Kung hindi siya nagkakamali, may isang oras na yata ito sa "pag-aaral" niya. He didn't even bother eating his tuna sandwich during break time.

"Para ba 'yan sa tournament?" Kleo asked.

Raff raised his eyes and smiled shyly at her, "Uh, yeah... Ipinadala na nila sa'kin ang mga rules at policy revisions sa laban. It turns out, there's nothing really special about these notes. Tinanggal lang nila ang elimination round at nagdagdag ng special effects."

He's lying.

Magmula noong tinanggap na ni Raff ang pagiging referee at espiya para sa mga Neverwoods, mas naging abala na ito sa kung anu-anong mga bagay. Pero tuwing inuusisa nila ito ni Kesa, he would always answer them with general stuff or avoid answering them at all. "Classified information," palagi niyang paliwanag.

Kalaunan, nagsawa na rin sila sa pangungulit kay Raff.

Ang hinala ni Kleo, mahigpit siyang binilinan ng mga Neverwood na itikom ang kanyang bibig tungkol dito.

'It's like they don't even want us to get involved, anymore.'

Hindi mapigilang madismaya ng dalaga. Ang akala ba niya may tiwala na si Everick sa kanya? Kleo is pretty sure she already proved herself capable of handling crazy situations, pero mukhang hindi pa rin ito sapat. Marahil 'yon rin ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang iniwan sa ere ng crow-shifter na 'yon.

"Kleo pasamang mag-CR."

Napabalik na lang sa kasalukuyan si Kleo nang bigla na lang siyang hatakin ni Kesa papunta sa restroom ng auditorium. Mabuti na lang at mangilan-ngilan na lang ang music students na nag-eensayo doon, kaya iilan na lang din ang nangmata sa kanya.

Indeed, no matter where Kleopatra Claveria goes, pinagtitinginan pa rin siya ng mga estudyante na parang nakakita sila ng multo.

When they reached the girl's restroom (bakit ba laging kailangang may kasama sa CR si Kesa?), Marquessa Legazpi quickly made sure that nobody else was inside and locked the door. Sa nagugulang ekspresyon ni Kleo, napabuntong-hininga na lang ang dalaga.

"Look, alam nating pareho na may dahilan siguro si Everick kaya ka niya nilalayuan... And like what you've told me, mukhang may kinalaman nga ito sa KET---"

"EKT."

"---whatever that tournament is," Kesa sighed and leaned against the door. "It's too dangerous...and my gut feeling agrees with that." Somehow, she almost looks as bothered as Kleo was, at hindi niya alam kung dapat ba niya itong ikabahala o hindi. Kalaunan, naupo na lang sa sahig ng CR si Kleo, katapat ng kanyang kaibigan.

✔The Knight's MadnessWhere stories live. Discover now